CHAPTER 26

19 11 0
                                    

A week passed by at malapit na ang birthday ni lolo leo kaya napag isipan kong ako na muna ang mag aasikaso ng lahat para sa kanyang party.

Napapadalas na din ang pagdalaw ko sa law firm para mambwisit at pagpapalayas lang lagi ang natatanggap ko sa kanila at dahil ako dapat ang masusunod, hindi ako umaalis.

"Elle, naayos na ba lahat ng mga papeles ng mga bata?" tanong ko kay danielle.

"Yes Val. Kukunin na sila mamaya. I suggest you should be there para hindi matakot ang mga iyon sa mga kukuha sa kanila" aniya sa kabilang linya kaya sumang ayon naman ako.

"Alright, come pick me up at 2pm" sabi ko at binabaan ito.

Maglalunch pa lang kaya naisipan kong magluto muna ng pagkain para kina kuya. Sinabihan ko na rin ito kaya naman alam kong hindi na nila ako palalayasin.

Nang makapagluto ako ay agad na akong dumiretso sa law firm ngunit nang makarating ako sa office ni kuya zachary ay si Ced lang naabutan ko. Kumaway ito kaya nginitian ko siya.

"Where's everyone?" Tanong ko sa kanya.

"Ang kuya zachary mo may hearing. Si Zachareus may kinuha lang sa office niya. Si Vax naman nasa office din niya. May inaayos lang" sagot nito.

"Eh bakit ikaw? Mag isa lang dito?" Tanong ko at naupo.

"Wala naman akong masyadong gagawin" anito at kumindat sa akin.

"Paano kayo naging magkakaibigan nila kuya?" tanong ko at inabutan siya ng maiinom at nagpasalamat naman ito.

"Nagsimula ang friendship namin noong kumukuha kami ng masters of law. Noong una kaming tatlo lang kaso mas gustong tropahin ni zachary si vax kaysa sa amin ni zachareus kaya we started to cling on them" aniya. Natawa naman ako sa sinabi niya kaya nagpakwento pa ako ng maraming bagay tungkol sa kanilang apat.

Napuno ng halakhak ang pag uusap namin. Napakadaldal ng isang ito. No wonder magkavibes sila ni zachareus.

Natigil naman kami ng biglang may pumasok sa pintuan at niluwa non si Vax.

"H-Hi" sabi ko at nginitian siya.

Saglit lang niya kaming tinapunan ng tingin at dumiretso sa table ni kuya zachary.

"Hey!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi man lang niya ako nilingon.

Akmang magsasalita pa sana ako ng agad itong tumayo at naglakad.

"You brought lunch?" Anito

Tumango naman ako.

"Eat all of that with Cedric" aniya at tuluyan kaming nilayasan.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa pintuang nilabasan niya. Lumingon ako kay ced na ganun din ang itsura ngunit naniningkit ang mga mata.

"Weird" anito kayat nagkibit balikat na lang ako. Ano bang problema niya? Lagi na lang siyang seryoso.

"May kaso ba iyon ngayon?" tanong ko kay ced na lumalamon na

"Hmm? Wala naman sa pagkakaalam ko" anito habang nginunguya ang pagkain niya. Napaismid naman ako at bumuntong hininga.

Iniwan ko muna siya roon at pumunta sa office ni zachareus.

"Zachareus!" sigaw ko nang maipihit ko ang doorknob ng office niya.

Napangiwi naman ako ng makitang hindi lang siya ang nandoon sa opisinang iyon.

"A-h H-hi...uhm sorry kasi biglang... alam mo na naghigh pitch yung tono ng boses ko. Hehe. You know...i-its a normal thing" sabi ko at pilit ngumiti sa kanila.

BLANGKOWhere stories live. Discover now