CHAPTER 24

18 12 0
                                    

VALERIE/VEE'S POV

Nagising ako sa sarili kong kama. Ang sakit ng ulo ko at parang nanghihina ako. Ano bang nangyari kagabi? Masyado ba akong nalasing? Nag inat inat lang ako tyaka ginawa ang aking morning routine sa banyo. Nagpalit lang ako ng blue jumpshort at lumabas na ng kwarto habang inaayos ang buhok ko.

"Good Morning Val" rinig kong sabi ni lolo kaya naman napalingon ako at kitang kita ko ang pagtitig nilang lahat sa akin. They're having their breakfast, sina lolo at yung kambal kasama yung dalawang lalaking kasama nila kagabi. And ahm...teka anong ginagawa niya dito? Nanlaki ang mata ko ng mapatingin din ito sa gawi ko kaya akmang pupunta na sana ako sa pool area ng tumikhim si lolo

"Hindi ka ba sasabay sa amin apo? Or do you still wanna have some rest" inayos ko ang sarili ko nang hindi pa din lumilingon sa kanila.

"A-ah yes lo, of course. Sasabay na ako" pag aalinlangan ko at hindi man lang sila tinapunan ng tingin. Tumabi ako kay kuya zachary at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ko. Halos wala man lang umiimik sa kanila hanggang magsalita na si lolo.

"How's new york apo?" Tanong sa akin ni lolo kayat saglit lang ako sumulyap sa kanya.

"Good, Lo" ani ko at nginitian siya. Hindi naman ako mapakali dahil alam kong nakatitig ang tatlo sa akin. Bakit ba kasi bigla bigla na lang akong humahalik? Hays malay ko ba kasi.

"Mabuti naman. Nga pala Val I want you to meet this two lawyers in town na kasa kasama ng mga kuya mo--

"Ops bunso din ako lo" singit ni zachareus.

Mahinang natawa si lolo. "Alright, alright" anito at itinuro naman ang dalawang lalaking ipinapakilala niya sa akin.

"The one who is infront of you is Atty. Cedric Jasper Ledesma. Cedric this is my grand daughter Valerie" anito

Kumindat naman sa akin si Ced at nginitian ako. "Nice to meet you. Just call me CJ if you want to" anito at ngumiti tyaka nakipagkamay sa akin.

"Ced will be fine" sabi ko at ngumiti sa kanya na kanina pa ngiting ngiti sa akin. Pangit naman ang tingin sa kanya ni zachareus na animo'y diring diri sa inasta niya.

Saglit akong sumulyap kay kuya zachary at masama akong tinitigan. Ano bang problema nito? I slightly rolled my eyes on him.

"And infront of your kuya zachary--"biglang tumikhim ang lalaki. Hindi naman ako mapakali na baka kung anong sabihin niya kay lolo. Kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin.

"Atty. Xion Vax Aryzqova" anito at inabot ang kanyang kamay. Nakipagshake hands ako sa kanya ngunit napapaiwas pa din ako ng tingin dito. Its so awkward.

Nginitian ko ito. "Valerie" sabi ko at agad rin umiwas ng tingin.

Nagpatuloy na kami sa pagkain ng bigla namang tumikhim si kuya zachary.

"Lo may ginabing inuwi kagabee" pang aasar nito habang kumakain.

Napahawak ako ng mahigpit sa kutsarang hawak ko. Kuya zach mapapatay talaga kita. Anong pinagsasasabi moooo.

"Sino kaya yung lasing na inuwi kagabi?" dagdag pa niya kayat nabulunan ako.

" *cough* *cough* t-tubig" sabi ko at agad naman akong inabutan ng tubig ni Ced so I smiled at him.

Tumingin naman ako kay lolo na nakakunot ang noo.

"Sino? Zachareus!?" singhal nito at masamang tinitigan si zachareus.

"Bakit ako lo? I was in the office the whole time. Pinainom pa nga kita ng gamot kagabi eh" paliwanag niya at tumingin sa gawi ko.

Mariin akong napapikit ngunit sa isip ko'y ilang beses ko ng sinaksak ng tinidor si kuya zachary.

BLANGKOWhere stories live. Discover now