Elevator and Cubicle

105 6 0
                                    

Shared by : jctheman

Napaka-memorable talaga ng Insular Building. Isa na yan sa pinakamatandang building eh. Work ako sa C-------- noon. Break namin, 15 mins during the training. Naiwanan ako ng mga kasama ko pababa sa yosihan, so naghintay ako ng elevator pababa. Solo flight ako, at 2AM ng madaling araw yon. Malinaw na ground ang pinindot ko, pero umakyat ang elevator (kahit nakailaw pa ang ground) at napunta ako sa 11th floor (or was it 12th? di ko na matandaan, 2005 pa ito nangyari eh). Pagbukas ng pinto, ang dilim sa floor na un. Ni hindi man lang maaninag kung anong meron don. kahit anong pindot ko sa close button ayaw sumara. Maluha-luha na ako kasi parang may naririnig na ko na naglalakad, sound of shoes on the marble floor. That was the longest 3 minutes of my life, tapos saka lang sumara yung pinto ng elevator. By the time nakababa ako sa ground, tapos na magyosi mga co-trainees ko at tinanong pa ako kung san ako nagyosi at bakit ako namumutla. Since then, hindi na ko sumasakay sa elevators ng Insular ng mag-isa.

Yung isang ka-batchmate kong babae sa C-------- at that time, may similar elevator experience din. same scenario, 11th floor siya biglang napunta kahit pinindot nya ay ground, madaling araw yun so madilim pero empty yung floor at may maririnig kang footsteps papalapit at hindi mo naman makita yung tao. ang kaibahan lang sa story nya eh kaya hindi nagsara yung elevator dahil biglang nag-overload siya kahit 1 tao lang ang sakay. I guess that's scarier than my experience.

Yung sa most recent work ko, IT Helpdesk naman ako sa C--------. Weekender ako, eh since bank ang client konti lang ang expected na calls so 3 agents lang kami sa buong operations floor. Lahat kami nakita namin isang tao na parang anino lang na nakaupo at nakaharap sa monitor nya sa loob ng isang cubicle sa dulo ng floor. Kapag may lumalapit, bigla syang naglalaho. Sa sobrang frequent namin sya makita, lahat kami na weekend shift nasanay na sa sobrang dalas nya magpakita.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon