CHAPTER 31

12 8 0
                                    

"What?! Child Trafficking?!" singhal ko sa police na kausap ko ngayon. Naglabas sila ng warrant of arrest dahil sa natunton nila ang bahay ampunan.

"T-teka lang ha? Wala kaming ginagawang masama sa mga bata" sabi ko.

"Pero illegal ang pagkuha niyo sa mga bata. Ang bahay ampunan na ipinatayo mo ay hindi sakop ng gobyerno, ilegal din iyon." Hindi muna ako sumagot habang hinihintay ko si Vax. Hays malalagot talaga ako nito kina kuya at lolo eh.

"Can I talk to my client for a while?" Anito nang makapasok ito sa interrogation room.

Umalis naman ang pulis kaya umupo naman kaagad sa harapan ko si Vax.

"Did you say anything?" Tanong niya.

"Pinagpipilitan kasi nilang child trafficking ang kaso sa akin. Kitang kita naman nila iyong mga bata na safe" sabi ko at pinagkrus ang braso ko.

"I understand. That's why Im here. I'll help you" anito at binuklat ang notes na dala niya.

"According sa warrant na sinubmit nila. Lumabag ka sa Republic Act No. 9208 under section 3, trafficking in persons" pagsisimula niya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"It states here the recruitment, transportation, transfer, harboring, adoption or receipt of a child for the purpose of exploitation--

"Wala nga akong ginagawa sa mga bata. Ano bang benefits ang nakuha ko noong inampon ko ang mga yan? At tsaka bahay ampunan iyon. Nasa pangangalaga sila ng mga madre" pagputol ko sa sinasabi niya.

"That orphanage wasn't registered under the government" anito. Alam ko iyon, tyaka sinadya ko iyon noh.

"Dahil ayoko ngang malaman ng mga tao iyon at may ibang umampon sa mga bata. Paano kung abusuhin na naman sila?" Sabi ko at napairap.

"That's why we have legal process on adopting a child. Nililitis pa din sa korte iyon kung sakali mang mag aampon ng bata."

"Do you really think I didn't know that?" sabi ko at napairap na naman.

"Whatever the issue is. That orphanage will be taken by the government" magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.

"Magiging maayos ang mga bata sa puder ng DSWD" anito.

"Tss. How can you be so sure?" tanong ko dito. Bumuntong hininga ito.

"Alam kong mahalaga sa'yo ang mga bata. But let the government help you to take care of them" anito. Napaiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi ko.

"What should we do then?" tanong ko.

"The orphanage will be named under the government's property, gagawin na lang nila itong another DSWD branch but you still have to pay for penalty" anito.

"I dont care about the penalty. Just pay them even how much will it cost. But make sure na hindi madadamay ang imahe ng Severino lalo na ang pagiging CEO ko sa S.G group. Pero paano iyong mga nagtatrabaho doon?" Tanong ko.

"Mananatili pa din sila doon." Anito. Bumuntong hininga naman ako.

"I can settle all of these, just cooperate with me. Huwag ka ng mag alala sa mga bata, you still have the right to visit them" anito.

"How about my child trafficking case?" tanong ko.

"They don't have a concrete evidence to prove it. Nakausap nila ang mga bata at wala ni isang nakapagpatunay na inabuso mo sila. You loved the kids and so they are. Nag aalala sila sa'yo" anito.

"Alam na ba nila lolo?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko sinabi but I can't assure na hindi nila malalaman. Hindi ko nasabihan ang drivers at housemaid niyo lalo pa't sa bahay ka ninyo inaresto" anito at ibinutones ang coat nito.

BLANGKOWhere stories live. Discover now