16

90 3 0
                                    

Sinimulan ni Georgina ang spill-out. Kinakabahan padin ako dahil sa awkwardness ng kwartong ito.

“The reason why Dan’s dad is not present here is because he’s dating my mom.”

Napanganga ako sa sinabi ni Georgy. Tila ako lang ang nagulat sa balita. Tinitigan ko ang mga mukha nila, lahat sila nag-iisip.

“Totoo nga ang tsismis,” si Anthony.

“Woah, another set of scandals.” si Mitchel.

“Bukod sa sex tape mo?” biro ni Errol, tumawa sila. Nagulat naman ako. Nakita ni Dan ang expression ko.

“May newbie nga pala tayo,” pagpansin ni Dan. Tumingin ako kay Arvin, humigpit ang hawak  niya sa kamay ko at ngumiti. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

“Dan, wala bang initiation sa newbie?” tanong ni Anthony. Tiningnan ko si Georgina at napapailing siya.

“Oo nga, unfair naman kung wala.” si Edward. Narinig ko ring mag Tagalog. Parang si Dan lang magsalita.

“Pag-iisipan ko pa,” sagot ni Dan. Kinabahan ako lalo. Ano’ng klaseng initiation ba ang ginagawa nila dito? Katulad ba ng mga brutal na frat? Kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Tsaka, bakit nga ba ako nandito? Hindi ba, gusto lang ni Dan na makapag-usap kami ni Arvin?

“Back to our spill-out, b*thces.” si Georgina. Tumingin kami kay Georgy at nagpatuloy siya.

“The date, the weird adultery thingy between my mom and Dan’s dad is something that causes the… you know… angered woman.”

Napatingin sila nang sabay-sabay kay Dan.

Angered woman? 

Napabuntong-hininga si Dan. Tapos, napansin kong tumingin si Anthony sa akin.

“The very reason why Dan and Colleen broke up, the angered woman.” pagsasalita ni Georgina sabay tingin sa akin.

“Nakakainis iyong tatay ko. Sa dinami-dami ng babae sa mundo, nanay pa ni Georgina.” inis na sabi niya. “Idagdag mo pa ang mama ko.”

Alam kong malungkot ang tono ni Dan. Gusto niya sigurong magalit pero hindi niya magawa. Bakit? Ano’ng pumipigil sa mga nararamdaman niya? Mas magulo pa pala ang buhay ni Dan kaysa sa inaakala ko.

“Seryoso?” tanong ko. Napalakas yata boses ko. Tumingin sa akin si Dan na para bang napaka-inosente kong bata.

“Seryoso.” kalmadong sagot niya.

“Bakit? Wala akong maintindihan. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito eh,”

Hindi ko alam kung bakit ko ba iyon nasabi.

Humigpit ang hawak ni Arvin sa kamay ko. Pareho kaming pawis ang kamay.

“Welcome to Dan’s world, Colleen. Alam kong nakakabigla pero this is the reality. People all have secrets.” sagot ni Georgina.

Tumingin lang ako sa kanya at kay Arvin. “Ganito sa mundo nila, mas magulo sa nakikita mo.” pagdugtong ni Arvin. Lumuwag ang hawak niya sa kamay ko, tila ba nagsesenyas na mag-relax ako. Tumungo nalang ako.

“Don’t be shocked if one day, you’ll see Dan naked on the streets. Si Dan at Georgy ang pinaka-controversial sa grupong ito.” sabi ni Anthony at tumawa. Tumawa rin ang iba.

“Well, we have Georgy taking Psychology. We also have Colleen. May pasyente na kayo agad ha? Nakalista na kami ha.” si Mitchel. Alam kong nagbibiro siya pero seryoso ang tono niya.

“Back to the spill-out,” naiiritang pagpapaalala ni Dan.

“Wait, Dan! Colleen, welcome! You’re seeing the real Dante X. Santos, Jr.” masayang sigaw ni Georgina.

Napatingin ako kay Dan, tumitig din siya sa akin pero may kakaiba. Nakangiti siya, hindi ngiting sweet pero ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Ngiti niya bilang siya, ang totoong siya.

“Game, back to our topic.” sabi ni Georgy. “Imagine how it sucks to have your bestfriend’s dad f*ck your mom.”

“So grosssss, ewwwww!” si Mitchel, ginaya ang tono ng isang babae.

“Ayos ka lang, boy?” tanong ni Anthony kay Dan.

“Sana,” tipid na sagot ni Dan, malungkot ulit ang mukha.

“Who else will spill?” tanong ni Georgy.

“Kulang tayo Dan, nasa rehab si Dylan.” kuwento ni Anthony.

Sabay-sabay na nag-react ang mga lalaki pati si Arvin sa gulat.

“Dagdag pabigat sa buhay talaga si Dylan,” si Errol.

“Sino si Dylan?” tanong ko kay Arvin.

“Kabarkada rin namin dito.”

May kakaiba sa salitang namin. Ibig sabihin, kasama talaga si Arvin dito. Hindi siya basta saling pusa. Matagal na kaya silang magkakakilala?

“I have to spill out something too, guys.” Si Mitchel. Napansin kong maingay siya talaga.

“I am finally in love with a girl but having her is impossible,”

Natahimik ang lahat. Tumingin sa akin si Mitchel. “She’s inside this room.”

Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa titig niya sa akin.

Maya-maya’y may lumipad na kahoy papunta kay Mitchel, hindi ko alam kung saan galing iyon. Nakatingin silang lahat sa direksyon namin. Si Arvin pala ang nambato sa kanya.

“Chill, dude. Joke lang.” depensa ni Mitchel.

“Hindi magandang biro, Mitch.” umirap si Georgina matapos sabihin iyon.

“Guys, I bet you need some rest or time for yourselves. Lalo ka na Dan. You need to sleep. Let’s stop the nonsense.” nagsalita si Anthony.

Sabi ni Arvin sa akin kanina, siya raw ang tumatayong kuya ng grupo. Humiga si Dan sa kama. Bumalik sila sa kanya-kanya nilang gawain.

“Colleen, puwede mo ba kaming kantahan?” tanong ni Georgina.

Nandito ako, hindi alam ang ginagawa dito tapos kakantahan ko pa sila?

“Please, just for Dan to be asleep. He badly needs rest.”

Tumingin ko kay Arvin, nakangiti siya at tumungo. Isang senyales na dapat ay gawin ko. Sinimulan ko ang pagkanta ng “True Colors” dahil nakikita ko na ang tulay na kulay ni Dan. Nakahiga si Dan sa hita ni Georgina. Naglalaro ang mga daliri ni Georgy ang buhok ni Dan, hinihimas-himas ang ulo nito na parang bata. Pampatulog daw ni Dan iyon.

Noong makatulog na si Dan, kinuwento ni Georgy ang childhood ni Dan, mukhang ako lang ang interesado. Insomiac si Dan, bihirang-bihira ang makatulog sa kanya ng maayos. Bugbog din sa palo si Dan, ayon sa kuwento ni Georgy dahil authoritarian raw ang parents niya. Sabay-sabay nilang binuo at pinlano ang hide-out na ito para na rin daw sa kanila. At katulad ng sinabi ni Arvin kanina, dito sila naglalabas ng kulo at sama ng loob. Dito rin sila nagpapahinga kapag gusto muna nilang takasan ang magulong mundo sa labas.

Habang tumatagal ay naging kumportabe rin ako. Nakatulog na rin ang iba sa kanya-kanya nilang couch samantalang si Errol na halos walang imik kanina ay busy sa paglalaro ng laptop. Malaki ang headset niya kaya wala siyang pakialam sa mundo. Nakakatuwa dahil kahit nasa underground kami, may internet padin sila.

Lumabas si Arvin kanina lang. Noong nawalan na ako ng gagawin naisipang kong lumabas at sundan siya.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now