Kulam x Cancer

117 1 0
                                    


Shared by : rafaelsaldago

I know dahil nangyari ito twice sa taong malapit sa akin.

Very recent lang, 3 days ago, paglabas niya from work, mga past 7pm, bumili siya ng banana cue. yung batang tindero, nakatulala daw habang kausap niya. May lumapit sa kanyang matandang lalaki, tinapik ang balikat niya dalawang beses at sinabihan siyang wala siyang ulo. then in-advice-an siya na umuwi na agad sa bahay, sa bahay namin.

Bago nito, he was diagnosed of cancer, stage 3 and he's been under medication for several weeks na. Hindi siya nagpa-chemo although yun ang advice ng doctor niya. Yun ang paniniwala namin pareho, may cancer siya. May taning na ang buhay niya, 4 months more to live. Due to desperation, kailangang subukan ang albularyo or whatever we call them.

Isang araw bago mangyari yung nakita siyang walang ulo, pumunta siya sa isang albularyo. Dalawa ang nangkukulam sa kanya. Binigyan ng mga dahon-dahon at ugat para inumin. Pinababalik ngayong araw.

Pero 2 days ago, may nangyari. matutulog na kami, pagbangon niya nag-collapse siya. Walang malay, bagsak sa sahig. Hindi ko magising, hindi makahinga, nahihirapang huminga, hindi makagalaw. Sabi ko umiyak ka, ilabas mo ang emotion mo. He cried, dun palang siya nakagalaw. This happened around 12am. Nasa tabi kasi namin ang mga phones namin kaya alam ko ang time. We were discussing what happened. Very scary kasi talaga yun. Yung pakiramdam daw niya na nasa loob siya ng kabaong, madilim, masikip at mahirap huminga. Sh*t kinikilabutan ako kahit nasa work ako ngayon while writing this.

Around 2am, gising pa kami pero inaantok na, bigla siyang sumigaw ng "P*tang*na tulungan mo ako may humihila sa paa ko." Kitang-kita ko talaga na pababa siya from bed tapos yung mga paa niya e magkadikit at mahirap i-bend. Ako mismo nahirapang i-bend yung mga binti niya. Naramdaman daw niya talaga yung biglang haltak ng mga kamay sa paa niya tapos hinihila siya. After nun, sa awa ng Diyos, wala nang sumunod na nangyari.

Kagabi lang, sabi ko puntahan mo na yung albularyo kasi malala na ginagawa sa iyo. Kaso sobrang layo, 7pm ang out niya. kaya naghanap ng mas malapit. Dun nga siya pumunta.

Ganun din ang sinabi, dalawa ang naglalaro sa kanya. isang babae, isang lalaki. Yung babae, hindi malakas, yung lalaki ang matindi at gusto daw talaga siyang patayin. Binuhusan siya ng oil sa ulo, para hindi siya magalaw at walang pwedeng gawin sa kanya. Lagi nang sumasakit ang tiyan niya mula nung na-diagnosed siya ng cancer. After ng gamutan with the albularyo, nawala lahat ng sakit na nararamdaman niya na never nangyari nung nagpapagamot siya sa doctor. Magaling yung albularyo kasi alam lahat ng nangyayari sa kanya kahit hindi pa siya nagkukuwento. na dalawang beses na daw siyang pinutulan ng ulo. At kung mangyari pa ang pangatlo, baka wala na daw siyang kawala.

Okay na sana, kaso kagabi na naman, boses ang naririnig niya. Ang tagal na ganun. Ako wala namang naririnig, siya lang. Actually, tumawag ako kaninang umaga sa kanya, ang tindi daw ng mga boses na naririnig niya. Kinikilabutan talaga ako. iba't ibang boses. Nung una, puro pangalan lang niya ang naririnig niya. Tapos sabi niya ultimo boses ko naririnig na rin niya. Lalo na kaninang umagang tumawag ako, galit na galit daw ang boses ko.

Aside from the voices, nangyari ulit yung haltak sa paa niya. It happened 5 times pero hindi siya mahila. Akmang hahaltakin siya pero inaalis din agad ang kamay, hindi siya magalaw. Nangyari yun mga limang beses yata. Hay, alas tres pasado na naman kami nakatulog.

Guys, baka may alam kayo how to deal with the voices. Kahit kausap niya ako kanina sa phone dinig na dinig pa rin niya ang mga boses na yun.

Pagpasensyahan nyo na po ang paglalahad ko ng kwento. Type lang ako ng type.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon