Special Gift

119 4 0
                                    


Shared by : lyts07

Bata pa lang ako sinasabihan na ako ng grandparents ko that I have something different not physical nor emotional and of course mental problems. But I remember my Lola said its a special gift. Manggagamot kasi sya in our province in other words babaylan or albularya. Nakita ko na rin kasi sya doing her usual rituals and she is seeking guidance kay God using the natural altar of the catholic have. Nakikita ko rin namang gumagaling ang mga ginagamot nya meron ding mga iba't ibang klaseng entities.

So as the years goes by, hindi ko palaging pinapansin ang sinasabi ng Lola that I have a special gift para wag lang matakot or mag-isip ng kung anu-ano then there was this situation that changes everything. Wala akong migraine or nararamdamang headache sa tuwing mag-aaral ako pero inatake ako ng masakit na masakit na ulo parang binibiyak yung ulo ko na hindi ko maipaliwanag so I tend to close my eyes habang hinihilot ko ang sentido ko para mawala yung sakit. and then may nakita akong mga pangyayari na hindi ko inaasahan. isang bata ang naaksidente sa riles ng tren nakita ko kung paano naputol ang kanyang binti at kung paano nya naramdaman ang sakit. bigla kong minulat ang mga mata ko para matigil na rin ang mga nakita kong hindi kanais-nais after that day we went to a small town near in our school para sa research and of course sa thesis, nag-interview kami ng mga taong nakatira dun and kung anong mga hinaing nila para maisulat sa ginagawa naming documentary. Pauwi na kami ngunit nagpasya ang isang kaklase ko na i-take ang shortcut para hindi na kami babalik sa dati naming dinaanan. kailangan naming dumaan sa riles eksaktong pagdaan ko sa riles nakita ko ang the same pictures na nakita kong nung masakit ang ulo ko pero hinahanap ko yung bata ngunit wala naman akong nakikitang batang naglalaro sa tabi ng riles kaya tumuloy pa rin kami ng makatapak ang dalawang paa ko papalayo sa riles lumingon ako eksaktong bumukas ang pintuan ng bahay nakita kong lumabas ang batang naaksidente sa nakita ko pero hindi ko pinansin dahil hindi ko alam kung totoo o hindi ang nakita ko. Habang papalayo hindi mawala sa isip ko ang itsura ng bata kaya pinalabas kong may naiwan akong gamit sa last na bahay na na-interview namin kaya bumalik kami ngunit dumaan na ang tren ng mga oras na yon at nakita na lang namin ang nagkukumpulang tao sa gilid ng tren. Totoong naaksidente yung batang nakita ko pero ayaw ko pa rin maniwala sa mga nangyari. Luckily buhay naman daw yung bata.

Pero hindi lang dun natapos ang lahat, may mga times na tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nakikita ko ang iba't ibang kulay ng aura sa paligid. aura ng mga tao, may ibang mapula, maputi, may kulay asul at kung anu-ano pa and di ko lang alam kung anu-anong ibig sabihin ng mga kulay nila.

And the last gift is feel the area by my body but not to see the entity. nakarating ako sa age na ito pero up to know I don't want to push everything to my limit dahil mahirap na. mas okay sakin yung I get to know everything and what's good for myself.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon