CHAPTER 11

26 16 0
                                    

"Pareho pa rin namang krimen yun diba?" Ani Zachary. Abala kami ngayon para sa kasong nakaassign sa amin. Kailangan namin itong iresolba sa harap mismo ng prof at ibang blockmates namin. At dahil kambal sila magkakambal din na kaso ang naibigay sa amin. Hindi tuloy namin malaman kung sino ba talaga ang pumatay sa kanila.

"Well then, if the situation is, kambal sila. Ninakawan nila ang isang store, pero isa sa kanila ang pumatay ng may ari ng store. Pero ang twist wala sa plano ng dalawa ang patayin ang may ari. But then nagawa nung isa na hindi naman ginusto ng isa." Paglalahad ko ng kaso sa kanila. Ito ang naibigay sa amin na kailangan naming suriin at nabigyan lamang kami ng isang linggong palugit. Kaya isang linggo din akong hindi na nakakausap ang tatlong kaibigan ko.

"Is there a possibility that they are co-principle of the crime?" Singit naman ni zachareus.

"Paanong co principle eh hindi nga inasahan nung isa na makakapatay ang kambal niya" sabi ko.

"At pareho nilang inaako na sila ang pumatay sa may ari. Eh ayon sa ebidensiya. Isa lang sa kanila ang sumaksak." Sabi naman ni zachareus.

"And dahil pareho naman silang umaamin, palalabasin nating co principle ang krimen ganun ba?"

"Exactly, pero iyon ang problema natin. Hindi mo sila parehong pwedeng patawan ng parehong sintensiya dahil isa lang naman ang pumatay." Ani zachareus

"Eh kung bumase kaya tayo sa pag uugali nila?" Suggest naman ni zachary.

"Kayo bang kambal magkaiba ng ugali?" tanong ko.

"Yeah at some point" sagot ni zachary

"But we cannot just judge them by the way they act" sabi ko

"That's what a lawyer's job vee. To make judgement to defend any case" pagsingit ni zachareus.

"Thats the only choice, huhuliin natin yung pumatay or palalabasin nating pareho nilang plinano ang pumatay? Edi kung yung second choice edi tapos na ang problema. Inaamin naman nila pareho na nilang ginawa iyong krimen." Sabi ko

"Pero iginigiit nila pareho na walang kinalaman ang kakambal nila. Yung isa sabi, siya daw pumatay pero hindi iyon inasahan ng kapatid niya. At yung isa naman ganon din ang sinasabi. Paano yun?" Tanong ni zachary.

"Kung actual lang na kaso ito hindi ko to kakayanin mag isa" ani ko at sumang ayon naman ang dalawa.

"Kayo bang kambal walang hindi alam na sikreto ng isa't isa?" Tanong ko

"Wala. Alam namin lahat ang sikreto ng isa't isa. Nasa daloy ng dugo ng magkambal yan vee. Mararamdaman mo sa una pa lang kung may nangyayari sa kambal mo kahit pa malayo kayo sa isa't isa." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni zachareus.

"Bingo! Sa una pa lang plano na talaga ng kambal ang patayin ang may ari ng convience store." Taas noo kong sabi.

"How do you say so?" Tanong ni zachary

"Kasi kung pareho nilang plinano na pagnakawan lang yung store. Napakaimposible naman na walang maramdamang kakaiba yung kambal niya sa isang kakambal niya. Like hindi lang iisa ang purpose ng isa sa kanila. Like what you've said. Walang hindi malalamang bagay ang isang magkambal sa isa't isa. " Napatango tango naman sila. Hindi ko nagets yung sinabi ko basta iyon ang point ko.

"So ang sinasabi mong ipanlalaban natin ay ang pagiging kambal nila?" Tanong ni zachary.

"Parang ganun na nga. What do you think zachareus?" Nilingon ko siya.

"You have a point Vee. Let's trust her at this point brother" anito at tinapik sa balikat si zachary.

Gabi na at madilim na sa labas pero nandito pa rin kami sa library at inaayos ang ibang papers para sa kasong nireresolba namin. It was a stressful week for me. Halos wala na rin akong tulog. Pagod na ang buong utak ko.

BLANGKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon