Resulta ng tawas

166 3 0
                                    

Shared by : jctheman

This how it started:

Year 1999, yung family sa mother side ko will be the sponsor for fiesta in their hometown. Kasama ko yung mga pinsan ko at tita ko na umuwi nun, next batch pa yung parents ko. A month before the fiesta eh umuwi na nga kami. Pagdating namin dun eh ginagawa pa yung bagong bahay so no choice kami at that time but to use the old house of my grandfather. So ako wala naman akong takot dun, minsan nauunang matulog ako kaysa sa mga pinsan ko. Wala naman kakaibang nangyari sakin dun.

Yun nga lang pagbalik namin dito sa Manila eh eto na, bigla akong nagkasakit. Nerve-virus daw sabi ng doctor but there's nothing to panic kasi mawawala na lang daw yun after a week. Mawawala nga kaso mamimilipit naman ako sa sakit nun, imagine a thousand of needles na sabay-sabay na tutusok sayo in a particular area of your body diba masakit?! Halos hindi na rin ako makatulog nun kasi nga masakit at parang ayaw na rin tumalab ng gamot na ibinigay sakin ng doctor ang mahal pa naman. So nag-decide yung mother ko na maghanap ng albularyo. Accidentally, may nakita sya. Actually iba ang hinahanap nyang albularyo, pero sa place na yun eh nakita nya si Manang. Kilala ko na rin sa mukha itong si Manang pero nde namin alam na nakakagamot pala ito. Nung kinausap nya ako, sabi nya eh 3 days nya lang akong gagamutin pagkatapos nun eh kung hindi ako gumaling eh ire-refer nya na lang ako sa mas malakas pang katulad niya.

Meron syang mga pinagawa sakin, na naaayon din sa paniniwalang katoliko. So unang araw pa lang eh guminhawa na kaagad yung pakiramdam ko, sa araw na yun din eh parang "tinawas" nya rin ako pero babasahin lang nya ang "tawas" sa ikatlong araw. Kaya hindi pa namin alam kung ano meron sa "tawas". So dumating yung ikatlong araw at totally cured na nga ako, then binuksan nya yung papel na pinaglagyan ng "tinawas" sakin. Sinabi nya na may babae daw sa "tawas", sabi nya eh kung may babae ba akong nakitang kakaiba. So sabi ko wala naman pero pinagdiinan nya na may "babae" akong nakasalamuha na iba sa atin. Dapat daw eh nag-iingat daw ako, sabi niya. Kaso pano ako mag-iingat kung hindi ko naman nakikita, tanong ko sa kanya. Sa puntong iyon eh bigla syang ngumiti ng makahulugan at nagsabi na malalaman ko rin daw pagdaan ng araw.

Pagkatapos siguro ng mga ilang weeks eh yun na nga, marami na akong misteryong nakikita. Tuwing may nakikita ako eh naalala ko si Manang. Pasalamat na rin ako kasi natulungan nya ako, kaya ayun medyo naging maingat na rin ako kasi ayokong maging dependent sa "third eye".

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon