CHAPTER 8

35 16 0
                                    

Sfrane's POV

"Nasaan na ba ang mga babaita?" Tanong ko sa sarili ko dahil kanina pa ako naghihintay dito sa oval

"Ms. Perez, bakit hindi ka tumulong sa pag aayos ng decoration. Lalo na sa gym" tawag sa akin ni Mr. Reezon. Siya ang may hawak sa aming engineering students na ayusin lahat ang mga gagamitin for the foundation. Duh ako pa talaga inutusan.

"Ah sir hinihintay ko lang mga kaibigan ko" sagot ko. Tumango naman siya sinabing sumunod na lang daw ako.

"Mag isa ka?" Gulat na lumingon ako sa taong nasa likod ko. Kung minamalas nga naman oh. Dito ko pa talaga makikita si Hondrae.

"May nakikita ka bang kasama ko? Duh bobo lang" sabi ko inirapan siya.

"Nagtatanong lang eh" anito at naglakad sa harapan ko

"Nagtatanong ka pa eh obvious na nga" sabi ko

"Marami pa tayong aayusin doon"

"Edi ayusin mo mag isa mo" pagsusungit ko.

"Eto kinakausap ng maayos eh" reklamo niya.

"Eto sinasagot ng maayos eh" at pinagkrus ang mga braso ko

"Maayos ba yon" at sinamaan ako ng tingin. Duh hindi mo ako madadaan diyan.

"Bakit ka ba nandito? Bakit di mo kasama girlfriend mo?" Tanong ko

"Tatanungin mo sa akin eh hindi nga kami magkasama oh" anito at masama pa ring nakatingin sa akin. Ano ba problema nito.

"Hoy wag mo akong titigan ng masama tusukin ko yang mata mo eh" pang hahamon ko

"Oh sige nga gawin mo" at dumilat pa ito. Inirapan ko lang siya at nauna ng maglakad papunta sa gym. Malaman ko lang kung nasaan ang mga malalanding kaibigan ko babatukan ko talaga ang mga yon isa isa.

Napansin ko namang nakasunod lang sa paglalakad ko si hondrae kaya naman nilingon ko siya.

"Bakit ka ba sumusunod ha?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo nito at nginisian ako.

"Bakit ba ang assuming mo? Natural lahat naman ng engineering students nasa gym. Tanga lang sfrane?" Anito at inunahan ako maglakad

"Wow makatanga to" sabi ko at umirap sa kanya

Nakarating na kami sa loob ng gym at abala ang lahat. Lumapit naman sa amin si Prof Almeda at may ibinigay na flywood.

"Puwede niyo bang designan ito?" at tumingin ito sa akin at kay hondrae. Dont tell me. No.

"Okay lang naman-

"Sir engineering students kami hindi kami pintor" sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko.

"Pasensiya na sir, bad mood lang ang isang ito. Kami na bahala dito" ngumiti ito kay prof at pinanlakihan ako ng mata. Duh totoo naman sinabi ko eh.

"Hoy pinturahan mo yan mag isa ah. Yes ka ng yes akala mo sure ka" sabi at tumungo na sa bleachers.

"Alam ko hindi ka mahilig sa arts" aniya at tumabi sa akin sabay abot ng mga pintura.

"Alam mo naman pala eh bakit mo sinabing tayo ang gagawa nito?" Pagsusungit ko.

"Simpleng tulong lang sfrane. Wala namang mawawala sayo" sabi niya.

"Nawala ka nga sa akin nung tinulungan ko siya eh" ani ko at naghalo na ng iba't ibang color. Tumahimik naman siya bigla kaya hindi ko na lang siya nilingon.

"Now anong idedesign dito?" Tanong ko na hindi man lang siya nililingon.

"Dapat dull color lang sa ibabang part. Gagawa tayo ng burning fires. Yung maangas tignan" sabi niya. Ano daw? Paano namin gagawin iyon? Hindi ko nga alam kung anong colors ang ibeblend.

BLANGKOWhere stories live. Discover now