CHAPTER 6

42 24 0
                                    

Paggising ko ay tumambad na sa akin ang mga nagkalat na gamit at nakasalampak na katawan sa may sahig. Aba dumating na pala ang mga kupal. Umayos ako ng upo at nag inat sabay sandal sa headboard.

"Hoy may sari sarili naman kayong kwarto ah. Bakit nandito kayo?" Tanong ko sa kanilang lahat. Wala naman silang naging imik dahil si jiovanni ay nakaharap sa laptop niya si sfrane ay umiidlip lang siguro at si  hailey ay mukha yatang pagod dahil nakadilat naman ang mata pero nakahiga sa may sofa at nakatitig sa kisame.

"Guys okay lang kayo?" Tanong ko ulit

"Okay mo mukha mo" ani sfrane na nakapikit pa rin. Hinampas ko naman siya ng unan at agad naman itong gumanti at dinaganan ako.

"Sfrane! Ang bigat bigat mo eh." Pag iinarte ko dahil nakahiga ito sa likod ko.

"Hiyang hiya ako mas mabigat ka nga sa isang sakong bigas." Aniya at kunwaring humilik. Mahina namang natawa si hailey kaya tumabi rin sa amin ito at humiga rin sa bandang puwetan ko.

"Kakagising ko lang mga babaita" singhal ko sa kanila ngunit hindi ako pinansin ng mga ito.

"Duh girl. Sarap mo daw kasi yakapin para kang foam." Singit naman ni jiovanni na hindi man lang sumusulyap sa amin.

"Vee" tawag sa akin ni sfrane

"Bakit?" Tanong ko

"Ayaw mo ba talaga magdiet or mag exercise or something?" Aniya at sandaling sumulyap sa akin

"Ayoko nga. Gugutumin ko lang sarili ko. I can't, i mean i don't want to." Sagot ko

"Mas maganda ka kapag magpapayat ka" dagdag naman ni hailey

"Then doon na lang ako sa maganda. Aanhin ko yung "mas" kung labag naman sa akin na pumayat" sabi ko. Tumikhim naman si jiovanni at nginusuan ako.

"Gurl try mo lang naman, madali lang naman magpapayat. Tutulungan ka namin. Ang tanong gusto mo ba pumayat?" aniya. Sa amin kasing apat ako ang pinakamataba. Well sabi nila ayos lang naman daw yung katawan ko pero mabilbil kasi ako eh.

"Siyempre gusto ko din naman pumayat. Ayoko naman nalalait lait dahil sa katabaan ko eh. Pero tinatamad ako sa mga ganyang bagay na diet at excercise.

"Hindi yon. Ayaw mo naman talaga pumayat eh. May gusto ka lang patunayan. Lalo na sa mga taong ang napapansin lang eh yang taba mo" dugtong naman ni sfrane.

"Siguro nga." Pag sang ayon ko

"Kung hindi ka talaga determinado hindi ka talaga papayat gurl" sabi naman ni hailey. Umupo siya sa tabi ko at yumakap.

"Pero kung ako ang tatanungin. I prefer na ganito ka na lang kasi eto naman ang isa sa minahal namin eh. Sarap mo kaya yakapin." Dagdag nito.

"Wow hailey ang sipsip ha" -jiovanni

"Ang kapal mo. Pinaplastik mo lang kami noh?" Natatawa niyang sabi

"Eww duh edi sana wala ako dito. Nasa basurahan dapat ako."

"Yeah because plastics are there at the garbage" seryosong sabi ni sfrane

"Sfrane parang awa mo na wag ka ng mag english. Nakakasira ng ozone layer" pambabara naman ni jiovanni na ikinatawa naming apat.

"Hoy grabe ka, bobo din naman ako mag english" ani ko

"Atleast ikaw youre trying at nauutal pa nga eh" aniya.

"Eh yan jusko ang taas ng confidence mag english ng diretso kahit wrong grammar. Akala mo sure" aniya at binato lang siya ng unan ni sfrane.

"Gaga ka talaga. Kapag ako natuto mag diretso english--

BLANGKOWhere stories live. Discover now