CHAPTER 28

17 8 0
                                    

"Invited sa party ang mga batchmates natin" ani kuya zachary. He sipped unto his wine and looked at me.

"I don't think I'm ready to face them" ani ko at bumuntong hininga. Napag alaman ko kasing imbitado pala ang mga batchmates namin including teachers sa birthday ni lolo. Lolo leo is their number 1 investor. Ano na lang kaya ang magiging reaksiyon nila kapag nakita nila ako.

"You're friends are invited too" dugtong pa niya. Isa pa iyon, hindi ko alam kung paano ko sila haharapin after 5 years na hindi pagkikita.

"Engr. Sfrane Perez, and cabin crews named Hailey Sky and Jiovanni Chy" paglalahad ko ng mga pangalan nila.

"They're my friends" dagdag ko at ngumiti sa kanya. Kinakabahan talaga akong magpakita sa harap nila. Ni hindi ko nga alam kung makakatingin pa ba ako sa kanila ng diretso.

"Even Hans and Britney" singit niya. Umangat ang isang kilay ko habang nakatingin sa kawalan. Napahawak ako ng mahigpit sa wine glass ko.

"Hindi na ako magtataka kung imbitado pati ang tatay niya" ani ko na halos wala man lang kaemo emosyon.

"Everyone will be there Val" anito. 5 years ago, that university turns its back to me. Ano na lang kaya ang reaksiyon nila kapag nagpakita ako sa harap nila.

"I know." Maikli kong sagot.

"You're not vee. You're Valerie. Valerie Severino kang haharap sa kanila. Malakas, independent woman, matalino, maganda, elegante at higit sa lahat, may ipagmamalaki." anito at pasimple akong nginitian.

"You're right kuya. Hindi isang Cheezra Vee Mendonez ang magiging kaharap nila mamaya." taas noo kong tugon at sumipsip sa glass wine na hawak ko.

"That's right. Afterall, I'm going to announce you as the chief executive officer of S.G group. I'll even feature some of your modelling journey in New York." Ani lolo leo na kararating lang at sinaluhan kami ni kuya zachary sa sala

"You're support is very much appreciated lolo" sabi ko at nginitian siya. Mahina naman itong natawa gayundin si kuya zachary.

"You should rest now, mahaba habang party pa ang mangyayari mamayang gabi" ani lolo sa aming dalawa.

Umakyat na ako sa kwarto para makapagpahinga at pumunta naman saglit si kuya sa law firm dahil may aayusin lang daw ito.

~~~

ZACHAREUS' POV

"We're rich pero tignan mo naman sa akin pinakalat lahat ng invitations. Diba dapat mga event planners ang gumagawa nun" ani ko habang nagpapahinga sa sofa sa office ni Vax.

"Matatanggihan mo ba ang request ng lolo mo?" tanong nito at nagtanggal ng necktie.

"Come on men, I know you're tired too. How can you even say that?" sabi ko at mariing napapikit habang nakasandal sa sofa. Buong maghapon kaming nagpakalat ng invitations pagkatapos ay pagod na pagod kaming bumalik sa opisina. Bakit ba kami pinapahirapan ni lolo ngayon?

"I just can't refuse sir leo" anito at mahinang natawa.

"Nga pala Vax" pag iiba ko ng usapan. Napatingin naman ito sa akin habang umiinom ng malamig na tubig.

"Yesterday afternoon Valerie is out of sight. Yayayain ko sana siyang kumain sa labas kasama si lolo but she's nowhere to be found. Her phone is off too. That's strange" sabi ko. Napansin ko kasing wala siya maghapon sa bahay at sa condo niya.

"Did you ask her assistant?" tanong niya.

"Ang paalam daw sa kanya may pupuntahan lang. Pero ibang kotse niya ang ginamit niya at wala din naman daw nakatala sa schedule niya noong hapong iyon." sabi ko habang nakakunot ang noo.

BLANGKOWhere stories live. Discover now