CHAPTER 7

52 23 1
                                    

Maluwag luwag ang schedule namin ngayon dahil na rin sa busy ang mga proffesors namin sa pinaghahandaang foundation ng University namin. Tanaw mo ang ilang departments na abala naman sa pagtatayo ng iba't ibang tent at sari sariling pakulo para sa isang linggong selebrasyon.

Samantala ang department naman namin ay nagpaplano pa lang kung ano ang maiaambag namin sa nasabing foundation. At dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganyan ay dumiretso ako sa engineering building kung nasaan si sfrane na abala sa pag aayos ng locker niya.

"Hoy babaita. May klase ka pa" gulat naman siyang napalingon sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Wala naman na gurl. Tumutulong na lang din ako sa pag aayos nila sa decorations." Aniya. Kilala ko na ito eh. Ayaw na ayaw rin sa mga ganitong bagay. Mas tamad pa ito sa akin.

"Hanapin na lang natin sina jiovanni at hailey" pag aya ko na agad naman niyang sinang ayunan.

"Siz kanina nakasalubong ko si hondrae" aniya at ngumuso

"Oh kumabog ba si heart?" Tanong ko

"Yak no." Agad naman niyang sagot

"Sus. For all I know nagngitian kayo"

"Siya lang ngumiti. Me? No ayoko" dipensa niya

"Hmm I wonder kung may gusto pa iyon sayo" ani ko

"Eww vee naririnig mo ba sarili mo? Were done. Kadiri ka" aniya

"Wow Ms. Perez, parang hindi mo naman minahal ah" sabi ko. Pababa na kami sa building nila ng matanaw sa di kalayuan si hondrae na abala sa pag aayos ng kung ano mang hindi ko matanaw na gamit.

"Huwag na huwag mong tatawagin vee sasabunutan kita" natawa naman ako ng makitang masamang nakatingin sa akin si sfrane. Pareho kasi silang engineering ang course, ewan ko ba. Feeling ko pinagtagpo talaga sila haha.

"What? I'm not doing anything" ani ko at kumindat sa kanya. Inirapan naman niya ako at hinila papunta sa building nila jiovanni at hailey. Iyong dalawang yon talagang pinagplanuhan na magkacourse para daw magtulungan sila. Mga kupal talaga. Basta parehong tourism ang gusto nila kahit noong highschool pa kami.

~~

Malapit na kami sa building nila nang mahagilap ng paningin ko ang babaeng mahaba ang buhok na halos mabugbog na ang katabi niya sa sobrang kilig. Kapag yang si jiovanni gumanti tanggal buhok nitong si hailey. Itinuro ko naman kay sfrane ang kinaroroonan ng dalawa kaya linapitan namin sila.

"Hoy first time ko manotice gaga" ani hailey at kinikilig kilig pa.

"Excuse me Ms. Hailey Sky?" Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya

"Oy gurl upo dali may ikukwento ako" nagagalak niyang sabi at hinila kami paupo.

Naupo naman kami at nagsimulang makinig sa kung ano mang ikukwento ng babaeng ito.

"Girl yung crush ko na sinasabi ko noon sa inyo yung kaklase ni ville mo" aniya sabay turo sa akin.

"Oh ano naman ngayon?" Tanong ni sfrane

"Nanotice kasi siya sa twitter siz. Tapos nag take care always daw ang gago" pairap na kuwento ni jiovanni

"Oh diba I'm so pretty" pagyayabang niya

"Yun lang?" Singit naman ni sfrane

"Huwag mo naman ni lalang yun. That's my happiness" saad niya

"Ah guys, I think I have to go." Singit ko sa usapan nila

"Why so bilis?" Nagtatakang tanong ni jiovanni

"Siz ang complicated kaya ng pinag aaralan namin tungkol sa constitutional law. Kaya hindi na ako masyadong makakagala with ya'll" sabi ko at isinukbit na ang bag ko sa balikat. Nagpaalam naman sila sa akin na magkita kita na lang daw kami sa apartment mamaya. I guess mag isa na naman ako uuwi.

BLANGKOWhere stories live. Discover now