CHAPTER 9

31 17 0
                                    

Nadatnan namin si sfrane sa apartment na naghuhugas ng mukha sa may lababo at halata dito na kanina pa umiiyak.

"Gurl anyare?" Tanong ni jiovanni. Hinila ko naman siya ng akmang lalapitan niya si sfrane. Pinanlakihan ko siya ng mata at mukhang nagets naman niya agad ang ibig kong sabihin. Kilala ko si sfrane ayaw niyang nagsasabi ng problema niya sa amin. Ayaw na ayaw niyang pinag uusapan si hondrae sa seryosong paraan.

"Magkuwento ka if you're ready" sabi ko dumiretso na sa kwarto ko. Sumunod naman sa akin si hailey at jiovanni para magpalit ng pambahay sa kanya kanya naming kwarto.

Papasok na sana kami ng biglang tumikhim si sfrane at nagsalita.

"Let's get wasted" aniya at pumasok sa kuwarto niya. Agad naman kaming nagpalit na tatlo kahit hindi namin alam kung saan ang venue namin. Basta ang alam lang namin, kailangan kami ni sfrane.

Pumara na kami ng taxi at habang nasa biyahe ay wala man lang ni isa sa amin ang umiimik.

"Manong pakihinto saglit sa malapit na convinience store" ani sfrane na wala man lang expression ang mukha. Bibili yata ito ng maiinom.

Nang huminto ang sasakyan ay si sfrane lang ang bumaba. Alam naman namin na gastos niya lahat eh. Oh diba siya na tong broken tapos kami lalamon lang.

"Pahawak ang mga to vee" sabi nito sa akin at inabot ang isang karton ng alak. Pinahawak naman niya ang isang plastic ng ice cubes kay hailey na nasa gilid lang din ng pintuan ng taxi at ang mga chips naman ay si jiovanni ang humawak dahil ito ang nasa gitna.

"Grabe mabubusog na naman tayo mga sis" bulong sa akin ni jiovanni kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

Huminto naman ang sasakyan sa lugar kung saan kami madalas magpunta nina sfrane noong panahong hindi pa kami masyadong busy. Dapat nga nagrereview ako ngayon kasi may assessment kami bukas eh. Pero hayaan mo na, magrereview na lang ako ng maaga bukas.

"Manong bayad" ani hailey at inabot ang pamasahe namin. Nakaramdam siguro na baka ubos na pera nitong si sfrane.

Bumaba na kami sa taxi at dumiretso sa spot na walang tao. Malaki ang park na ito. Karamihan lang na pumupunta dito ay may mga kasintahan pero hindi gaanong maraming tao ngayon. Kaya naman nang makarating na kami sa dati naming tambayan dito ay binuksan na namin lahat ng pinamili ni sfrane.

"Ang gago niya" ani sfrane sabay tungga ng isang can beer. Nagkatinginan naman kami nila jiovanni at uminom na rin.

"Gurl alam namin naguguluhan ka. Eh ano naman? Nasaktan ka eh" sabi ni hailey sabay lamon ng chips.

"Nasaktan kami" aniya at tumingin sa malayo.

"Love will always break two parties at once. What's new?" Sabi ko at kumuha na rin ng chips.

"Ganun talaga siz. Minsan mali ka madalas mali ka talaga" ani jiovanni. Binatukan naman siya ni hailey at masamang tumingin sa kanya.

"Ano ba. Sino bang kinakampihan mo?" Tanong ni hailey

"Eh si hondrae kasi naging honest lang naman sayo. Anong mali sa pagiging honest?" Sabi niya at sumulyap naman ng bahagya si sfrane sa kanya.

"Mag sesettle ka ba sa isang relasyon kung alam mong may kaagaw ka?" Tanong ko naman kay jiovanni na kanina pa namumulutan. Aba siya pa ata makakaubos.

"Yun yung point. Inakala mong wala na siyang pagmamahal sayo noong umamin siya na nafofall siya sa iba." Anito

"Bakit hindi ba ganon yon?" Malamig na tanong ni sfrane na nakatatlong can beer na.

"Hindi. Kasi kung ganon yun. Eh di sana hindi siya naging honest sayo. Umamin na nga siya sayo and yet pinagsaraduhan mo naman" aniya at uminom rin.

BLANGKOWhere stories live. Discover now