30

71 1 0
                                    

Pagkauwi ko noong birthday ko(sakto namang Friday night), hinila ako ni kuya na magbihis dahil may pupuntahan daw kami. Pinagtataka ko kung bakit umuwi agad ang barkada ko, ni hindi man lang nagpaalam. Tumawag ang kuya ng taxi. Dahil naka-impake ang mga gamit ko, wala akong naging problema.

Sinabihan ko siya nag mag-commute kami kung saan man kami pupunta (I mean, commute na hindi taxi ang gamit). Sabi niya, hindi raw puwede. Maki-ride nalang daw ako sa trip nila. Sige na nga.

Pamilyar ang daan, papuntang Dasma, parang nakukutuban ko na kung saan kami papunta ah. Bumaba kami sa harap ng paborito kong resort. Halos maglulundag ako tuwa at niyakap-yakap ko pa ang kapatid ko. Reserved na raw ang kuwarto namin, ibihis ko raw ang laman ng box na binigay ni kuya. May envelope pa sa loob, letter ni Georgina.

Gusto kong himatayin noong nakita kong isang kulay light green 2-piece swim suit ang bigay niya sa akin. Mayroon ding malaking scarf. Noong hinalungkat ko ang bag ko, wala ibang laman na swim suit. Planado ba ito?

Na-i-imagine ko si Georgy na nagagalit kaya sinuot ko ang regalo niyang swimsuit kahit ayaw ko.

Sa mismong kuwarto iyon ay kita ko ang bag nila Mama, pati gamit ni kuya nandito. Sa isang gilid ay nandoon ang iba’t ibang nakabalot ng box. Hindi ako nakapaghintay kaya binuksan ko ang iba doon. Ang isa, ang laman ay isang sun dress na color blue. Simple lang pero maganda at alam kong mamahalin dahil ang lambot ng tela. Pinatong ko sa swimsuit. Noong nag-text si kuya na bumaba na ako, nagmadali na ako. Makakapaghintay naman siguro ‘yung ibang regalo na nasa kuwarto.

Pinapunta ako ni kuya sa pinakamalapit na pool. Inaasahan kong nandoon na silang lahat at naliligo na.

Nagulat ako sa mga nakita ko. Maliwanag ang paligid ng pool. Mukhang may magde-debut sa paligid. Sa Main Hall ay may nakapaskil na Happy Birthday Colleen! Tapos may collage ng pictures ko ang taurpaulin.

Nandoon ang mga kaklase namin noong high school. Pati iilang College classmates. Halo-halo sila ng suot, may mga naka-sundress din, may mga naka-casual lang pero sa harap ng stage, nandoon ang family ko. Sa paligid ay ang daming nakasabit na hearts. Nakadikit sa kisame at hinahangin ang mga pusong nakasabit sa yarn. Kilala ko na kung sino may pakana nito. Floating hearts ba? Arvin all the way!

Biglang tumugtog ang Happy Birthday at mula sa malayo, may dalawang lalaki na may bitbit ng isang birthday cake. May totoong teddy bear na nakaupo doon sa cake.

Guess what? Si Arvin at Dan ang may dala ng cake. Wow, magkasundo sila. Noong malapit na sila sa akin, pina-blow nila ang cake at nagpalakpakan ang lahat.

Naiiyak ako dahil sa ginawa nila. “Bakit ganito?” tanong ko.

“Oh, bakit ka naiyak? Birthday na birthday eh. Dapat masaya!” sigaw ni Arvin. Sumunod ang kainan, may nakalatag na buffet. Maraming taga St. Mary’s ang napapunta nila, may mga kabarkada ni Dan at mga ka-block namin ni Georgina. Siyempre, hindi mawawala si Tania at Carla.

Masayang-masaya sila at kinikilig noong nakita ako. Mas kinagulat ko ang ilang mga kaklase naming from high school na halos kumpleto. Saglit ko silang kinamusta.

Noong pumunta ako sa table ng parents ko, hindi ko ma-explain ang saya ko. 

“Happy birthday!” masayang bati ni Mama at niyakap ako. I smelled her perfume and liked it, liked that I am hugging her tight on my birthday. Ngayon lang ulit ako nag-birthday na kumpleto ang family ko.

“Daddy!” masayang sigaw ko habang yakap-yakap niya ako.

“Dalaga na nga ang anak ko, happy birthday!”

“Planado ‘to?” tanong ko sa parents ko.

“Uhmmmm, yeah. Pinagtulungan namin ito.” sagot ni kuya ko, mukhang proud.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now