Epilogue

107 1 3
                                    

Wow, just wow. Ang bilis ng mga pangyayari. Kanina lang nag-text si Dan na ngayon ang flight niya. Kasama ko si Arvin sa loob ng bahay namin, nakaupo siya sa sofa, nanuod ng tv.

“It’s quite a year that ended, alam mo ‘yun?” nasabi ko.

 “Alam ko, napaka sobrang daming nangyari. Si Dan, pagkahanap kay Aaron,”

Napabuntong-hininga si Arvin, pinatay niya ang tv.

“Hindi ba natin ihahatid man lang si Dan sa airport?” tanong ko.

“Tinanong ko na, ayaw magpahatid. Baka raw mahirapan lang siya kung makikita pa tayo.”

“Eh sila ni Georgina, nagkausap pa ba ulit sila?”

“Ewan ko. Pero, ayaw ko na silang pakialaman. Bakit hindi nalang natin sulitin ang oras natin, labs?”

Natawa ako. Labs pa tawag niya sa akin.

“Oo nga ano. Sa dami ng mga nangyari, ngayon palang natin masosolo ang isa’t isa.”

“Arvin, do you think we can still work out their relationship?” tanong ko.

“Oo naman, bakit? What’s wrong?”

“I mean not ours, theirs. ‘Yung kay Georgina at Dan,” sabi ko.

“Colleen, kung choice nila na lumayo sa isa’t isa, ‘wag mo nang pakialaman.”

Tumungo ako. Tama si Arvin, hindi na dapat ako nangingialam.

“Bakit ba masyado kang concered sa kanila?”

“Nothing, I’m just scarred.”

“Then don’t be. They’re strong, they’re legal adults, they can do that.”

“People deserve second chances right?” tanong ko. Tumungo naman siya.

“Sana, abutan si Dan at Georgina ng second chance,” nasabi ko.

“Eh tayo?” tanong ni Arvin. Tiningnan ko siya sa pagtataka. Hindi naman kami nagkaaway ah?

“You’re willing to give us a second chance kahit maging ibang tao na ako?”

Nasorpresa ako sa tanong niya pero tumungo ako.

“Arvin, kahit sino ka pa, alam mo namang mamahalin padin kita.”

Niyakap niya ako, at niyakap ko nang mas mahigpit pa.

“Basta, ipakilala mo sa akin si Arvin ha.” sabi ko habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya. Narinig ko siyang tumawa at umalog ang balikat niya.

“Makikilala mo siya, paunti-unti nga lang.”

END of Book 2

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon