CHAPTER 10

30 17 0
                                    

"Malapit lapit na rin ang examination niyo kaya magreview na kayo. Your exams consists of administrative law, property law and even land law. And you'll hate me after that." halos hindi naman maipinta ang mukha ko ng sabihin iyon ng prof namin. Grabe hindi na nga kami makakajoin sa foundation tapos iyon pa ang bubungad. Yeah you read it right, nagbawi ang ibang prof namin na makikijoin kami sa upcoming foundation because instead of enjoying, we should focus more on paper works. Tss grabeee.

"Vee mas mabuti kung sabay na lang tayo magreview. Alam ko hindi ka naman makakapagfocus eh. Madami ka na namang tanong" sabi ng lalaking katabi ko. Talagang pinaninindigan niya na tutulungan niya ako ah.

"Hans baka ikaw pa ang hindi maka concentrate sa sobrang daming tanong ko" sabi ko.

"Sir wala na bang mas complicated diyan? Yung tipong mamamatay na kaming lahat?" sarkastikong tanong ng isang blockmate namin at pasimpleng umirap sa prof.

"Mabait pa naman ako. Hindi ko kayo gustong mamatay" aniya at ngumiti. Di daw. Eh halos nakakastress na mga topics na nasa exam eh.

"So saan tayo vee?" Tanong ni hans

"Tara sa malapit na coffee shop." Sabi ko

"Ayaw mo sa library. Vee hindi madaling exam to."

"Alam ko kaya nga sa coffee shop tayo diba? Dadaan muna tayo sa library to get books, hihiramin lang natin tapos ibabalik natin mamayang hapon" paliwanag ko.

"Okay sige. We should go" aniya at nag ayos na ako ng gamit at sabay na kaming tumungo sa library.

"Alam mo hans I really love books pero sa pagdating sa ganitong books wala akong interes" ani ko na ikinatawa naman niya.

"Eh bakit ka nag law?" Tanong niya at sumulyap sa akin

"Wala dahil gusto ko" sabi ko

"Gusto mo pero hindi mo pangarap" aniya.

"Hindi naman sa ganon. Pangarap ko noon pa lang maging lawyer. Gustong gusto ko to. Basta. Wala namang pagkakaiba yun" sabi ko

"Vee, magkaiba ang gusto, sa pangarap" anito.

"Eh paano mo naman nasabi?" Tanong ko

"Ang "gusto" yun yung sinisigaw ng puso mo. It's your passion. Ang "pangarap" yun ang nakikita mong kahahantungan mo sa future" anito at ngumiti sa akin

"So saan ka dun sa dalawa?" Dagdag pa niya.

"Pangarap" maikling sagot ko.

"Eh di hindi yan ang gusto mo" sabi niya at agad naman akong natahimik. Pangarap ko nga lang ba talaga ito?

"Alam mo vee if you really like something, you have the courage and willingness in order to achieve it. Pero kung pangarap mo lang ang isang bagay, eh baka himala lang ang hinihintay mo para matupad" sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan ng library. Napatingin naman ako sa kanya at nakangiti ito sa akin. Pinapabilib talaga ako ng lalaking ito.

Hindi na ako kumibo dahil alam kong marami na naman siyang masasabi kaya naman kumuha na lang kami ng mga libro na pag aaralan namin at umupo sa dulong bakanteng lamesa.

"Eh ikaw hans? Gusto mo ba ito o pangarap?" Tanong ko.

"Yeah I really want this pero at the same time pangarap ito ng pamilya ko sa akin" aniya. Hindi na rin ako nagtanong pa sa kanya at tumutok na lang sa librong binabasa ko.

Sa tuwing may hindi naman ako naiintindihan ay nagtatanong na lang ako sa kanya at ipinapaliwanag naman niya ito ng malinaw kaya wala akong masasabi na hindi ko naiintindihan.

BLANGKOWhere stories live. Discover now