The Nurse

93 5 0
                                    


Shared by : EXTRAngHERO

I can't remember the exact year kung kailan sya nangyari pero hindi ko makalimutan yung buong pangyayari.

ORTHOPEDIC Ward, PGH

Na-confine ang lola ko sa PGH dahil sa isang aksidente, nabalian si lola sa balakang ng ma-out of balance sya habang naglilinis sa bahay ng tita ko kaya kinailangan niyang lagyan ng bakal. na-confine si lola at ako ang naging official na bantay ni lola sa ospital. so naging "bahay" ko ang PGH for 3 months, at dahil doon naging ka-close ko na lahat ng staff sa ortho ward, ibang pasyente na "roommate" ng lola ko at mga "bantay" nila.

So eto na nga, mag-aalas tres ng madaling araw natutulog ako sa sahig sa kanang bahagi ng kama ng lola ko nang biglang bumagsak sa akin yung "walker" ng lola ko aluminum walker yun. at kung nakakita ka na ng walker alam mo na siguro kung ano yung sinasabi ko.

Nagising ako kasi una masakit (bumagsak kasi sa tiyan ko medyo mabigat). Pangalawa, nagulat ako, hindi kasi yon babagsak unless tinulak mo. Tinignan ko ang lola ko. Putlang-putla si Lola takot na takot kaya nag-alala ako. Sabi ng lola ko "Bumili ka ng bawang." sabi ko "'La, alas tres ng madaling araw, nasa ospital tayo. saan ako maghahanap ng bawang? saka para saan?"
sabi ng Lola ko "Basta!" bilang respeto sa lola ko at bilang mabuting Apo, lumabas ako ng ospital, nagyosi saglit at naghanap ng bawang kahit pa na alam ko sa sarili ko na "isa itong malaking kalokohan".
Nakarating ako sa likod ng PGH malapit sa Robinson's Place Manila, swerte nalang na may mga Gotohan noon sa parteng yun. nakiusap ako dun sa vendor na baka pwedeng makabili ng isang buong hilaw na bawang. Ngumiti yung vendor, inabot yung bawang tapos binayaran ko. sa isip-isip siguro ng vendor "Adik yata yon eh, aanhin ang bawang sa madaling araw?"

Nang makakuha na ako ng bawang halos patakbo akong bumalik sa PGH at iniabot sa lola ko yung bawang at sa inis ko na din tinanong ko Lola ko. "'La, ano ba kasing nangyayari? aanhin mo ba yang bawang?" "Nandito siya. Lalasunin nya ako!" sabi ng Lola ko. Sabi ko naman "Sinong siya? saka bakit ka lalasunin?" "Yung Nurse, nandito sya kanina sinubukan nya akong turukan ng injection." "'La, kung nurse yon bakit ka lalasunin? saka diba kapag nagra-rounds sila normal naman na may ini-inject sila sayo o kaya diyan sa swero mo?" "Oo, nga pero alas tres palang ng madaling araw"

Dun ako nahimasmasan, Oo nga! bakit ang aga? 5am ang unang rounds ng nurse saka hindi para magturok ng gamot. para yon gisingin ang mga pasyente at bantay. tapos pinakita ng Lola ko yung kaliwang braso nya, namumula yon at may palatandaan ng mahigpit na pag kakahawak. sabi ni Lola, natakot daw sya ang lakas-lakas daw nung babaeng nurse, kaya ang ginawa nya sinagi nya yung walker para bumagsak sa akin at magising ako.

May third eye ang Lola ko. kaya naintindihan ko na kung anong nangyari. sabi ni Lola alam daw nyang hindi yun ang nurse nya dahil nga 3 months na kami dun, alam at kabisado na din nya kung kailan at anong oras dumarating ang mga doktor at nurse. yung nurse daw ay walang mukha, mahaba ang buhok na hanggang bewang kaya nasabi nyan babae at nang nagdasal daw si Lola habang pinipilit nyang makawala bigla daw umalis at lumabas ng kwarto yung "Nurse" hindi naglalakad at nakalutang sa hangin iba din daw ang uniporme at mukhang makaluma. dahil sa mga narinig ko sa lola ko. "Nawala yung antok ko, daig ko pa ang uminom ng isang case na energy drink". kinatanghalian ng dumating ang tita ko na syang papalit sa akin para makuwi ako, makaligo at mapagpalit ng damit, walang imik-umik lumabas ako ng kwarto, bitbit ang gamit ko umuwi ako. iniisip ko kung nanaginip lang ba ako o totoo ang lahat. saka ko naisipan na tingnan ang kaliwang bulsa ng short ko. totoo lahat, hindi ako nananaginip. nasa bulsa ko pa yung 40php na sukli ko ng bumili ako ng bawang at YOSI.
        
Madami ng nagkwento sa'kin tungkol kay "Jenny" yung namatay na nurse doon sa nurse station inatake sya sa sobrang pagod. madalas pa din daw yon mag"rounds" sa ospital at madalas sa nursery room kung saan sya madalas naka-assign noon kaya madalas bigla nalang nag-iiyakan yung mga batang naka-confine sa kwarto na yon. bumalik din ako ng PGH kinagabihan mga bandang alas nuebe. umuwi lang naman ako para maligo, magpalit ng damit at magpahinga saglit. saka ko ikinuwento sa tita ko yung nangyari bago sya umalis, yun na din ang huling punta ng tita ko, kasi kinabukasan yung pinsan ko ng lalaki ang naging ka-"relyebo" ko sa pagbabantay ko sa Lola ko.

Marami pa akong "weird" na naranasan sa PGH sa loob ng 3 months na "pag-staycation" ko doon. at mas nakakatakot yung eksena sa CR na naging dahilan kung bakit hindi na ako doon naliligo at kung magsi-cr man ako ay pumupunta ako sa kabilang ward.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon