CHAPTER 14

24 13 0
                                    

Tila isang lantang gulay ang itsura ko habang naglalakad patungo sa apartment. Iniisip ang bawat sakit na nararamdaman ko ngayon. Kung may pagkakataon man na masagasaan ako bakit ang tagal?

Patuloy pa rin ang patak ng aking luha ngunit hindi ko iyon pinupunasan. Gusto kong umagos lahat iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbabakasakaling may mensahe akong matatanggap mula kay Ville na kahit isang simpleng paliwanag kung bakit nagawa niya iyon. Ngayon ko lang napagtanto bigla na lang niya akong hindi kinausap.

Nag log in ako sa facebook at tumambad sa akin ang dalawang mukha.

"Ville Oliver Taciasi is in a relationship with Katrina Yvonne Buenaciones"

Bagay silang dalawa. Parehong maganda at gwapo. Parehong mayaman. Dinalaw ko ang profile ni Kat at sinuri ko ang mga bagay na nagustuhan sa kanya ni Ville. No wonder niligawan niya ito. Photogenic, magaling sumayaw, matalino, sumasali sa pageant. Unlike me, heto lang ako isang manunulat hindi pa magaling.

Napagtanto ko sino ba namang magmamahal sa mataba, yung mabilbil. Hindi naman maipagmamalaki ng kahit na sino ang ganung klaseng katawan eh. Sa panahon ngayon sikat ka lang kung sexy ka. Mamahalin ka ng lahat kapag maganda ka. Kaya siguro ganun na lang ako iwan ni ville kasi nga kasalungat ako sa tipo niyang babae. Pero bakit ganon? Bakit kailangan niyang iparamdam na espesyal ako sa kanya kahit hindi naman pala. Bakit kailangan niyang magsabi ng mga bagay na hindi naman pala tumutugma sa nararamdaman niya. Tama ang sinabi ni hans hindi lahat ng 'i love you' totoo, minsan sinasabi lang nila iyon as an appreciation sa mga bagay na nagagawa mo para sa kanila. Nasiyahan lang siguro siya sa mga tulang ginagawa ko para sa kanya. Nagkamali na naman ako.

Napag alaman ko na mag ex pala sila. Dahil nahagip ng paningin ko ang isang litrato nila sa account ni Kat. Kaya siguro binalikan niya, kasi mahal niya pa. Pero bakit naman sila nagbreak eh nagmamahalan naman pala sila?

"Ang daya mo" mahina kong sambit.

"Nilandi mo ako tapos mahal mo pa pala ex mo" dagdag ko pa at mapait na ngumiti.

"Ang tanga mo Vee. Napakatanga. Napakabobo" singhal ko sa sarili ko.

"Masaktan ka pero huwag mo naman pagsabihan ng ganyan yung sarili mo" rinig kong sabi ni sfrane. Nakalimutan ko nakasunod lang pala sila sa likod ko. Hindi ko pa rin sila nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ang bobo niya. Bakit niya papakawalan yung babaeng wala naman ibang ginawa kundi mahalin siya." Ani jiovanni

"Hays another victim. Nilandi pero hindi jinowa. Yung tipong nagkabanatan pero hindi nagkatuluyan at bigla na lang hindi kinausap" napayuko naman ako sa sinabi ni hailey. Hindi ko siya masisisi kasi totoo naman lahat ng sinasabi niya. Hinayaan kong mahulog ang loob ko kay ville. Masyado akong nagpadala sa kasweetan niya.

"Gurl you don't deserve him. Mas marami pa diyang mas masarap" sabi naman ni jiovanni. Napakaano talaga nito.

"Yah gurl yung mas yummy. Siguro hindi kapwa mo mataba ang para sayo. Maybe someone na maskulado at hot tignan" sabi naman ni hailey. Seriously? Itong mga kupal na to?

"Hoy itigil niyo nga yan. Nakuha niyo pang magsalita ng ganyan ah. Hindi niyo kasi nafifeel si Vee. May pinagdadaanan yung tao oh" bulyaw sa kanila ni sfrane.

"Gurl ang point lang naman namin hindi niya deserve si Ville." Sagot ni hailey.

"Oo nga sabihin na natin yun yung point niyo pero hayaan niyo naman muna makapag isip yung tao siyempre nabigla naman siya sa mga pangyayari eh." Litanya ni sfrane at hindi na sumagot ang dalawa.

~

"Vee ano ka ba lalaki lang yan. Meron pa naman yung kambal eh. Si Zachareus ba hehe" rinig kong sigaw ni jiovanni mula sa pintuan ko. Nakarating ako sa apartment at nagmukmok sa sulok sa tabi ng kama ko. Katatapos ko lang umiyak at pigil na pigil ang hikbi para hindi nila masyadong mahalata na sobrang nasasaktan ako. Tama si Hans eh, hindi ko dapat binigay lahat. Hindi man lang nagtira para sa sarili ko.

BLANGKOWhere stories live. Discover now