EPILOGUE

20 7 0
                                    

Two months had passed. We are all busy with our works. Sina hailey at jiovanni ay nakabalik na sa byahe nila  at nadestino sila sa Macau. However, it seems like nasa getting to know each other pa lang sila ni kuya zachary but I can feel that they both like each other. Si jiovanni naman nananatiling nakikipagflirt lang dahil sabi niya ay magpapayaman na lang daw ito para may maibigay sa mga inaanak niya soon. Oh diba? Mas advance pa siya sa panahon.

Si Cedric at si Chloe ay madalas na ding lumalabas at napapansin kong masaya naman sila lagi sa tuwing nakikita ko sila. Kadalasan nga lang ay nagkakatampuhan ang mga ito dahil sa busy schedules ng isa't isa.

Si sfrane naman hindi ko alam kung tuluyan ng nakaget over kay hondrae. Madalas kinukulit siya ni kuya. Pinopormahan din niya ito kapag hindi siya busy sa lawfirm niya. Minsan pa nga ay naaasar na si sfrane sa kanya pero hindi pa rin niya maitago na kinikilig ito sa tuwing nagkakasama sila ni zachareus. Iba din kasi ang galawan ni zachareus eh. Masaya ako para sa kanilang lahat.

Samantala, eto kami ngayon ni Vax pinapagalitan ni lolo dahil lately lang niyang nalaman na nanliligaw ito sa akin.

"Kayong dalawa, bakit hindi niyo man lang pinaalam sa akin na may namamagitan pala sa inyo?" napayuko ako at napaiwas ng tingin.

Kita ko naman sina kuya zachary at zachareus sa likod ni lolo na pinagtatawanan kami kaya inirapan ko ang mga ito habang nakanguso.

"I'm sorry sir leo that we didn't tell you this for a while--

"Pero lo balak naman na namin ipaalam sa'yo eh, inunahan lang ako nila kuya" singit ko habang nagsasalita pa lang si Vax.

"Vax, mahal mo ba talaga yang dalaga namin?" tanong ni zachary na seryoso na ang tono ngayon.

"I love everything about her" tanging sagot lang niya na ikinapula ko naman.

"Nako nako nako...lolo oh kinikilig si val" singit ni zachareus kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Mahal mo pala ang apo ko eh bakit mo tinatago?" Ani lolo.

"We're just waiting for you to approve, sir. If I only have the decision I could've broadcast how much I love your grand daughter but I can't make it because we respect you and we want to tell you first" anito at humawak sa kamay ko.

Tumingin naman sa akin si lolo at kinindatan ako.

"Loloooo...payagan mo na kasi kamiii" nakanguso kong sabi.

"May tanong pa ako hindi pa tapos ang interview" anito.

"Ikaw ba kaya mong magluto?" tanong ni lolo.

"I lived at my condo for about 10 years and I'm the only one who cooks  my food" sagot nito.

"Mabuti naman at malulutuan mo ng pagkain itong apo ko. When she craves food give her everything she wants" anito habang nakatingin lang kay Vax.

"I'll give everything I have" anito. Tumingin ako kina kuya na magkayakap na sa likod ni lolo at parehong kinikilig. Patago naman akong napangiti.

"Paano kung paiyakin mo lang ang apo ko?" tanong nito ulit.

"It would be tears of joy" sagot niya at tumango tango naman si lolo.

"What if you broke her heart?" tanong niya ulit.

"You have all the rights to sue me, sir. Put me in jail and give me a life sentence" halos magbugbugan na sa likod ni lolo sina kuya nang sagutin iyon ni Vax. Hindi ko alam kung gaano na ako kapula ngayon dahil sa mga sinabi niya.

"Well then, I'll let you court her in once condition" sabi ni lolo at tumikhim.

"Anything sir" anito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BLANGKOWhere stories live. Discover now