36

81 1 2
                                    

My final exams went well and I am already on summer vacation. First year ended that way. Si Arvin naman, palaging nagpapasama sa bahay nila. Nagpaalam si Arvin para maligo, init na init na raw siya sa katawan niya kaya nanatili ako sa kuwarto nilang kambal.

“Hi,” bati ni Aaron sa akin. Magkamuha talaga sila ni Arvin, mas payat lang talaga siya at ang araw sa probinsiya ang may kagagawan sa kulay ng kanyang balat.

“Uhmmm, hello.”

Umupo siya sa tabi ko, sa kama kasi ako nakaupo.

“Ikaw pala ang girlfriend ng kambal ko.”

“Ako nga.”

“Gusto kitang kausapin,” sabi niya.

“Tungkol s’an?” tanong ko, kunwari ‘di ko alam. Siyempre, tungkol kay Arvin.

“Si Arvin,”

“Ano’ng tungkol kay Arvin?”

“Pasayahin mo siya ha, kahit hindi naman niya sabihin alam kong may galit padin siya sa akin eh.”

“Galit?” tanong ko, napatitig sa kanya.

“Galit, selos. Basta.”

Ngumiti siya at naramdaman kong parang totoo ang ngiting iyon. Hindi misteryoso katulad ng kay Arvin.

“Tatayo na ako, baka magselos pa ang kambal ko.” Tumayo si Aaron at lumabas ng kuwarto. That one was weird.

Okay, recap. Nawala si Aaron, six years old sila noon. Inanod sa ilog, akala ng pamilya niya ay nalunod kaya itinigil nila ang paghahanap. Arvin became Aaron, the perfect one of the twins. He lived in academics. He became moody, cold and mysterious. Arvin never gave up on searching for Aaron. Dan and Georgina are helping him too. Nahanap ni Georgina, nakabalik. Masaya si Arvin, masaya ang pamilya niya pero may parte si Arvin na hindi masaya. Malaki ang attensyong mawawala sa kanya dahil bumalik na si Aaron. Tapos na ang pagiging Aaron ni Arvin dahil bumalilk na ang totoong Aaron. Ngayon, nasaan na si Arvin? Ang tunay na Arvin?

Dahil may tira pa akong allowance, nakaalis ako ng bahay noong nagyaya si Georgina. She asked me to hang out at out coffee shop, sa KC cafe. I texted Dan on purpose para magkausap sila.

Georgina’s talking about his boyfriend, the guy that swept her off her feet. Mukhang in love nga si Georgina, ano pa bang magagawa ko? Kaso, sakto namang dating ni Dan at umupo sa table namin.

“Hi girls,” bati niya. Kita kong nagte-text kunwari si Georgina.

“George, can we talk?” tanong ni Dan.

“There’s nothing we can or should talk about.”

“George, please.”

“Please what?”

“Give me a second chance.” sabi ni Dan.

“Uhhhhh, aalis muna ako.” sabi ko patayo na sana pero hinila ako ni Dan paupo ulit.

“Diyan ka lang, Colleen. Gusto kong may witness sa mga makakarinig ng sasabihin ko.”

“Georgina Dela Cruz, nagkamali ako noong sinabi kong hindi puwede, puwedeng-puwede naman talaga. Sorry, ang tanga ko. Nasa harap na kita, tinalikuran pa kita.” seryosong pagsasalita ni Dan.

Si Georgy naman, nakatingin padin sa cellphone. Parang naiiyak na rin.

“Walang hiya, Dan! All this time that I am pinning for you, wala kang ibang bukambibig kung ‘di Colleen. I tolerated that kahit masakit. You know what, I think I don’t need to stay with people who’ll keep on hurting me.” madiing tugon ni Georgina.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now