Security Guard

119 2 0
                                    

Shared by : jctheman

Bale experience to ng isang secuirity guard sa Accenture, taas kamay. hehehe. Sa Cybergate Tower 1 ay pag-aari yun ng nabanggit na company, from 5th floor hanggang sa 12th floor. Yung isang floor dun, occupied ng isang project, pero lumipat sila ng building sa Tower 2. So pagdating ng gabi, secuirity guard lang ang tao noon dun.

Yun unang gabi nya, may naririnig syang nagkakalampag ng mga keyboard, na parang ang daming nagta-type sa area nya. nakakarinig din daw sya ng mga yapak ng paa. pero sabi nya siguro nasanay lang syang may empleyado sa floor, so hinayaan na lang nya.

Yung pangalawang gabi nya, may nakita syang bata, tumakbo papuntang CR, so hinabol nya. pagdating sa CR, walang tao. ngayon nagulat na sya at napaisip na bakit may bata dito e, 2am na ng madaling araw. natakot sya, humingi ng saklolo sa striker (Secuirity Head) nya. pinagtawanan lang sya. tinignan nila sa lahat ng sa floor na yun, wala naman daw. pati sa CCTV wala rin silang makitang bata or sinuman na nakapasok dun, isa pa, restricted area yun, mga naka-badge lang ang pwedeng pumasok dun.

Heto na pangatlong gabi, nakita ulit nya yung bata na dumaan sa harap nya mismo at biglang tumakbo papunta sa wall tapos tumagos yung bata sa wall. sa takot nya, nagmadali syang bumaba para sabihin sa striker nya. Ayun natakot na rin yung striker nya, nag-duty sila ng 2 guard dun sa floor nya at ni-report na lang sa Facilities Site Lead kinaumagahan. Sabi ng site lead, bago pa nakarating yung report na yun, ang dami na palang empleyado na nakakaramdam na ganun dun sa floor na yun. after 3 days, pina-bless na nila yung floor na yun.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon