Mirror Stories

120 2 0
                                    

Shared by : jaymejorrol

It's true about mirror. kahapon ko lang po nabasa sa net. mirrors are portals din to other worlds. spooky! maraming paniniwala pala regarding sa salamin and for me, looking at the mirror sa hatinggabi is very creepy. wew! try nyo. ayon sa nabasa ko, may paniniwala na huwag daw tumingin sa salamin ng hatinggabi na may hawak na candle kasi may magpapakita daw. idk if it's true ha. gusto ko subukan para malaman but natatakot ako since our house is possessed nga po yata. eh ang dami daw entities dun. baka kung pa ang makita ko. ang lakas pa naman ng imagination ko.

Regarding about this mirror (haunted?). mas naniniwala na ako sa story ng friend ko and other stories na may kinalaman sa mirror.

When I was in elementary. yung classmate ko (boy sya) nagpaalam sa teacher namin na iihi lang. then halos mag-30mins na, di pa rin sya nakakabalik. then hinanap namin sya and 1st place na pinuntahan namin syempre yung cr. pag open namin ng door. andun sya sa cubicle (katapat ng cubicle is yung malaking mirror sa cr) then nakaharap lang talaga sya sa bowl. tulala and ang putla nya. nanginginig sya. then hindi sya makapagsaita. then nilabas namin sya (mahigpit kapit samin, nanginginig pa rin and parang paranoid and ayaw tumingin sa salamin) then sa room nya na sinabi. nung umiihi daw sya, bumukas daw dahan-dahan yung door ng cubicle, so napalingon sya and yung salamin una nyang nakita. then nagulat daw sya sa nakita nya sa reflection ng mirror. may girl na puro dugo sa labas ng cubicle and nakatingin daw sa kanya. kaya natulala sya and hindi na ulit tumingin sa salamin and hindi daw sya makaalis sa takot kasi daw nakaharang 'to sa daraanan niya. mabuti na lang daw at pumunta kami.

Another one is there's a girl na halos nabaliw, as in super paranoid. ang kwento sakin ng bff nya, sa cr daw, nagtatali sya ng hair. then napansin ng girl na hindi na daw gumagalaw reflection nya. kahit anong gawin nya is still lang daw yung reflection. then mas natakot daw sya kasi masama na daw yung titig ng reflection nya as in nakatitig lang sa kanya. so umalis si girl. then sinabi nya yung pangyayari sa bff nya and sa inaakalang ok na ang lahat, ilang days lang daw parang palagi na raw may nasunod dun sa girl. then yun nga, may nakita daw sya na duguang girl sa hagdan bago sya bumaba. minsan sa pinto or sa hallway. sya lang nakakakita. palagi daw sya sinusundan. kaya halos mabaliw sya. it all started mula nun nangyari sa kanya sa cr. wew!

Creepy! kaya kapag naaalala ko mga ganitong stories, kinikilabutan talaga ako humarap sa malalaking mirrors or kahit sa cr. feeling ko may nakatingin din sa akin or may magpapakita sakin sa bawat paglingon ko at blink ng mata.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon