34

51 1 0
                                    

“Guys! Gising!” naramdaman kong may umaalog sa braso ko. Pagkamulat ko ng mga mata ko, nasa likod ng sandalan si Dan.

“Nakita na si Georgina!” sigaw ni Dan. Nag-inat si Arvin sa tabi ko, gising na rin.

“Seryoso?!” gulat ni Arvin na biglang napabangon.

“Bihis na, pupuntahan natin siya.” utos ni Dan. Hinintay kong mabuhayan ako ng dugo bago nag-ayos.

Sa wakas! Makikita ko ulit si Georgina.

Nasa Laguna si Georgina. Kung bakit siya nandoon ay hindi ko matanto. Tsaka, kung pupunta siya ng Laguna, bakit wala manlang pasabi? May problema ba siya kaya bigla nalang siyang nawala?

Magkahawak kami ng kamay ni Arvin, si Dan namana ng nasa passenger’s seat. Minsan, nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin at sa mga kamay ni Arvin. Gusto ko sanang bumitaw kay Arvin kaso parang hindi ako makakahinga kapag bumitaw ako.

Dire-diretsong pumasok si Dan doon sa bahay na tinukoy ng isa sa mga agent, pati na rin sa mga kaunting pagtanong-tanong.

“Georgina!” ang sigaw ni Dan pagkapasok na pagkapasok sa bahay.

“What the hell?” bati ni Georgina sa amin.

“Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Ano’ng ginagawa n’yo dito?” halos sabay naming tanong sa isa’t isa.

“Paano n’yo ako nahanap?” tanong ni Georgina.

“Bakit ka nga nandito?” tanong ni Dan.

“That’s none of your business, the business is why and how you got here.”

“Hinahanap ka namin,” pagsasalita ko, hindi ko natago ang pag-aalala.

“Tsaka, akala ko na-kidnap ka na.” dagdag ko.

 “Duh, I’m fine. The ransom is simple. A million pesos na hindi mangyayari. Kasi, hindi naman ako na-kidnap.” sagot ni Georgina habang umiirap.

“Nag-aalala lang kami sa iyo. Bakit hindi ka nagsabi?” tanong ko.
“Kasi susundan n’yo ako kapag nagsabi ako, at kahit hindi ako nagsabi, nahanap n’yo parin nga ako eh. The best kayo.” sarcastic ang tugon niya.
“Pero,” umpisa ni Dan.

“Hindi n’yo na nga kailangang mangialam pa eh.” galit ang pananalita ni Georgina sa amin.

“Ano ba’ng pinapakailaman namin?” natanong ko, parang naiinis na rin ako. Bigla kaming lumuwas ng Laguna para hanapin siya, tapos ganito ang bungad niya.

“Bakit ka nandito sa Laguna? At sino siya?” tanong ni Dan, parang isang nanay  na galit. Hindi ko napansin na may lalaki, medyo may edad na ang nakatayo sa isang sulok, tinititigan kami. Nag-aalala rin ang mukha niya, pero grabe ang titig niya kay Arvin.

Napabuntong-hininga si Georgina.

“You really want to know?”

“Oo naman! Ilang araw kang nawala eh!”

“Come with me, Dan.”

Hinila ni Georgina si Dan sa isang kuwarto.

Nagkatinginan lang kami ni Arvin. Lumapit siya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko.

“Kinakabahan ako,” bulong ni Arvin sa akin at sumulyap doon sa lalaki. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkahawak ng kamay ni Arvin, pinagpapawisan na ang parehong kamay namin.

Noong nagbukas ang pinto, nakatingin si Dan at Georgina kay Arvin. Gulat ang mukha ni Dan, speechless.

“Arvin, nandito ka na rin lang…” umpisa ni Georgina. Nagkatinginan muna sila ni Dan bago binuksan ni Georgina ang pinto.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now