33

55 0 2
                                    

Dalawang araw nang hindi pumapasok si Georgina. Hindi namin maiwasang mag-alala kasi hindi talaga ma-contact ang phone niya. Noong uwian ay pinuntahan ako agad ni Dan. Kahit ayaw ko, pinilit niya akong sumabay sa kanya pauwi. Tahimik lang ako sa passenger seat habang kung ano-ano ang sinasabi ni Dan. Alalang-alala talaga siya kay Georgina.

“Tinawagan ko condo ng lolo niya, bahay nila sa Alabang, nanay niya, tatay niya pati yaya niya. How come they don’t know anything about Georgina?” sabi niyang nag-aalala. Iniwan ko ang barkada na i-contact si Georgina hanggang makakaya nila. Na-alarma na rin ang mga ka-block namin pati ang teachers.

“Hindi rin ma-contact phone niya. Usually, nagpapa-alam siya sa nanay niya.” dagdag ni Dan.

Bigla ulit akong kinabahan.

“Dan, kumalma ka muna. Nagda-drive ka. Baka maaksidente tayo kung masyado kang tensyonado.” sabi ko. Kailangan ko pang ipaalala sa kanya na red light  na para tumigil siya. Nagbuntong-hininga siya.

Habang may isang minuto kaming nakatigil ay kinuha ko ang kanang kamay ni Dan, ang kamay niyang tila binaba nalang niya dahil sa pagod. Mahigpit ko itong hinawakan, umaasa na nakagagaan ng loob ang ginagawa ko.

Pagkauwi ay parang pagod na pagod ako. Umuwi kaming walang balita kay Georgina. Si Arvin, titiyagain ang byahe mula Quezon city. Mabigat ang paghinga ko noong umupo sa sofa, para akong binugbog dahil sa pagod.

“Ano’ng meron?” tanong ng kuya ko. Gising pa siya, may hawak-hawak na libro pagdating ko.

“Ang daming tumatakbo sa isip ko,” sabi ko. Sumandal ako sa sofa at napapikit ng mata.

“May kama ka sa taas,”

“Kuya? Paano kung nagtaksil ako kay Arvin? Magagalit kaya siya?” tanong ko kay kuya na nanghihina. Napaisip ako sa date namin ni Dan noong isang araw. Buong araw ko na kasing naisip si Georgina pero may bumabagabag pa sa akin. Iyon ay kung babalikan ko ba si Dan o hindi.

“Mahal mo pa ba si Dan?” tanong ni kuya sa akin.

“Kuya, siguro. Hindi ko alam,” sagot ko habang natutulala sa ilaw ng bahay.

“Pero, nasasaktan ako…Nasasaktan ako kapag naririnig kong concerned si Dan kay Georgy. Bakit… bakit nagseselos ako?” natanong ko. Nagseselos nga ako!

“Colleen,”

“Kuya, ang sakit!” umiyak na naman ako. Naiinis ako kasi parang kahapon lang, nasa akin ang attensyon ni Dan tapos ngayon na kay Georgina naman dahil nawawala siya.

Si Georgina, nawawala si Georgina.

Ganoon siguro ang nararadaman niya sa akin. Masakit na ako ang kinukulit at gustong ligawan ni Dan pero hindi magawang magalit ni Georgina sa akin. Hindi niya magawa dahil magkaibigan kami. Ngayon,parang bigla akong nauhaw sa attensyon ni Dan. Ang gulo ko rin eh!

“Tanda mo ba ang sinabi ni Mama? Kasabay ng pagtibok ng puso mo, kailangan tumatakbo rin ang isip mo."

Tumungo ako, sumandal ako sa balikat niya dahil tinabihan niya ako. Parang oras na upang isa-isahing ilabas ang laman ng mga dibdib ko.

“Na-kidnap pa si Georgy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.” nasabi ko bigla at napaiyak. Sa ngayon, iyon ang pinaka nagpapabigat ng loob ko. Ngayon ko lang na-realize na ang bigat-bigat pala sa pakiramdam na nawawala ang isa sa mga taong mahal mo. Kung ano-anong masasama pumapasok sa utak ko. Paranoid lang siguro ako pero hindi ko kasi maiwasang hindi mag-alala.

“Ano?!” panicked ang boses ni kuya. Tumungo ako. Hindi ko mapigilang humagulgol. Best friend niya ako tapos wala man lang akong kahit katiting na clue kung nasaan siya. Hindi mo man lang na-contact noong gabi ng birthday ko. Bakit ba kasi masyado akong nagpakasaya ako noon?

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now