15

104 1 3
                                    

Noong bumitaw siya sa yakap ko, nagpasalamat lang siya. Naglakad siya paloob at sumunod nalang ako. Umakyat kami papunta sa isang malaking kuwarto. Kuwarto pala ni Dan, ni-lock niya pagkapasok namin. Nanlalamig na naman ang mga kamay ko.

Pagkapasok ko, may mga musical instruments na nakadisplay ng maganda. Sa isang sulok ay malaking tv, nakakalat sa sahig ang Wii at mga original DVD. Binuklat ni Dan ang carpet na kinapapatungan ng musical instruments niya. Nakatingin naman ako doon sa isa pang pinto bukod sa pinasukan namin.

“Iyan ang pinto papunta sa kama ko,” sabi niya habang may kinkalikot sa sahig.

“Gaano kalaki ang kama mo? King size bed?” pagbibiro ko.

“Queen lang,” sagot niya at ngumiti. May pinihit siya at maya-maya’y bumukas ang sahig. Sa loob nito ay isang hagdanan pababa at madilim.

“Natatakot ako,” sabi ko.

“Huwag kang mag-alala, saglit lang ang madilim na part tapos, ayos na.”

Tumingin ako sa kanya. Bababa ba kami diyan?

“Gusto mo bang ako ang mauna o ikaw?”

“Ikaw nalang, susunod nalang ako kahit natatakot ako.” sabi kong nanginginig na ang boses.

Madilim nga pababa. Inaasahan kong amoy lupa o amoy tago ang baba dahil isa itong basement pero wala, amoy kahoy lang ito. Isang mamahaling kahoy pa nga. Sa pinakababa ay may isang pinto, kumuha si Dan ng susi mula sa bulsa niya at ginamit iyong pangbukas. Dahan-dahan akong naunang pumasok sa loob. Nagulat ako noong bumungad sa harapan ko ang isang malaking puting kuwarto. Maaliwalas ito, may mga limang couch na iba’t iba ang kulay at may isang malaking kama sa isang gilid. Basta nalang nilagay ang mga furniture nito. Sa isang gilid at tila may isang maliit na kitchen na may refrigerator din. Sa isang tabi ay may lcd tv na nakadikit sa pader, mas maliit ito kaysa nasa kuwarto ni Dan. Katulad ng nasa itaas, may kalat-kalat na DVDs at nasa isang sulok ang PS3. Sa gilid ng irregular shaped room ay mga gamit na nakatakip ng puting kumot.

Napatingin ako noong may bumukas na ibang pinto. Dalawa ang pinto ng basement. Pumasok ang mga kabarkada ni Dan, kasama si Georgina. Huling-huling pumasok si Arvin.

“Wow, dinala mo siya dito.” kumento ng isa sa kanila, ang pinakamatangkad. Tiningnan niya ako at ngumiti. Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti pabalik o ano.

“Welcome to the basement, Dante Santos Jr. style.” sabi ni Georgy. Ngumiti siya sa akin at umupo sa isang couch na kakulay ng blouse niya na lime green.

“What’s with the meeting, president?” tanong ng isa, singkit siya at tonong Chinese mag-English.

“Colleen, meet my friends. This is Edward, puwede rin namang Cheng Ye.”

Nag-bow si Edward sa akin na nakangiti, bow ng Chinese. Napa-bow din tuloy ako. Sunod kong naalala at nakilala si Anthony, iyong malaking lalaki na pumansin sa akin. Sa isang tabi ay nandoon si Errol, nakaupo at nakikinig sa Ipod niya. Nakipag-shake hands siya at mukhang walang pakialam sa mundo.

Nginitian ako ni Mitchel at nagsabing “Kung puwede lang, inagaw na kita kay Dan at Arvin, ngayon alam ko na kung bakit ayaw ka nila pakawalan.”

Tumingin si Mitchel kay Dan at Arvin na nasa magkabilang side ng kuwarto. Hindi ito pinansin ni Dan.

“Bakit nandito ang girlfriend ni Arvin, Dan?” tanong ni Anthony. Nag-iba ang mata ni Dan na para bang kinamuhian niya ang pangalan ni Arvin.

“Kailangan nilang mag-usap ni Arvin,” sagot ni Dan.

“Oh, ‘yun lang naman pala eh. Bakit kailangan mo pa kami?” tanong ni Mitchel.

“Time to spill out Dan, may problema tayo.” singit ni Georgina.

Tahimik lang si Arvin sa isang tabi, nakita kong papalapit sa akin.

“Ano ‘to? Bakit may ganito?” tanong ko kay Arvin. Nadala si Dan at ang mga kaibigan niya sa pag-uusap. Kaya hindi ko na naisipang makinig. Tinanong ko naman nang tinanong si Arvin.

“Hideout ang tawag nila dito. Dito sila naglalabas ng kulo. Dito nag-uusap kapag may problema o kaya dito sila tumatakbo kapag gusto lang nilang tumakas.”

Napatingin ako kay Arvin dahil hindi ko agad makuha ang gusto niyang sabihin.

“Lahat ng mga iyan, anak ng mayayaman at kilalang tao. Nabubuhay sila sa pressure, ginawa ni Dan ang hideout na ito bilang ‘hideout’ nga. Tambayan namin ito noon pa man.” pagpapatuloy ni Arvin.

“Close kayo ni Dan?” tanong ko.

“Parang ganoon na nga pero mahabang kuwento,” sagot ni Arvin sa mahinang boses.

“Ayos na ang problema mo, Dan.” pansin ni Mitchel habang nakatingin sa amin. Umupo sa isang couch at nagbuklat ng isang magazine. FHM. Binaling ko ang tingin ko sa ibang bagay at hindi sa magazine na iyon.

“Guys, let’s spill out.” sabi ni Georgina.

“Ano’ng spill out?” tanong ko kay Arvin.

“Ito ang parte kung saan nagkukuwentuhan sila ng kanya-kanya nilang problema. Ang iba nagiging taga-payo.”

“Matagal na ba ito?” tanong ko. Dahil sa hideout na ito, mas napatunayan kong talagang madami pa akong hindi alam tungkol kay Dan, pati na rin kay Arvin.

“Oo, matagal na. Sa susunod nalang ang kuwento kung paano ito nabuo.”

Tumungo ako. Pagtingin ko sa paligid, nakahiga si Dan sa kama at kanya-kanyang puwesto sila.

“Soundtrip nga!” sigaw ni Dan. Binitawan ni Mitchel ang ipod at kinabit sa isang speaker. Maya-maya’y umingay ang kuwarto. Niyaya ako ni Arvin na umupo sa isang couch, magkahawak kami ng kamay.

“Ano’ng gagawin natin dito?” tanong ko, humigpit ang hawak.

“Tatambay,” sagot ni Arvin at ngumiti. Tumingin ako ulit sa paligid dahil gusto kong malaman kung bakit ako tatambay kasama ang ex at mga kabarkada ng ex ko.

“Mas gusto mo ba sa taas na maingay at puro matatanda?” tanong ni Arvin. Napailing ako. Mas gugustuhin ko dito sa ilalim na kasama siya.

“Just So You Know nga,” sigaw ni Dan habang nakahiga. Tumayo si Mitchel at nilipat ang kanta ng Ipod touch niya.

Ibang-iba ang Dan na nakikita ko. Siga, sinusunod nila. Maya-maya’y umupo si Georgina sa malaking kama.  Tumabi kay Dan. Bumangon si Dan habang kumakanta. Napatigil ako dahil galing sa puso ang pagkanta niya. Kahit may vocals ang mp3 na pinapakinggan namin, nangingibabaw padin boses niya.

Napahigpit ako ng hawak sa kamay ni Arvin noong nagsimulang tumingin si Dan sa akin. Pakiramdam ko’y sapul sa akin ang lyrics.

“Just so you know

This feeling's takin' control

Of me and I can't help it

I won't sit around

I can't let him win now

Thought you should know

I've tried my best to let go

Of you but I don't want to

I just gotta say it all before I go

Just so you know”

Maya-maya’y sumunod na rin si Arvin sa pagkanta. Para silang nagpapalakasan ng boses pero pareho paring nasa tono. Nagkakatinginan kaming nasa kuwarto pero ang totoo, ako lang ang tinititigan nila. Lalong-lalo na si Georgy, alam niya kung ano ang ginagawa ng dalawang ito. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Arvin.

Kumakanta silang dalawa, tila nagsasagutan. Nagsasagutan sa isang kanta, para sa akin.

“Game, spill-out time.” sabi ni Dan matapos kumanta. Hindi pala kanta, sigawan nila ni Arvin. Tumigil ang tugtog. Lahat sila ay tumigil sa mga ginagawa nila.

“I’ll start this sh*t.” sabi ni Georgina.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now