7

123 2 1
                                    

"Sino ang napupusuan n'yong maging candidate natin for Lakan at Lakambini?" tanong ni Ma'am sa klase. Nagkatinginan kami ni Georgina. Iniisip ko na si Georgy, kasi maganda ang kulay ng balat niya at natural na maganda siya. Nagtaas ako ng kamay para irekomenda siya.

"Si Colleen po!"buong lakas na sigaw ni Georgy.

Wow, ang bilis. Ugh, naunahan niya agad ako.

"Si Georgy po!!!" mas malakas na sigaw ko.

"Silang dalawa, Ma'am!" sigaw ng isang kaklase namin.

"Ma'am, ayaw ko! Ayaw! Si Colleen nalang po, matalino rin 'yan!" Napa-agree ni Georgina si Ma'am at ang buong klase.

Wow, Georgy, thank you ha.

Hindi na ako nakatanggi.

"Uhmmm, Ms. Mateo, punta ka mamaya sa gym, may elimination na magaganap."

"Mamaya na, Ma'am? Agad-agad?!" tanong kong hindi makapaniwala.

"Opo, mamaya na."

I was just speechless. Grabe, grabe, grabe!

"Go, Colleen! Kaya mo 'yan!" nag-cheer silang lahat para sa akin. Ano ba naman itong pinasok ko?

Tuwang-tuwa si Mama noong nalaman niyang lalaban ako. Katulad ng isang usual pageant, kailangang maghanda ng damit. Madaling nakahanap sila mama ng Filipiniana na maarkila.

Hindi ko inaasahang papasa ko ng elimination at mananalo pa ako.

Ang nakakainis, lakan ng course nila si Dan.

Dalawa kaming nanalo. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng tadhana o ano. Pilit kong tinatago ang inis ko noong magkatabi na kami at kinukuhaan ng picture. Ngumingiti ako para sa camera pero naiinis ako sa loob. Iba kasi ang ngiti ni Dan.

Ngiti lang, ngiti lang ang sabi ko sa sarili ko noong inakbayan na ako ni Dan. Tuwang-tuwa ang mga administrators ng school sa amin. Ang daming nagsasabing bagay kami.

Kung alam lang nila ang nangyari.

Pagkauwi ko, nagbukas agad ako ng Facebook at pumunta ako sa Timeline ko. Naka-tag padin sa akin ang mga pictures ng contest na magkasama kami ni Dan. Si Dan talaga, kahit sa Facebook, hindi ako nilulubayan. Napabuntong-hininga ako. Sana hindi magalit si Arvin.

Noong nakita ko ang cellphone ko na nagvi-vibrate. Sinagot ko agad.

"Colleen, ano 'yung pictures n'yo ni Dan sa Facebook?" bungad ni Arvin.

"Anong pictures?" tanong ko, kunwari hindi ko alam.

"Yung naka-akbay siya sayo, pareho kayong naka Filipiniana?"

"Ahhh, sa Lakan-Lakambini lang 'yun! Oh, ano'ng mayroon doon?"

"Wala, bakit parang tuwang-tuwa ka sa akbay ni Dan?!" tumaas ang boses niya.

I can feel it, Arvin's anger and jealousy. Kinabahan ako bigla.

"Hindi naman ako natutuwa sa akbay niya eh! Natutuwa ako kasi nanalo ako!" sigaw ko sa kanya. Kahit sa telepono, nag-aaway nadin kami. Nakakainis!

"Weh? Maniwala ako sayo? Eh balita ko may feelings ka pa kay Dan eh," sabi ni Arvin na sarcastic.

Arghhhh! Bakit ba ganito? Nagsisimula na rin akong mainis.

"Arvin? Ano ba'ng mga pinagsasabi mo? Ikaw lang ang mahal ko,"

"Weh?!"

Oh gosh, I don't know what to do and what to say.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now