CHAPTER 15

21 13 0
                                    

Tatlong araw na rin ang nakalilipas matapos ang pangyayaring iyon. Hinayaan ko na lang. Okay na yun pero hindi ko sinasabing hindi na masakit. On going ang klase namin ngayon at kakasabi lang ng prof namin na magkakaroon kami ng oral assessment by two's that will serve as our exam at ang tanging sasalba na rin sa mga mababang projects ko. Ewan ko ba kung bakit mas marami ang kapalpakan ko kaysa sa mga ginagawa kong tama.

"Ms. Mendonez and Ms. Castorel will be partners" dinig kong announce ng prof namin. Yun pa talagang si britney ang naibigay na kasama ko amp. Lumingon naman ako sa kanya at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"What the hell" mahina kong sambit sa sarili ko. Sa dinami dami ng pwede kong maging kapartner yung pabidang iyon pa.

"Lahat ng magsisilbing leader, follow me at my office" ani prof at umalis ng classroom. Tatayo na sana ako ng bigla akong hinarap ni Britney.

"What?" Masungit kong tanong

"Don't tell me ikaw ang magiging leader sa ating dalawa?" Aniya na nakataas pa rin ang kilay.

"Why not? I think I can do it" pagmamatigas ko.

"I don't trust you" sabi niya at pinasadahan muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa at tsaka umalis. Eww as if may tiwala din ako doon.

Umupo naman na ako at hinintay na lang ang pagbabalik ni Britney dahil kukunin pa nila ang assign topic sa amin. Basta ang tanging alam ko lang The 1987 Constitution Of The Republic of the Philippines will be our basis for the assessment. May ibibigay na Article si sir at irerecite namin sa harap niya ang tatlong sections na sakop ng Article na iyon at siya ang pipili and we will give a certain situation where can we apply that law.

"Ang tagal naman ng babaeng iyon" ani ko sa sarili ko kaya nagbuklat na lang ako ng libro habang naghihintay sa kanya.

Nang matanaw ko siyang naglalakad na papasok sa pintuan ng room ay agad akong tumayo. Tumitig naman ito sa akin at ngumisi. Akala niya siguro mahihirapan ako doon. Siyempre aaralin ko ng mabuti iyon noh.

"1987 Constitution Article VI, galingan mo. Nagkapartner lang tayo pero hindi iisa ang grade natin. We will be scored individually" aniya at nilampasan ako para kunin ang gamit niya.

"Goodluck" maikling sambit ko at iniwan siya sa room. Pag aaralan ko talaga ng maayos yun para masupalpal ko sa mukha yung Britney na iyon. Akala mo kung sinong matalino eh wala naman siyang binatbat kay hans.

Naabutan ko naman sina sfrane na kabababa lang ng building nila kaya naman tinawag ko siya at sabay naming hinanap ang dalawa. Wala na kaming susunod na klase at hapon na rin kaya sinabihan ko na silang umuwi na kami ng maaga dahil kailangan ko pang magmemorize.

~~~

"Sigurado ka vee? Lahat ito kakabisaduhin mo?" Gulat na tanong ni hailey.

"Yeah, kailangan eh. Magbibigay lang ng tatlong section si prof tapos irerecite namin yun sa harap ng klase and we will give situation and how to apply that in the situation." Paliwanag ko.

"Kaya pala sobrang tinitingala ang mga abogado noh? Grabe ang daming alam na batas." Sabi naman ni jiovanni.

"Lamangan mo yung si Britney masyadong pabida" ani sfrane na kanina pa masama ang tingin sa akin.

"Dapat nganga siya sa sasabihin ko sa recitation. Sabi ba naman sa akin na magkanya kanya kaming aral. Edi go." Sabi ko naman.

"Yan dapat lang. So paano ba yan? Punta na kami sa kanya kanya naming kwarto kasi alam naming magiging busy ka na. Next week ba yan?" Tanong ni sfrane.

"In 4 days" maikli kong sagot. Nanlaki naman ang mata nila.

"F-f-four days?! Sa dami niyan? 4 days lang" singhal ni hailey.

BLANGKOWhere stories live. Discover now