24

95 2 5
                                    

“Guys, we have a week to do this sh*t!” reklamo ni Tania. Minsan, hindi ko alam kung suwerte ako o hindi dahil mga kaibigan ko ang mga ka-grupo ko sa baby thesis making.

“Mag-overnight tayo!” pagyayaya ni Carla.

“Tama, sabay girl-bonding!” pagsang-ayon ni Tania. Nagkatinginan lang kami ni Georgina. Pareho kasing taga-Pasay lang si Tania at Carla, kami ni Georgy, parehong taga-Cavite.

“Malaki bahay nila Colleen,” sabat ni Georgina. Napalingon ako sa kanya. What?

“Guys, malayo ‘yun! Cavite ‘yun!” sabi ko. Baka ‘di pumayag si Mama eh.

“Walang malayo sa amin, ‘no!” sagot ni Tania.

“Bakit ayaw n’yo kila Georgy?” tanong ko sa buong grupo.

“Oo nga!” tumingin kaming lahat kay Keith. Oo nga pala, ka-grupo ko rin ito.

“Never! Hindi puwede sa amin, magulo as in. Gate palang, deds na kayo!”

Hindi kami nagsalita dahil sa sinabi ni Georgina.

“So, we’re all set. Overnight kay Colleen this weekend.” pagtatapos ni Tania ng usapan.

Hindi na ako nakalaban. Hindi na ako nakapagsalita.

So, help me God.

Isang subject kami pinakanahihirapan. Ang English 2 namin. Gawaan kasi ng thesis ang dating. Sabi nila, training ground ito for our real thesis. Kahit mahirap, go lang nang go! Iyon nalang ang pang-motivate ko sa sarili ko.

Kanya-kanya sila ng dala ng laptop sa bahay namin. Buti nalang, pumayag agad si Mama. Good mood kasi siya for the past days. Busy rin siya dahil sa coffee shop namin. Mabuti ‘yun kasi napapansin kong madalas uminit ulo niya nitong mga nakaraang linggo. Sabi ng kuya, baka dahil matanda na si Mama at menopausal na. Ewan ko ba d’un kay Kurt. Ni anino niya sa bahay, bihira kong masilayan. Si Daddy naman, ewan ko rin d’un. Naghahanap daw ng trabaho. Simula noong nag-college kami ng kuya, naging iba na ang lahat ng bagay tipong halos ‘di na kami nagkikita sa mismong bahay namin.

Friday night, gumawa agad kami ng groupmates ko. Nagulat ako dahil marunong naman pala gumawa ng thesis ang mga kasama ko, kailangan lang ng extreme guidance at motivation. Tinamad lang sila noong una. Sabi nila, mag-relax muna kami ni Georgina dahil kami ang gumawa ng mga naunang part. Nasa sala kami, nanunuod ng horror na movie habang gumagawa sila ng thesis. Ayos, ‘di ba?

Para masaya, naisip naming sa sala na rin matulog. Provided naman kami ng mga unan at kutson. Buti nalang, prepared si Mama.

Kinaumagahan, maaga akong bumangon para tumulong sa pagluluto ng breakfast. Maaga ring nagising si Georgina kaya tulungan kami. Sa dining table naman, nandoon si Papa. Naglasing kagabi, sinesermonan ni Mama. Ito na nga ba sinasabi ko, kaya ayaw kong nagsasama sila sa isang bubong eh.

“Ayos lang ‘yan, Colleen. Magaan pa nga ‘yan eh,” sabi ni Georgina.

“Magaan ang alin? Itong hinihiwa kong hotdog?” tanong ko. Tumawa si Georgy.

“Hindi, shunga! ‘Yung mama at papa mo. Keribels nila ‘yan. Mas matindi nga problema namin ni Dan eh.”

“Kayo ni Dan? Bakit? Ano’ng problema n’yo?”

“Oops! Nadulas ako. I can trust you naman, ‘di ba?”

“Oo naman. Para saan pa’t naging best friend mo ako.”

Noong nagsimulang mag-kuwento si Georgina, halos mahiwa ko na kamay ko. Napatitig nalang ako sa kanya dahil sa gulat.

“Se – seryoso?!”

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now