9

109 1 2
  • Dedicated kay Sherilyn Bagsik Diaz
                                    

Matapos ang sigawan namin sa tapat ng Jollibee Molino, nagkabalikan kami ni Arvin. Masaya na naman ako at tila napakaaliwalas ng paligid ko. Ganito nga yata pag-in love, tila napakaganda ng mga bagay-bagay.

Mabilis na tumakbo ang araw. Last Friday na ng September, magkikita ulit kami ni Arvin. Um-order ako ng isang Frappe at umupo sa isang couch ng Starbucks. Napansin kong nahihilig si Arvin sa kape dito. Kahit mahal, sige lang.

Dahil ang Starbucks sa loob ng MOA ang madalas naming meeting place, napakadaming tao. Marami pang Starbucks dito pero malayo pa ang lalakarin. Hindi ko mapilit si Arvin na sa ibang Starbucks ng MOA magkita dahil una, hindi niya kabisado ang MOA, baka maligaw siya at pangalawa, ayaw kong mapagod si Arvin sa kakalakad.

Naisipan kong ilabas ang Gen. Psy. book ko habang naghihintay. Nagbabasa-basa ako noong makita ko si Dan na nakapila sa counter. Nagulat siya noong napansin ako at bigla namang sumulpot sa harap ko si Georgina.

“Uy, Colleen! Akala ko ba uuwi ka na? May date kayo ‘no?” dire-diretso niyang bati.

Napangiti nalang ako. Umupo siya sa tabi ko kaya sinara ko ang Gen Psych book. “Bakit kayo nandito?” tanong ko.

“Wala lang, nagyaya si mokong. Libre raw niya ako.” Lumingon ako sa direksyon ni Dan.

“Naks, date n’yo?” pang-aasar ko.

“Hindi ah! ‘Yan? Date? Nililibre lang ako niyan ‘pag kailangan niya ng kasama.” sagot ni Georgy. Tumawa ako. Saglit kaming nagkuwentuhan kung bakit sila napunta sa MOA kahit plano nilang umuwi na agad.

“Ano na namang drama mo, Georgy?” napalingon kami kung saan nangaling ang boses ni Dan. May hawak siyang tig-isang Frappe.

“Wala, sabi ko ang guwapo mo.” sagot ni Georgy. Nagkatinginan kami ni Dan. Alam kong alam niyang sarcastic ang tugon ni Georgy.

Umupo si Dan sa tabi ko. Nasa gitna ako ng mag-best friend.

“Sipag naman ni Colleen. Nag-aaral padin.” pang-aasar ni Georgy habang nakatingin sa libro ko.

“Joke lang ‘yan,”

“Weh?” si Dan.

“Oo nga, wala kasi akong magawa eh.”

“May date nga kayo?” tanong bigla ni Georgy. Tumungo ako.

“Ahhh,” sagot ni Dan.

“Hinihintay mo ba si Arvin?” tanong ni Georgy. Tumungo ulit ako. Hindi ko alam pero bigla akong nahiya noong sinabi ko ang pangalan niya. Napatingin ako kay Dan.

“Samahan nalang natin siya Dan, hanggang sa dumating si Arvin.”

“Sige,” sagot ni Dan. Nanahimik kami, umiinom sa kanya-kanyang kape.

“Colleen, alam mo ba ‘yang si Dan,” umpisa ni Georgy.

“Ano na naman ba, taba?” ganti ni Dan.

“Aba! Gumaganti...”

Napatawa nalang ako bigla. Nagkatininginan si Georgina at si Dan at tumawa na rin.

“Bakit ba ako sumasama sa mga tulad n’yo? Nababaliw na rin tuloy ako.” sabi ni Dan pagkatapos naming uminom ng mga Frappe namin.

“Matagal ka nang may sapak.” comment ni Georgy kay Dan.

“Ang cute n’yo talaga, bakit ba hindi pa kayo magkatuluyan?” biro ko. Nagbago ang timpla ng mukha ni Dan noong sinabi ko iyon.

“Yuck!” sigaw ni Georgy.

“In your dreams, Georgy.” si Dan. Napangiti ako sa mga sagot nila. Kung titingnan mo silang dalawang magkasama, bagay sila.

Bakit? Bakit ngayon ko lang nakilala si Georgy? Kapag kasama ko siya, lumalabas ang side ni Dan na hindi ko nakilala. Napaka kaunti lang kasi ng oras na naging magkasama kami. Napakaraming bagay ang hindi ko nalaman tungkol kay Dan. Gusto kong tanungin si Dan ng tungkol sa mga bagay na iyon. Ni paborito niyang pagkain, hindi ko  pa alam. Pero, ayaw ko iyong gawin sa harap ni Georgina. Panigurado namang aasarin niya lang ako.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon