23

105 2 8
                                    

Katatapos lang din ng exam nila Arvin. Dahil pareho kaming walang pasok ng Saturday, pinapunta ko siya sa bahay. Ako lang mag-isa dahil everyday may pasok ang kuya ko. Si mama naman, desidido na ibangon ang business namin. Si papa, nag-a-apply raw ng trabaho.

“Colleen, nakakahiya man pero puwede mo ba akong tulungan, Romeo and Juliet?” tanong niya.

“Romeo and Juliet?” pagtatanong ko.

“Eh kasi, mahina talaga ako sa Literature eh. Please?”

Nilasap ko muna ang hitsura ni Arvin kapag nagpapa-cute.

“Kiss muna!” Pagbibiro ko. Nagbago ang timpla ng mukha niya. ‘Yung mukhang handang manghabol ng tao. Nagsimula siyang habulin ako. Naghabulan kami sa loob ng bahay, noong nasa kuwarto na ako, akala ko masasarahan ko siya ng pinto pero nakapasok din siya. Kinikiliti niya ako hanggang sa natumba ako. Buti nalang nandoon ‘yung kama ko.

“’Vin, tama na please!” pagmamakaawa ko na natatawa parin.

“Tama na? Eh gustong-gusto mo eh!” sabi niya tapos kiniliti baiwang ko. Hindi ko alam kung saan ilalagay kamay ko para pigilan siya. ‘Yung katawan ko rin naman kasi eh, ang daming kiliti!

“Hindi kita tutulungan, sige!” pananakot ko. Nakangiti parin si Arvin, mukhang nag-enjoy sa torture niya sa akin. Noong tumigil na siya, pinagpatong ko ang mga unan ko para makasandal kami ng maayos. Nakita ko naman si Arvin na may kinuha sa bag niya.

“Game,” sabi niya. Tumabi siya sa akin, kumportableng-kumportable ako dahil sa mga unan. Mas naging kumportable dahil katabi ko si Arvin.

Binasa niya ang isang linya at pinapaliwanag ko. Hindi ko alam na ma-misinterpret ni Arvin ang ibang lines ng Romeo and Juliet. Pailbhasa, nakakadugo naman kasi ang English ni Shakespeare.

“Is it even so? Then I defy you, stars!” pag-recite ko ng isa sa mga favorite parts ko sa R and J.

Umiling si Arvin. Pinaliwanag ko na ito ‘yung part na napasigaw nalang si Romeo sa mga bituin dahil sa tindi ng mga pangyayari sa kanila ni Juliet.

“Alam mo, ‘Vin, hindi ako naniniwalang hindi mo iyan naiintindihan. Nag-play pa nga tayo niyan bago tayo gumraduate eh,” pagpapaalala ko.

Ngumiti siya bigla.

“Oo nga. Pero kasi, madali naman ‘yung script n’un eh. Iba talaga ‘to eh!” reklamo niya. Natatawa nalang ako.

“Ramdam na ramdam mo pa nga lines mo n’un eh!” pang-aasar ko.

“Siyempre, kung ikaw ba naman ang Juliet ko eh.”

Bigla akong kinilig. Paano ba naman, napagkaisahan ng buong klase na kami ang gaganap na tragic couple.

“Kaya pala enjoy na enjoy ka eh! Dahil sa akin,” patuloy kong pang-aasar.

“Sus, nag-enjoy ka rin naman dahil ako si Romeo eh.”

Nanahimik ako. Nag-isip ng puwedeng iganti.

“Madaya ka nga n’un eh. Sabi, ‘wag totohanin ‘yung kiss, tinotoo mo naman!” biglang reklamo ko.

“Bakit ba? Nag-enjoy ka naman ‘di ba? Pakipot ka pa n’un eh.”

Tumawa si Arvin.

“Eh siyempre, hello? May teachers kaya na nanunuod sa atin n’un.”

“Wala naman silang reklamo eh. Ikaw lang puro reklamo!”

Nanahimik ako. Wala na kasi akong maasar sa kanya eh. “Manyak ka rin ‘no? feel na feel mo ‘yung kiss noon eh!” reklamo ko.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now