31

76 1 1
                                    

Pagkatapos kong pilitin si Georgina na matulog na, hindi ko alam pero bigla akong dinala ng paa ko papunta kay Dan. Nakatayo siya sa harap ng pinakamalaking pool dito, tila malalim ang iniisip. May hawak na bote ng beer.

“Bakit mo ginawa ‘yun?” tanong ko.

“Ang ano? ‘Yung kanina?”

“Duh, I know. Bakit kailangan mong saktan si Georgina?!” pagalit kong tanong. Humakbang ako palayo. Hindi ako magdadalawang isip na itulak siya sa pool at kung posible, lunurin siya. Best friend ko si Georgina. We definitely share the same pain.

“Hindi mo kasi maintindihan.” kalmadong sagot ni Dan. Nagsimula siyang maglakad palayo.

“Kausap pa kita, hoy!” sigaw ko habang sinusundan ang malalaking hakbang niya.

“Ang complicated na ng lahat ng bagay, dagdag mo pang umamin na si Georgina sa ‘yo at ni-reject mo.” sabi ko.

 “Nakokonsensiya ako, kasalanan ko kung bakit kayo nagkaroon ng eternal fight ni Arvin.” dagdag ko pa. Tumawa siya bigla. Lasing na yata?

Huminga siya ng malalim. Tinitigan ang paligid.

“Wala ako sa beach pero puwede  na ‘to.”

Noong tumingin siya sa baba, nasa pekeng beach kami, nasa kabilang gilid ng swimming pool. Isang artificial beach itong kinatatayuan namin. Ngayon ko lang naramdaman na madami na palang puting buhangin ang tsinelas kol.

Humiga si Dan sa pekeng buhanginan, katabi ang bote ng beer niya. Nakalagay ang mga kamay niya sa batok, mukhang relaxed na relaxed na parang walang pinaiyak na babae. Nakatingin lang sa mga bituin ang mga mata niya.

“Dan, bakit ganyan ka?” inis na tanong ko.

Tiningnan niya ako, ibig sabihin naghihintay pa siya ng mga sasabihin ko. Tapos tumingin ulit sa taas. Hindi ako nakapagpigil.

“Kung papipiliin ka, feelings mo para sa akin o ‘yung bond mo bilang pinsan ni Arvin?” natanong ko. Arghhh! Hindi ko alam kung paano kakausapin ang lasing na ‘to!

Tumingin ako bigla sa taas, sa mga bituin dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya, lalo na sa sasabihin niya.

“Ang hirap naman. Parang sinabi mong pumili ako sa isang asong hindi matapat at pusang hindi marunong maglambing,”

Nagulat ako sa sagot niya. Iyan ba epekto ng alak?

“Ang lalim ng analogy,”

Tumawa siya.

“Si Arvin, parang Math, concrete… palaging may resulta, palaging tama. Ako? Hmmm,” tumigil si Dan. Napaisip.

“Parang Literature, komplikado masyado, maraming sakop. Madalas na nakakalito, palaging misunderstood pero minamahal padin ng karamihan.”

Oo nga ‘no?

“Kung isa kang literature, ano’ng isang bagay na kinaangat mo kay Math?” tanong ko. Dinala ako ng mga paa ko sa tabi niya at umupo ako.

“Ewan ko, parehong magkaibang mundo kami… Pero, naisip ko… Si Arvin ang Math ng buhay mo.”

“Ha?” sabi ko pero sa totoo lang, nanghihingi ako ng mas magandang paliwanag.

“Math kasi kahit nahihirapan ka hindi mo siya binibitawan. Kailangan ng patience, kailangan ng tiyaga. Kahit hirap na hirap ka na, on the end of the day pinanghahawakan mo siya kasi kailangan mong pumasa. Alam ng lahat ng tao ang importansiya niya kaya kahit ang hirap niya, binibigyang pansin siya.”

Napapikit siya habang nagsasalita.

Nanahimik ako. Kinukumpara niya si Arvin sa subject na Math. Malalim pero sakto. Oo nga, sakto kay Arvin.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now