CHAPTER 12

25 15 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalilipas at ganun pa rin ang daloy ng buhay. Minsan kung suswertehin makakasagot naman ng maayos sa klase pero madalas mali kaya nakababagot na lang ang magsalita.

Kami naman ni ville ay ganun pa rin. Hindi pa rin siya mawawalan ng kung ano anong banat na nagpapakilig lagi sa akin. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na napakaespesyal ko sa kanya kaya hindi ko na rin matukoy minsan kung ano ba talaga kami. Siguro nasa open M.U lang. Nagkaaminan lang naman kami pero wala pa rin akong mabakas na manliligaw na siya. Ewan ko, its complicated.

"Hoy ang lalim na naman ng iniisip mo" halos mapalundag naman ako ng hambalusin ako sa balikat ni jiovanni.

"Oh ano na naman ba?" Pagsusungit ko.

"Paper works mo ate gurl. Focus, di mo pa natatapos oh. Akala ko ba this week na ang deadline niyan" aniya. Andito kami ngayon sa town's library. Grabe eto na ata ang pinakasikat na library all over the Philippines. Base kasi sa mga klase ng libro, andito din ang iba't ibang klase ng magazine na pinapublish ng mga state trend magazine companies throughout the world. Mayaman siguro ang may ari nito. Naisipan namin dito pumunta dahil mas madami at advance ang mga libro dito at kailangan din naman nitong tatlo na mag aral ng ilang libro para matapos ang project nila.

"Grabe ang cocomplicated ng libro dito" pagbasag ni sfrane sa katahimikan.

"I feel you girl. Pero ang angas lang kasi halos lahat ng kakailanganin nating sagot nandito sa mga libro and look at this, all the information are so legit. Like super wow" manghang mangha naman na napapalakpak pa si hailey. Kahit ako, hindi ko maitatangging napakaunique nitong library sa kahit ano mang library. Eto lang ang library na may underground which you can search for any historical books. Umaabot naman ito sa 5th floor and napag alaman naming bawat floor ay may kanya kanyang reading and writing site at napag alam pa naming kalat pala ang branches nito hindi lang sa Pilipinas. Nakakamangha talaga dahil pati mga upuan nila ay magiging komportable ka sa sobrang lambot at isa pa ay ang nag iikot na tila isang waiter na nagbibigay ng free coffee para sa mga nagtatagal dito.

"Basta ako. Ang kailangan ko ay bookshelves which consists law books para na rin sa future law firm ko" ani ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko.

"Kamusta kayo mga binibini?" Napalingon naman sina sfrane sa lalaking nagsalita. Hula ko ay may edad na rin ito dahil mukhang matanda na ang boses.

"Ah hello po lolo ano pa kailangan niyo?" Tanong ni sfrane. Walang gana naman akong napatingin sa matanda at tumingin din ito sa mga librong nasa harapan ko. Hindi naman siya mukhang pulubi. Normal na damit lang ng isang matanda ang suot nito at nakasalamin pa.

"Iha, law student ka?" Tumango naman ako at simpleng ngumiti sa kanya.

"Ah lo bakit po? Mahilig ba kayo sa lawyer?" Ani jiovanni kaya naman marahan siyang kinurot ni hailey. Napatawa naman ang matanda pero hindi ko na lang sila pinansin dahil hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko sa mga librong to. Litong lito na ako.

"Pwede ko bang mahiram yang dalawang libro na hawak mo?" Anito kaya naman napatingin ako sa kanya at sinulyapan ang dalawang librong hawak ko at ibinigay ito sa kanya nang may malawak na ngiti.

"Kunin niyo na po lo, Hindi ko naman po yata magagamit yan eh. Wala po akong maintindihan masyadong malawak ang sakop ng mga batas" sabi ko at mahinang napatawa. Nakangiti naman ito at tumango na lang at nagpasalamat. Umalis na ito na hindi man lang agad inalis ang tingin nito sa akin. Ano meron dun. Di ako mahilig sa matanda ah hahaha. Hoy vee pati matanda eh. Napakawalang hiya mo talaga.

Nang pare pareho na kaming nabagot ay inayos na namin ang mga gamit at agad nang nilisan ang lugar. Naglalakad na kami papunta sa isang malapit na resto para kumain ng hindi ko makapa sa bulsa ko ang ballpen ko at ang sticky note. Hinalungkat ko ang bag ko at hindi rin ito nahanap na loob.

BLANGKOWhere stories live. Discover now