Compiled Stories 11

170 3 0
                                    


Shared by Mymnosene

Dami-dami nyo sa CSB at DLSU, eto naman from SSC.

TALE #1: For some reason, ang tawag sa office ng paper e lungga ng mga maligno, ewan ko ba kung reference samin yon or what, but it stuck, even though we kept moving from office to office. Me running joke (half-meant) na may resident mumu sa TS, a spirit who has adopted and looks after the pub and its kids, that we have accepted and have learned to deal with, so usually rumors like this don't bother us. Anyway
, Editor ako ng school paper, so pag may testing ng new applicants, tagabantay ako. One time I was almost asleep while watching for a group of applicants. All of a sudden and this is NO DREAM somebody was kissing me! Gentle kisses on the cheek, with a whisper to wake up. I sprang up from the couch with a typical screech, startling all those who were taking the test. I never told them what had happened until the day they were accepted.

TALE # 2: Same place, the little corner office on the top floor of one SSC building. Adjacent ang Student Lounge at ang TS Office, but I prefer to sleep in the office kasi mas exclusive, walang maingay. So there I was, napping before a 6pm class, when from the other room came loud laughter and screeching
parang nagkukulitan. Nainis naman ako kasi I hadn't slept all the previous night finishing a project. So pumunta naman ako sa kabilang room. Pagsilip ko, the lights were off
lalo pa tuloy akong nainis, kasi bawal daw yun, baka mapagalitan kaming pare-pareho. So I said, in my 'best student leader ako' voice, "girls, ano ba yan? Ang ingay nyo, ah!" and swung the door open. Kailangan ko pa bang sabihing walang ni isang tao doon?

I stood there with my mouth open for about a minute while I tried to decide what to do. Tapos bigla na lang akong tumakbo until I found someone I knew. Muntik na akong hindi makapasok sa Law coz I had left my books and stuff in the office!
Shared by snow_storm

Parang friend ng ate ko. ndi naniniwala. pinagtatawanan nya yung officemate nya na laging pumapasok ng 2:30am sa office for early news clips. kung anu-ano daw kasing entity ang nakikita nung guy, tas ikukwento nya sa mga officemates so, yung friend ni Ate, tatawa -- praning lang daw yung lalaki.

One Saturday, pinag-duty ng boss nila yung friend ni Ate. Dahil wala namang tao nun and condo unit yun, isinama nya yung toddler nya tsaka yung husband nya.

4pm paalis na sana sila, binibihisan daw nya yung toddler nya, nakita nya sa peripheral vision na may silhouette ng lalaki malapit sa pantry. against the light kasi yung pantry, so kitang-kita nya yung silhouette na parang nanonood sa ginagawa nya. inisip pa nya na yung husband nya yun, e, kaso nasa loob daw ng cr. tas ang suot daw nung hubby nya, shorts and shirt lang, pero yung silhouette, kita nya yung lines ng collar, sleeves ng suit, pants, tas yung hati ng hair na parang naka-slick back pa nga daw. so, zero, wala naman daw silang ibang kasama dun nun, so, napabigla sya ng tingin dun sa side na yun, tas ayun. wala naman. grabe daw yung pag-crawl ng skin nya. ndi nya daw sinabi dun sa husband nya, kaso nung makalabas sila sa building tsaka nya na lang daw sinabi. from then, ayaw na daw nya mag-duty dun kinarma. lakas kasi mang-asar, e.

Shared by grim_reaper1814

Naalala ko yung kwento na nabasa ko kay Jojo Acuin. Yung balikbayan na dalaga na nagbakasyon dito sa Pinas. Umihi siya dun sa may bato sa may beach tapos namaga na lang daw yung ari niya. Pinatignan nila sa albularyo tapos sabi niya na may naihian daw siyang dwende dun sa may bato. Madalas daw na may biktima yung dwende dun. Tapos ayun nag-alay daw sila ng manok um-okay naman daw. Nung magaling na daw yung dalaga, sumugod daw doon sa may bato at pinagmumura yung dwende. Ayun, nawalan daw siya ng boses. Pinagalitan siya ng tiyahin niya tapos nagpatingin daw sa albularyo ulit. Nag-alay daw sila pero ayaw tanggapin nung dwende. Ang sabi daw ng dwende paparusahan daw niya yung dalaga ng isang taon. Ayun, bumalik daw siya sa US na hindi makapagsalita. Nung sinulat ni Jojo Acuin eh wala pa daw isang taon kaya hindi pa sure kung anong nangyari pero sabi eh babalik daw ulit yung girl. Buti hindi siya pinatay.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon