CHAPTER 17

15 11 0
                                    

Nakarating ako sa apartment at nadatnan ang tatlo na kumakain sa kusina. Nilagpasan ko naman sila at walang ganang humiga sa kama ko at tumitig sa kisame.

Kumaripas naman ng takbo ang tatlo at tumabi sa akin sa kama. Nabalot kami ng katahimikan at parehong nakatitig lamang sa kisame.

"I'm doomed" mahina kong sambit habang nakatulala sa kawalan.

"Anyare?" Tanong ni jiovanni at marahan akong tinapik.

"I heard a lot about the teacher's meeting, kanina lang" ani ko.

"Chismosa ka talaga" ani sfrane at mahinang natawa. Ngumiti naman ako at sinulyapan siya saglit.

"Alam niyo ba napag alaman ko na yung assessment namin bukas ang magliligtas sa future ko" sabi ko at  bumuntong hininga.

"Paano mo nasabe?" Tanong ni hailey.

"Gurls nangangamba na akong madrop out" mahina kong sagot. Bigla naman silang napaupo at bakas sa kanila ang pagkagulat habang nakatingin sa akin.

"Ikaw?! Madadrop out?!" Gulat na tanong ni jiovanni.

"Vee how come? Sure ka bang ikaw ang pinag uusapan ng teachers?" Ani hailey.

"Oo sure ako, narinig ko whole name ko eh. Mababa daw lahat ng marka ko sa mga records nila" tanging sambit ko.

"Di kasi nila naaappreciate yung galing na meron ka" singit ni sfrane at hinaplos ang buhok ko.

"Sfrane, not everything should be appreciated lalo na kapag hindi pasok sa level of standards ng isang tao." Sabi ko at umupo rin sa kama at sumandal sa headboard.

"So what now?" Tumingin sila lahat sa akin.

"Tommorrow is my last chance" sabi ko.

"We know you can do it" ani hailey. Yumakap sila sa akin at sabay sabay na nilisan ang kuwarto ko.

Nagbihis na ako at pinatay ang ilaw. Hinagilap ko naman ang phone para tawagan si Tita Lorna. Nakahiga ako ng tuwid at kinumutan ang kalahating katawan ko. Nagring naman ito at ilang sandali pa ay sinagot na niya ito.

"Oh gabing gabi. Napatawag ka?" Sagot ni tita sa kabilang linya.

"Tita nahihirapan na ako" mahina kong sabi.

"Wala namang madaling bagay cheezra. Hindi ka pa umaabot sa sampung taon umaayaw ka na." Aniya

"Hindi kasi talaga ako magaling eh" sabi ko

"Alam mo naman palang hindi ka magaling eh bakit ka nag aral aral ng law?" Tanong niya.

"Kasi pangarap ko" maikli kong sagot

"Eh yun naman pala edi kayanin mo" aniya.

"What if tita madrop ako?" Tanong ko

"Wag mong hayaan ah. Paghirapan mo naman. Nagsasakripisyo ako sa pag papaaral sa iyo, isipin mo naman yun ah. Ang mahal mahal ng kinuha mong kurso tapos magpapabaya ka lang?" Litanya niya.

"Sinusubukan ko naman eh" ani ko habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. Tumagilid ako ng higa at saglit na pumikit. Tila nanghihina ako at basag pa ang boses ko.

"Oh edi subukan mo pa. Isipin mo naman na pinag aaral kita dahil ginusto mo yan" aniya

"Paano nga kung madrop ako? What will you do?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala kang uuwian dito kapag nagpabaya ka sa pag aaral mo, sinasabi ko sayo. Ayusin mo buhay mo diyan. Sampung taon cheezra. Pinili mo yan kaya tiisin mo. Huwag mo akong artehan ngayon." Sabi niya. Kailangan ko talagang itaas ang marka ko sa assessment bukas. Tumulo ang ilang butil ng  luha mula sa mga mata ko dahil sa takot na madissapoint ko na naman si tita kapag hindi ko iyon nagawa ng tama bukas.

BLANGKOWhere stories live. Discover now