Mga Nakakatakot na Istorya

413 4 0
                                    


Shared by : pickles17

Share ko lang itong experience ko.

1st Story: Hindi ko nga lang alam kung imagination lang namin ng twin sister ko yun or totoo dahil bata pa kami noon. I think 6 years old kami that time. Nakatira kami sa Sampaloc noon. Yung bahay ay studio type na yung bintana sa itaas ay nakaharap sa isang vacant lot, may hanggang waist lang na bakod para ma-separate dun sa vacant lot. Nasa itaas kami ng kapatid ko nang may marinig kami na mga boses. Tumitig kami sa bintana and doon may nagtatakbuhan na color green na maliit na tao na parang may nag-spark pa. Yun parang sa mga Mario games. Tinawag namin si Mommy para ipakita yung nagtatakbuhan. Sabi niya wala naman daw pero mula noon hindi na binuksan yung bintana. Ipinako na ng dadi ko and never na naming nabuksan yun hanggang sa lumipat kami ng bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin kami sure kung dwende ba talaga yung nakita namin noon.

2nd Story: Year 2004 nag-work ako before sa isang company na naka-based sa RCBC Plaza sa Makati. Ang room namin ay nasa 28th floor. Shifting ang schedule sa office and na-assigned ako sa night shift. Parati akong maagang pumasok para hindi ako maipit sa traffic and para makapag-nap na din kahit konti. Every time na papasok ako sa office feeling ko ang bigat-bigat lagi ng pakiramdam ko. Hindi pa full-blast ang aircon nun pero parang sobrang lamig na and mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Nakasubsob ako sa table ko bandang 9:30PM na nun ng dumating yung dalawa kong officemate. Yung isa nag-hi sa akin ng malakas, yung point na talagang magigising ka pero yung isa ayaw pumasok ng room tapos napansin ko na lang na umiiyak na siya tapos tinatakpan niya yung eyes niya. Tinanong ko kung bakit pero ayaw niyang magsalita tapos dumating na rin yung iba kong officemates namin. Nung pauwi na kami mga 6AM na noon sinabi nila sa akin kung bakit siya naiyak. May babae daw kasing nakaputi na sumasayaw sa ibabaw ng table. Kita rin yun nung isa kong officemate na gumising sa akin.

3rd Story: Na-experience naman ito ng twin sister ko na nag-work sa isang company sa Cabuyao. Night shift din siya noon. Break nila noon nang maramdaman niyang biglang bumigat ang likod niya. Halos mag-bend na daw siya sa bigat and sabi pa niya na parang yung left side ng body niya ay may goosebumps. Parang nagka-hint na siya nun, kaya nagdasal na lang siya and nagpatulong siya sa officemate niya para makatayo siya ng maayos. Sinabi sa kanya nung isang officemate niya na bukas ang third eye na may nakadagan sa likod niya na bata pero kulay itim lang parang nag-piggy-back ride.

4th Story: Recently lang nangyari, may nag-suicide sa office namin na lalaki. Tumalon siya mula sa fire exit ng 18th Floor and bumagsak sa canopy ng building. Pag dumungaw ka sa fire exit makikita talaga yung body niya na beyond recognition na. Yung iba kong officemate tiningnan yun and kinuhanan pa ng picture. Kami naman ng friends ko hindi na namin tiningnan dahil hindi ko ma-take ang morbid na itsura. Mula nun hindi na kami dumadaan sa fire exit. Anyways, isang gabi nagka-nightmare ako pero parang totoong-totoo. Male-late na daw kami ng officemates ko sa service pauwi. Nagmamadali kami pero puno lahat ang elevator. 5PM na noon and no choice kundi bumaba via stairs sa fire exit. Nasa 6th floor na kaming tatlo noon ng makita namin ang isang lalaki na naka-tshirt and parang deformed na ang body. Sa dream ko parang pilipit na yung binti and bali yung shoulders niya and hindi ko makita ang mukha. Takot na takot kami ng friends ko and nagpilit kaming lumabas sa fire exit pero na trap silang dalawa and ako lang ang nakalabas. Dinig ko yung sigawan nila . Nakauwi na ako sa bahay and nung matutulog na ako, katabi ko yung twin sister ko, may nagpupumilit na buksan ang pinto ng kwarto. Binuksan ko na rin yung door and nandoon yung lalaki, nilapitan niya ako and ipinasok niya yung kamay nya sa loob ng head ko. Tapos parang may umuugong sa tenga ko. Pakiramdam ko noon na-paralyzed ako. Hindi ako makagalaw and kita ko ang sister ko na nagising din pero hirap akong magsalita. Tinanong ako ng sister ko kung sino yung lalaki and pinilit kong sinabi na siya yung nag-suicide. Nung sinabi ko yun, nagising na ako. Pero parang hapung-hapo ako ng magising ako and nagdasal na lang ako ng 'Our Father'.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon