CHAPTER 3

99 37 1
                                    

Napadalas ang chat namin ni Ville kaya minsan hindi na rin ako masyadong dumidikit sa mga kaibigan ko. Alam ko namang tatadtadin lang naman ako ng mga iyon ng pang aasar eh.

"What may be the possible solution to prove that a person is the real culprit. Anyone?" Nagtaas ako ng kamay ko nang marinig ko ang tanong na iyon sa prof ko.

"Yes Ms. Mendonez"

"In order to prove that someone is criminal is you have to use some scare tactic" taas noo kong sagot

"Sisindakin using strategies?" tanong niya

"Definitely sir" sagot ko

"Paano mo nasisigurong mapapaamin siya ng ganon kadali?"

"Hindi naman siguro magkukulang ng advice ang abogado niya diba?" Sagot ko

"Advice? Pardon miss? What are you trying to say?"

"Obviously sir, it is the responsibility of a lawyer to tell their clients what may be the consequences on committing perjury infront of the court, the judge, the lawyers and the prosecutors." sagot ko. Siyempre nauutal pa rin ako na sumasagot pero okay lang atleast diretso english yon.

"Is that make sense?" Tanong niya. Makikipagdebate ba ito sakin?

"Of course sir. We are not called lawyers for no reason. It is our job to defend the truth. You're not gonna kill him/her as a scare tactic. Kung professional ka talaga alam mo kung kailan ka nililinlang ng isang victim or suspect. Am I right?" Grabe lumalabas ang mood ko pagdating sa ganitong usapan

"You said a lawyer's job is to defend the truth. Pero bakit may nakukulong na inosenteng tao? Bakit marami ang hindi nakakamit ang hustisya?" tanong niya. Grabe sabaw na sabaw na ako

"Sir its not the truth who wins in court, but whoever wins in court is the truth" ani ko. Bahala kayo kung nagets niyo, basta napulot ko lang yan sa kdrama na pinanuod namin ni hailey.

"Impressive miss, you may now sit" ngumiti siya sa akin at patango tangong sumasang ayon sa sinabi ko. Oh diba sa wakas may nagawa na akong tama.

~~~

"Siguro inspired ka dahil kay ville" saad ni hailey na kasama kong kumakain ngayon sa labas ng university. Nakuwento ko sa kanya ang nangyari kanina and guess what? Hangang hanga daw siya sa mga sinabi ko.

"Hindi ako inspired gaga. Hindi nga kami nagkausap ngayong araw eh" pagmamaktol ko

"Eh di malay mo ginaganahan ka na diyan sa pag aaral mo. Malay mo maoovercome mo na mga fears mo."

"Sana nga. Pero gurl pumalpak pa rin ako sa ibang activities kanina sa ibang subjects ko." ani ko

"Siguro sa isang specific thing ka lang may interes. Pero paano yan? Eh hindi lang naman yung subject ni Mr. Fieling ang major mo eh"

"Ewan girl. Mahilig ako sa writing, sa oral hindi. Mahilig ako makipagtalo sa usapan pero pagdating sa debate nganga naman ako. Biruin mo yung isang debate namin kanina, nung wala na akong masabi "e di wow" na lang naisagot ko sa kalaban ko." pagpapaliwanag ko

"Eh ang gaga mo. Naturingan kang law student tapos mapipikon ka?" Masama niyang tingin sa akin.

"Wala na akong masabi girl haha. By the way, nabasa na kaya ni ville yung first poem ko for him?" tanong ko

"Yeah, binabasa niya kanina. Ngiting ngiti nga eh. Ano ba mga sinabi mo don?" Walang gana niyang sabi at sumipsip sa lemon juice niya.

Iniabot ko ang phone sa kanya at ipinabasa ang tulang ginawa ko para kay ville.

BLANGKOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang