Bus Ride to Hacienda Luisita

167 3 0
                                    

Shared by : 103827

My grandmother is from Nueva Ecija kaya naman ng mamatay ang lolo ko, we always go there with my family and cousin na si Rowell. Mostly, sa may pa-Plaridel kami dumadaan papunta sa Nueva Ecija. Laging madaling araw kami nagbibiyahe para walang trapik. Mabilis naman ang biyahe papunta doon kaya lang trapik talaga pag umaga kaya pag madaling araw lang ang daan namin doon. Mga 2am-4am. Pero last week, hindi nakasama ang mag-ama ko dahil nagkasakit ang asawa ko. Dahil sa kailangan kong umuwi para ayusin yung titulo ng lupa namin doon, kami nalang ng pinsan kong si Rowell ang nagpunta sa Nueva Ecija. Hindi ako marunong magmaneho kaya naman nag-commute lang kami. 6pm kami nakarating sa terminal ng bus. Sabi samin ng lola ko, sa SCTEX nalang kami dumaan para walang trapik. Kaya naman yun ng daan ang sinakyan namin. Hindi ako masyadong pamilyar where exactly Hacienda Luisita is. Ang alam ko lang, it is one of the most controversial issues noon na kompanya ng mga Aquino.

6.30pm na kami nakaalis sa Cubao dahil pinuno pa ito. Bandang gitna kami nakapwesto. Natulog muna ako sa biyahe dahil malayo pa naman at medyo pagod dahil tinapos ko muna ang paglilinis sa bahay. Naramdaman ko nalang ang pag-alis ng bus sa terminal. Gayundin ang pagsayaw ng pinsan kong si Rowell habang nakikinig sa iPod.

7pm. Tulog pa rin ako noon pero nagising ako dahil sa may malikot sa likod ng inuupuan ko. Nung una ay mahina lang na para bang may nilalagay sa likod ng upuan ko kaya hindi ko pinansin. Maya-maya lalong lumalakas yung pwersa sa likod ng upuan ko na parang pinupukpok. Pero hindi ko pa din ininda dahil sobrang antok pa ako. Mga limang minuto palang ang nakakalipas, sobrang lakas na talaga na parang sinisipa na yung upuan ko sa likod. Kaya napabangon ako pero biglang tumigil. Tiningnan ko yung pinsan ko na baka naramdaman din nya yun pero tulog na tulog sya. Pumuwesto ako sa upuan ko na pa-slant at hinihintay kong sipain ulit yung upuan pero wala naman ulit na gumawa noon.

Hindi na ako nakatulog sa biyahe kaya nakinig nalang ako ng mga kanta sa cellphone ko. Mga around 8.20pm, nagbasa nalang ako ng bago kong biling 'True Haunted Stories' na libro. Maya-maya, may naramdaman akong parang may bagay na dumidikit-dikit sa sakong ko. Nakatsinelas lang kasi ako noon at walang medyas. Kaya medyo nilayo ko yung paa ko at hinakbang ko sa harap. Mga isang minuto, meron ulit na dumidikit sa sakong ko pero parang bola dahil pabalik-balik lang sa sakong ko. Parang dumudulas lang sya sa bawat paggalaw ng bus. Kaya itinaas ko nalang ang paa ko kahit medyo mahirap dahil masikip. Nagbabasa pa rin ako ng mga limang minuto pa ang lumipas, bigla nalang nalaglag yun librong binabasa ko. Dahil sa medyo inaantok pa ako. Umayos ako ng upo at kukuhanin ko na ang libro. Nakayuko na ako ng biglang may sumilip na bata sa ilalim ng upuan ko! Maitim na bata, mukhang batang lansangan, maduming-madumi ang hitsura nya at na-froze yung buo kong katawan na hindi na ako makatayo. Mga ilang segundo pa ang lumipas, bigla nalang syang nawala. Hindi ko maalala kung paano pero unti-unti ko ng nagagalaw ang katawan ko at napabaluktot ako sa upuan. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung titingnan ko ba yung nasa likod ko o magsusumbong ako sa kasama nung bata o sa konduktor. Ginising ko nalang ang pinsan ko.
        
"Couz, couz."

"Oh bakit?" Hindi ako nakasagot dahil sa takot kaya tiningnan nya ako. "Couz, couz, anong nangyari? Bakit naluluha ka? Sino umaway sayo?" Napabaligtad sa kinauupuan si Rowell.

"Wala couz. May nakita kasi akong bata sa ilalim ng upuan." Nanginginig kong sabi.

"Naku couz, yung bata lang sa likod yun. Kanina pa malikot un at maingay. Wag ka ng matakot. Promise yung bata lang sa likod yun." Hinawakan ng pinsan ko yung kamay ko at pinapakalma ako. Sobrang takot na takot na ako sa nangyari kaya siguro naiyak na ako sa takot. Hindi na natulog ang pinsan ko at nakipagkwentuhan nalang sakin ng katatawanan para makalimutan ko yun nangyari.

9.02pm. Nag-text ang asawa ko kaya naman tinawagan ko sya at nakipag-usap sa anak ko. Sumandal ako sa may bintana. Hindi ko alam pero parang nakita ko ang repleksyon ng nasa likod. Imposibleng kaharap ko iyon dahil babaeng matanda at ang anak nyang lalaking nasa 20s ang kasama nya samantalang, isang babaeng nasa 30s lang ang nasa repleksyon sa bintana. Nakakagulat pa nito ay nakabaligtad sya sa repleksyon nya. Hindi ko naman binigyang pansin yun dahil sa kausap ko ang anak ko. Nagulat nalang ako ng makita ko na ang repleskyon ay unti-unting ngumingiti at parang nakatitig sa akin! Napapikit ako at nang buksan ko ang mga mata ko ay nawala ang repleskyon. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa anak ko at naibaba ko na agad ang telepono dahil sa takot. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at pinilit na matulog. Sinabi ko sa sarili ko na hindi nalang ako gigising hangga't hindi pa kami nakakarating sa Gapan.
        
9.30pm, nagising ang diwa ko dahil sa kanta ng isang batang lalaki. Nasa likuran galing ang tinig nya. Kinakanta nya ang ugoy ng duyan. Nang una ay mahina, hanggang sa palakas ng palakas pero nang sumunod, parang sa may tenga ko na kumakanta yung batang lalaki. Hindi ko pinansin yun pero ang sumunod na nangyari, may humihinga na sa tenga ko habang naririnig ko ang kanta. Kahit nakatutok ang aircon sakin, pinagpapawisan pa rin ako ng malagkit. Hindi ko pa rin pinansin at nagdasal nalang ako hanggang sa maramdaman kong may humahawak sa tenga ko sa kanan! Imposibleng ang pinsan ko iyon dahil nakaupo sya sa kaliwa at bintana na ang nasa kanan ko. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at kitang-kita ko ang mukha nya na nakabaligtad, titig na titig sa akin! Napabalikwas ako sa upuan na kinagulat ni Rowell. This time, nilingon ko yung upuan sa likuran ko pero walang tao doon! Gusto ko nang mag-hysterical doon pero pinigil ko ang sarili ko. Ilang minuto nalang kasi ay nasa Gapan na kami. Umupo ako muli sa upuan ko at kakaupo ko palang ay narinig ko na naman ang tinig ng batang lalaki. Napansin ko na nasa SCTEX na kami at sobrang dilim ng daan kaya lalo akong kinilabutan. Pumikit akong muli at nagdasal. Mga sampung minuto ang lumipas at biglang may humawak sa dalawang paa ko. Napadilat ako ng mata ko at mabilis na tiningnan ang aking paa pero wala naman kahit na ano dito. Sumilip nalang ako sa bintana para tingnan kung nasaan na kami at nakita ko, sa isang malawak na palayan, may taong naglalakad mag-isa, may dalang parang flashlight at lumiliyab. Nasusunog itong taong ito na dahan-dahan na naglalakad sa palayan. Bawat palayan na daanan nya ay nasusunog din pero nawawala din ang liyab nito. Takot na takot ako sa aking nakita dahil unang beses kong makakita ng ganon. Usually, sunog na tao ang nakikita ko pero yung taong yun, nasusunog at naglalakad pa. Tumigil ang bus kaya naman nawaglit ang tingin ko sa labas ng bintana. Nasa tollgate na pala at kitang-kita ko, dumaan ang batang lalaki na nangungulit sa akin at ang kasama nitong babae na nakita ko sa salamin papunta sa pintuan ng bus. Tumayo ako upang tingnan kung bababa ang dalawang iyon pero hindi naman bumukas ang pinto ng bus. Pumasok na kami ng Tarlac at bumungad samin yung palayan na nakita ko sa SCTEX. Lumagpas na kami sa palayan na iyon at tiningnan kong mabuti kung makikita ko ba yung taong nasusunog pero wala na iyon doon. Lumagpas na kami ng makita ko ang dalawang mag-ina na nakalikod ko sa upuan! Mabilis ang patakbo ng bus kaya imposibleng binaba sila nito. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo ng makita ko kung saan sila nagpunta. Naglakad sila sa palayan hanggang sa maglaho na lamang sila.
        
Napabuntong hininga ako at sumandal na sa upuan. Mga 15 minutes pa ay nag-stopover muna kami. Nag-cr muna ako dahil hindi ko na napigilan pa ang call of nature. Bumili din ako ng tubig kasama ang pinsan ko nang biglang may kumausap samin. "Neng, nakikita mo rin ba sila?" Tanong sa akin ng isang lalaki. Namukhaan ko sya dahil sya ang konduktor namin. "Ano po?" Sabi ko.
        
"Yun mag-ina kamo na bumaba sa Hacienda Luisita. Nakikita mo rin sila diba?" Kinilabutan ako sa sinabing iyon ng konduktor. "Opo kuya. Paano nyo nalaman? At hindi ba dapat sila makita?".

"Neng, matagal ng patay yung mga yon. Kaya nga yung upuan sa likuran nyo, hindi namin pinapaupuan kahit kaninong pasahero, kahit na wala kaming kita doon. Yan kasi ang huling inupuan ng mag-ina bago sila napaslang noon ng magkaroon ng welga diyan sa Hacienda Luisita. Nung araw na namatay silang mag-anak, yun ang araw na muling nagkita sila pagkatapos ng sampung taon. Yun ang araw na nagkita ang mag-asawa at mag-ama pero yun din ang araw na namatay sila dahil sa apoy. Kaya siguro sinasariwa nila ang araw na iyon. Ang isang napakagandang alaala, ang tamis ng muling pagkikita at pagbuo ng pamilya. Ngunit, winasak lamang ito dahil sa makasariling dahilan. Tara na Ineng. Aalis na tayo."
        
Natulala ako sa sinabi ng konduktor. Hindi ko malaman kung matatakot ako o malulungkot dahil sa sinapit ng pamilyang iyon. Pero isa lang ang aking napagtanto. Kahit pala ang mga patay ay inaalala ang pinakamahalagang araw sa buhay nila. Kaya dapat lang na tayong mga buhay at may panahon pa para makasama ang mga mahal natin ay pahalagahan ang bawat araw na kasama natin ang ating pamilya.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon