CHAPTER 33

16 8 0
                                    

Im at my office right now to sign some papers. Nandito din sina sfrane, hailey at jiovanni.

"Teka nga wala ba kayong flight, kayong dalawa?" tanong ko. Lumalamon sila habang nakaupo sa sofa. Habang si sfrane ay kanina pa dinudutdut ang cellphone niya.

"We're on leave. Lam mo na we should have time to catch up with each other" sagot ni jiovanni at nagthumbs up at kumindat lang naman si hailey dahil may nginunguya ito.

"Girl you're so hot! Look at this! Biruin mo inaayawan mo lang mga photos mo noon. Ngayon magazine cover na" ani jiovanni at nagbuklat ng mga magazine.

"Yep. too bad Im not your manager" napabuntong hininga naman si hailey tyaka ako inismiran. Mahina naman akong natawa.

"Hoy babaita! Kanina ka pa nakatutok sa cellphone mo. Anong meron at busy ka?" sigaw ni jiovanni sa kanya. Napapansin niya din pala.

"Alam niyo guys noon nangangarap akong maging engineer para maging engineer din ang asawa ko. Pero ngayon, may guwapo ngang engineer eh bakla naman" aniya at ibinaba ang telepono niya tyaka kumain ng chips.

"Oy! Huwag mo naman lahatin. Isipin mo na lang ganun lang talaga ang buhay, kapag tinamaan ka eh wala ka ng magagawa" ani hailey sa kanya.

Naupo din ako sa tabi ni sfrane at sumandal sa sofa.

"Hopeless case na ba talaga kayo ni hondrae?" tanong ko.

"Hmm hindi ko alam mukhang nakamove on naman na eh" sagot niya at uminom ng juice.

"Sayang ship ko pa naman sana kayo" sabi ko. Sinamaan lang niya ako ng tingin sabay inirapan.

"Akala ko naman magkakajowa na tayo after 10 years eh halos mamuti na buhok ko wala pa ding nanliligaw sa akin" reklamo ni jiovanni habang nakanguso.

"Siyempre bakla ka" ani hailey

"Hoy! Huwag ka girl mas magaganda pa kaming mga bakla sa'yo" anito.

"Oh bakit ako lang? Sa amin kamo" aniya. Nagkibit balikat kami sfrane at umiwas ng tingin.

"Gaga! Ikaw lang ang nagcomment kaya ikaw lang sinabihan ko" anito.

"Hays! Napakasama niyo naman sa akin. Akala ko ba dapat si sfrane ang lagiging napipikon."

"Oh bat na naman ako?" Ani sfrane na masama ang tingin sa kanila.

"Siya na nga noon eh. Ikaw naman ngayon hailey" sabi ko habang natatawa.

"Oh masaya ko doon? Vee? Ha?? Ano? Sige pagtulungan niyo ako" aniya at pinagkrus ang braso niya.

"Wow! Hiyang hiya naman kami, minsan lang sa buhay mo na mapipikon ka. Gigil ka ghourl?" pang aasar ni jiovanni sa kanya. Hinampas naman siya nito ng magazine.

"Tatanda na tayong gurang" ani sfrane.

"Girl kahit hindi ka tumanda gurang ka na talaga" ani jiovanni na ikinatawa namin ni hailey.

"Ay wow. Ako na naman nakita niyo. I was just stating a fact." Sabi niya at kumuha ng chips.

"It's not a fact until it's proven" ani jiovanni.

"Yep" sang ayon ko.

Marahang tumango naman si hailey.

"Eh?? Malay ko sa inyo. Kontrabida" aniya.

"Ay hindi ako! Baka ikaw hailey" ani jiovanni. Gulat naman itong tumingin kay jiovanni.

"Anong ako? Etong si vee kontrabida" aniya.

"Oy! Kakampi ako lagi ni sfrane ah" sabi ko.

"Kakampi mo mukha mo. Kailan mo pa ako kinampihan?" singhal nito sa akin.

BLANGKOWhere stories live. Discover now