11

95 1 6
  • Dedicated to Anne Constantino
                                    

Simula noong malaman ng mga kaklase kong kumakanta ako, binabato nila ako para sa mga intermission number ng mga small program ng school. Dahil magpe-perform na naman ako, nag-stay ako sa school for a practice. Inipon ang mga singer ng school at kakanta kami sa isang event, event daw 'yun para mas makilala ang school namin.

Ayos na rin ito para may ibang ginagawa ako bukod sa pag-iyak at pagiging malungkot. Kailangan ko rin sigurong libangin ang sarili ko.

Gabi na at kailangan ko nang umuwi. Ang nakakainis lang, wala akong dalang payong. Nasa gate ako ng school, hinihintay na tumila ang ulan pero mukha namang impossible.

May nag-park na itim na sasakyan sa harap ko. Sasakyan ni Dan. Kilala ko na ito dahil sa paulit-ulit kong pagsabay sa pag-uwi nila ni Georgina.

"Sakay na!" sigaw niya. Ayaw ko sana pero naisip ko, kung gusto kong makauwi ng maaga, kailangan kong sumabay sa kanya. Pumasok ako agad-agad ng sasakyan niya.

"Bakit ka pa nandito?" tanong ko.

"Inutusan ako ni Georgina na daanan ka."

"Ha? Si Georgy? Bakit?"

"Alam kasi niyang may practice ka at ayaw niyang umuwi kang mag-isa."

"Ang sweet naman ni Georgy,"

"Ako? Hindi mo sasabihang sweet? Nag-drive pa ako mula sa Dasma para sunduin ka lang."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Oo nga, kanina pa ang uwian niya. Nag-effort siyang bumalik ng school para lang masundo ako. Nanahimik nalang ako at lumarga na kami.

Sinabihan ako ni Dan na buksan ang soundtrip. Nasa isang lalagyan ang Ipod niya, kinuha ko iyon at pinili ang paborito kong kanya, "Nothing's Gonna Stop Us."

"Oh, boses ko 'yun ah?" pansin ko.

Maya-maya'y narinig ko ang boses ni Arvin. Tahimik si Dan. Bakit may kopya siya ng pagkanta namin?

"Kinuha ko 'yan sa Youtube, kahit medyo nakakainis dahil si Arvin ang kapartner mo diyan. Pinapakinggan ko 'yan kapag nami-miss kita."

Kinikilig na naman ako kahit hindi dapat. Tinago ko ang ngiti ko.

"Dan, gusto mo parin ba ako? Kahit na naging boyfriend ko na si Arvin?" tanong ko.

Tinitigan niya ako. Ito na naman ang maamo niyang mata. Buti nalang, traffic.

"Oo, gusto parin kita pero kung ayaw mo na sa akin. Ayos lang." sagot niya na para bang isang simpleng bagay lang ang pinag-uusapan namin.

Tumingin ako ulit sa kalsada, go na. Nagulat si Dan noong nagbusina na ang mga sasakyan sa likod namin.

"Colleen, kapag tuluyang break na kayo ni Arvin, nandito lang ako ha." sabi niya habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.

"What do you mean nandito ka lang?"

"Alalay, panyo, unan. Kahit ano, basta. Alam mo na 'yun. Nandito lang ako lagi para sa 'yo. May internet naman eh."

Napangiti tuloy ulit ako. Nakangiti rin siya habang nagda-drive. Hindi siya nakatingin sa akin pero ayos lang. Focused padin kasi siya sa pagda-drive.

"Basta, pag nag-break kayo ni Arvin ha," sabi niya. Nakangiti siya, nagbibiro.

"Huwag mo naman ipagdasal 'yun."

"Sana, pero hindi ko mapigilan eh. Kung saan ka masaya, doon na lang din ako."

"'Di ba sinabihan kitang layuan mo ako?" tanong ko.

Tumungo lang siya, naka-focus padin sa kalye ang mga mata.

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Binabawi ko na. Miss na kita."

Hindi ko tiningnan si Dan, tahimik lang siya. Pinatay ko ang tugtog, tanging ang tunog ng sasakyan at patak ng ulan ang naririnig ko.

"Sana, sana alam mo ang mga sinasabi mo." malungkot ang tono ni Dan.

Wala akong nasabi. Nalulungkot ako. Ayaw na ba sa akin ni Dan? Hindi ba kami puwedeng maging magkaibigan man lang?

Naging tahimik ang paghatid niya sa akin hanggang sa bahay. Ordinaryo sana ang araw na ito, pero naging kakaiba ito dahil hinalikan ako ni Dan bago ko bumaba ng sasakyan niya. Ang pinagtataka ko sa sarili ko, bakit hinayaan ko siyang halikan ako.

+++

"Georgy, tanda mo 'yung mga kuwento mo sa akin about kay Dan? Puwede bang kuwentuhan mo pa ako?" pangungulit ko habang naglalakad kami papuntang lobby.

"Paanong kuwento ba?"

"Uhmm, basta dagdagan mo 'yung alam ko na."

Napatitig ako sa paligid. Baka mamaya, biglang sumulpot si Dan. Nasa iisang school pa nga pala kami.

"Ako pala muna ang may tanong," sabi ni Georgina. Tumungo naman ako. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Tumigil kami sa hallway.

"Hindi ka ba natatakot na masaktan mo sila?"

Sila, si Arvin at si Dan.

Tumingin ako sa mga mata ni Georgina. Wala pa akong nasasabi pero nagsalita agad si Georgy.

"I know the answer! There's no need to tell about it. I think, that's the reason why you want to hold on to the two of them. You don't want anyone to get hurt."

Napatingin ako sa sahig. Parang gusto kong umiyak. Tama siya. Ayaw kong makasakit kaya pakiramdam ko naiipit ako. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Mahal ko sila pareho. At seryoso 'yun.

"Colleen, ang isang tao ba, kapag nagmamahal tinatanggap padin ang flaws?" tanong ni Georgina pagkalabas namin ng campus.

"Oo naman. Kapag nagmahal ka, perfect sa paningin mo ang mahal mo."

"Kahit nakapatay siya ng tao?" tanong niya. Napatigil ako.

"Bakit? Nakapatay si Dan?!" paranoid kong tanong.

"Loka! Hindi, pero paano nga kung nakapatay si Dan? Mamahalin mo parin ba siya?"

"May boyfriend na ako 'no!" sagot ko.

"Tsk tsk tsk tsk! Bakit, kayo parin ba?" biglang tanong ni Georgina.

Naalala ko, cool off na naman pala kami ni Arvin. Paano ba naman kasi si Dan, sinabi kay Arvin ang nangyari. Tumawag ng galit, nakipag-cool off na naman.

"Bakit ba?" inis ang tanong ko.

"Wala, kasi palagi kang ganyan eh. Kapag tinatanong kita tungkol kay Dan, change topic agad. Napupunta sa boyfriend mong si Arvin."

"Umuwi na nga lang tayo!" sigaw ko. Nakakainis. Gusto ko lang naman magtanong ng mga bagay tungkol kay Dan, napunta sa akin ang usapan.

"Uhmmm, Colleen, seryosong usapan. Punta ka sa bahay nila Dan bukas."

"Bukas? Saturday bukas 'di ba?"

Tumungo si Georgina, mukhang kinakabahan pero hindi ko nalang pinansin.

"May sasabihin si Dan na importante sa 'yo."

Tiningnan ko siya, gusto pang magtanong pero hindi ko alam ang itatanong ko. Baka magalit si Arvin kaya ayaw kong pumunta.

"Bakit pa kailangang sa bahay pa ni Dan? Bakit hindi nalang niya sabihin ngayon?"

"He's dying to tell you that your relationship started with a bet."

Napatakip si Georgina sa bibig niya.

"Oh my God, I said it!"

"Ano? Bet?"

Umiwas si Georgina ng tingin, dahan-dahang tumungo.

"Pakiulit, Georgy." utos ko.

Nagbuntong-hininga siya bago sumagot. "Pinagpustahan ka namin ng barkada ni Dan. It's a long story actually..." sagot niyang biglang kinabahan.

"It's not my duty to explain, okay? Let Dan tell the story."

Nakatunganga lang ako sa kanya. Pustahan? Seryoso?

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now