Silip sa silid

124 3 0
                                    

Shared by : jctheman

Back nung high school ako (merong 5 floors yung school), yung library namin nasa pang last floor and nasa sulok. so madadaanan mo tlaga lahat ng rooms sa school.

Syempre, usong-uso sa mga students yung mga "horror stories." may isang balita na kaya daw naka-lock yung isang room sa 5th floor malapit sa hagdan ay dahil may isang student daw na nagbigti doon sa room dahil hindi daw nakapasa. (kasi sa 5th floor, doon yung mga 4th year high school students).

Pero, dedma lang naman kasi news palang naman sya.

One night, me and my girls went to the library para mag-research and stuff. 1pm pa pasok namin, so tambay kami konti. until one of my girls asked us to peek sa room na sarado. cool idea. so, ayun punta sa room.

Sa harap ng room, wow ang lamig. pero, dedma. nagulat kami kasi wala syang doorknob. kahoy yung pinto and walang doorknob. instead, my hole dun sa doorknob and nakakadena. so, masisilip mo talaga yung loob room.

Eh matapang ako. ako nauna, sinilip ko yung loob ng room. ang gulo. pagtingin ko sa board may malaking nakasulat na: "P*TANG INA NYONG LAHAT" (kinilabutan na ako) and tumingin-tingin pa ko. nakita ko yung limang upuan na magkakapatong and yung iba ang gulo. dun sa limang upuan na patong-patong, may lubid na nakabitin and may bilog sa dulo (shape ng pinagbigtian). natakot talaga ako. close yung windows pero nagsu-swing yung lubid dahan-dahan.

Hindi naman ako sumigaw. pero, I freeze. sinabi ko sa kanila and lahat sumilip. two of us nakita yung same na nakita ko and yung 3, nakita lang nilang magulo yung room (no lubid, walang bad word sa board).

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon