Kwento ni Officemate

147 2 0
                                    

Shared by : Anna0416

I wanna share this experience ng mga officemates ko dati.

Nag-work ako last year sa balintawak, warehouse encoder ako dun then yung mga kasamahan namin araw-araw sinasabi samin na mag-ingat kami sa work then kami oo na lang apat pa kaming bagong pasok that time.

1st: one time may incident na tipong 7 pm hindi p tapos ang deliveries kaya naiwan kaming encoder at m.i.s para sa process of papers then iilan nalang  warehouse man gamit pa namin yung malaking warehouse (dalawa kasi yung warehouse isang malaki at isang maliit) dun p kami sa malaki at dalawa lang kami sa office busy ako sa paper work then sound trip pa kami kasi nakakabingi yung katahimikan ng office tapos naiisip pa namin yung kwento about 2nd floor. kwento samin ng regular dun kada gabi daw may babaeng nagpaparamdam sa taas at batang nakikipaglaro that time tipong hindi pa kami naniwala pero nung natapos na kami around 8 or 9 pm sinara na namin yung office nagtataka kami bakit malamig yung paglabas namin tipong patay na naman lahat ng aircon at hindi naman mahangin mainit pa that time. yung m.i.s at guard ng routine sa office nagtataka kung bakit ganun tipong nagsilabas na lang kami agad sinara ang office after that takbuhan na kami papuntang hi-way pero yung warehouse kasi malayo sa hi-way dadaanan pa namin ang malaking puno ng balete na sabi-sabi nila may nakikita daw silang lalaki dun or puting babae. nakakatakot talaga maglakad dun lalo na't wala pang ilaw kundi galing lang sa buwan kaya pag maglalakad na kami diretso lang tingin at ako nag-sound trip para hindi marinig yung mga naririnig nila pag dadaan sila ng pssttt or may hahawak daw sa balikat bigla kaya pala kung bakit ayaw nila magpaabot ng gabi dun kahit boss namin uuwi bago mag-6 pm at yung iba bilis maglakad.

2nd: kwento pa ng regular namin, dati daw nung gamit pa ang 2nd floor lagi may nagpapalakas ng radyo kahit mahina ang volume then minsan mamatay na lang bigla at kapag mag-isa lang sila nagpapaalam sila na huwag sila gulatin or takutin kaya that time pag may kelangan kami sa 2nd floor lagi kami may kasama kasi nga kung ano pa makita namin eh. one afternoon, naglilinis mag-isa yung janitor sa taas hindi pa niya alam yung sa multo dahil ayaw ng boss namin magkwento ng mga ganun dahil madami na daw naalis na janitor hindi tumatagal at habang naglilinis siya bandang meeting room nag-picture-picture siya, may naaninag siyang babae na puti sa cellphone cam after that bumaba siya agad at namutla kinabukasan hindi na nakapasok dahil nilagnat siya tapos after the day pinakita niya sa cp at nakita namin meron pa kami copy bluetooth ko agad kasi mahilig nga ako sa mga ghost stories at isa pa na-experience niya sa warehouse nung lumilipat na kami sa maliit na warehouse because of financial issues. naglilinis sila sa malaking warehouse nag-try ulit siya mag-picture may nakadungaw sa dulo ng chocolate room na white lady again feeling niya iisa lang sa taas na encounter niya at syempre may copy ulit ako nun pinakita niya yun sa boss namin at si boss ayaw pa din maniwala wag na daw ilabas ang ganung kwento at bago pa umalis ang janitor try niya magtapon ng bola sa warehouse pero bumalik sa kanya kaya that time hindi na siya pumasok at ayaw na niya mag-extend ng work.

3rd: habang nililinis na mga warehouse namin nun pati mga gamit inaayos na, yung IT namin nagpi-picture para sa mga gamit na kelangan ng ibenta. that time sa bodega siya lang mag-isa at yung iba may ginagawa pa daw sa labas piniktyuran daw niya ang cabinet nang tignan niya, meron daw buhok sa tabi ng cabinet ng ilipat niya ito sa computer nakita nga namin ang buhok ng bata, nagkatinginan pa kami sa mga buhok ng mga lalaki samin baka may nag-trip lang pero imposble kasi ang height ng cabinet is 4 feet lang at mga lalaki samin that time matatangkad as if yuko pa sila pero alam daw niya siya lang mag-isa sa bodega kaya sabi niya agad wala yan wag nyo takutin kasi mag-isa lang ako mamayang gabi, lagi kasi naiiwan ang IT samin para sa back-up ng files sa computer at binura niya agad yong pic sa computer sayang hindi namin nakuha yung copy.

4th: after ng weekend, work again pero bago p kami mag-start may napansin agad kaming footprint sa sahig na iisa lang. tinawag lahat ng warehouse man imposible daw sila dahil hindi maputik at nakasapatos sila that time nagsabi na naman regular namin na may dumalaw na naman siguro,then nag-start na kami ng work. yung OIC namin nag-aayos ng gamit sa mesa niya bigla na lang natumba yung system unit niya sa ilalim ng mesa na tipong palabas pa ang pagkakatumba. nagtataka kami paano natumba palabas kung ang mesa niya ay may harang sa likod at pati hindi niya natulak ng paa niya dahil nakita ko pa na malayo sa unit kahit IT namin nagtaka kaya tagal pa niya matayo eh napaisip kami ba't ganun?. kaya kami puro pakiramdam na lang at pag mag-radyo kami bigla na lang lalakas sabi na lang ni OIC namin huwag muna kami takutin.

5th: work again, pagpasok ng OIC namin nagkwento agad about sa experience nila nung naiwan sila nung gabi dahil sa dami pa nga pinagawa si boss nag-overtime sila at iba pang warehouse man nung mag-uwian na sila wait nila mag 7pm eh nakitawag daw yung isang warehouse sa office then sabi niya sino yung babae sa reception area?. sabi naman ng OIC namin sinong babae dalawa lang kami dito ni carol (name nung OIC ng IT) sabi ng warehouse man may babae kanina nakaupo sa reception long hair (si warehouse may third eye). after nung sinabi daw ni kuya yun nagsigawan sila palabas at nagpasama pabalik para mag-out na lang ng 7 kakakwento ni OIC un natulala na lang kami sa paligid.

6th: this is my own experience naman sunday pinag-overtime kami dahil sa special delivery ng unilever dahil sa 10 wheeler na un nakakainis dahil pahinga na namin. yung tatlo kami ako, yung IT at isa pang encoder for outcoming deliveries. then mga bandang tanghali nag-lunch break na kami sa office dahil may baon kami . isa lang lumabas para bumili ng pagkain that time may tumawag sa phone at hindi namin pinapansin dahil break nga namin pero ang pinagtataka namin, sunday kasi yun walang opisina ang mga client ng company namin at tipong kung outlet store un eh alam nilang walang office ang sunday naka-apat na ring na hindi namin pinapansin hanggang dumating yung isa naming ka-work nag-ring ulit, siya na sumagot pero walang nagsasalita. that time pumunta ako sa warehouse kung may nangti-trip lang eh sabi nila wala daw sila sa linya sabi ko sa guard eh kuya may tumatawag sa office eh sabi nila baka minumulto na naman daw kami kaya balik na lang ulit ako sa office at nag-ring na naman sinagot ulit niya wala na namang nasagot may narinig lang siyang maingay na hindi daw maintindihan kaya nung nag-ring ulit ako na sumagot hello ako ng hello ingay lang siya pero hindi tulad ng may sira sa linya kaya binaba ko na dahil iba pakiramdam ko at napatingala ako sa 2nd floor grabe hindi ko un makalimutan, kinuwento namin sa mga regular yon meron daw ganun talaga dati pa pag sunday pinapapasok sila bigla na lang magri-ring yung phone at ang nakakagulat pa dun, hindi daw open ang local calls namin kaloka talaga.

7th: lagi ako maaga sa work mga 5 or 6 am andun na ko sa warehouse, ayaw ko kasing maipit aa traffic eh. dahil hindi pa bukas ang office, dun muna ako tumambay kasama ng mga guard nagkukwentuhan meron daw dati na regular nung pauwi na daw yung gamit pa ang 2nd floor (hindi na nagamit yung 2nd floor since 2000 nagsimula ang company 1996) may mga times daw patay na ang aircon at baba na siya makikita niya ulit bukas na naman ang aircon eh hindi pwede umuwi kapag hindi patay ang mga appliances kundi lagot kay boss at nung pinatay na niya nagbukas naman daw ang radyo kaya that time bumaba na daw siya at tinawag ang guard na namumutla daw. kinuwento sa kanila yun kaya sila na nagsara at nag-lock ng office. then meron pa driver naman ng truck namin sa company, namatay sa truck habang natutulog. binangungot daw pero kung na-open daw agad yung pintuan naagapan pa daw yun. after daw mangyari un bigla na lang daw umaandar sa madaling araw yung truck na yun kahit walang gumagamit, halos lahat na daw nang naging empleyado sa company na yun hindi daw mawawalan ng kwento about multo kahit ang warehouse man sa warehouse meron. sabi nila dati daw kasi sementeryo yun or bukid. ngayon nagsara na ang company dahil sa mga cooperative issue this year.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon