26

92 1 2
                                    

Palaging sinasabi ng kuya ko na madaming nangyayari sa loob ng isang araw. Alam kong stressed siya dahil sa school pero napagsabihan ko siya ng problema ko. Pumunta kami sa dining table. Busy siya sa paggawa ng assignment habang pinapapak ang isang cupcake ni Mama. Kung ano-ano namang tinatanong ko kay kuya tungkol sa pag-ibig.

"Kasabay ng pagtibok ng puso mo, kailangan tumatakbo rin ang isip mo. Tandaan mo ‘yan, Colleen. Hinay-hinay sa relasyon n’yo ni Arvin.” napalingon kami ni kuya. Si Mama pala.

“S’an naman galing ‘yun, Ma?” tanong ko.

“Nakita ko lang sa Facebook pero totoo naman ‘di ba?”

Oo nga, tama si Mama. Tumawa si kuya.

“Motherly love and wisdom,” comment niya. Napangiti ako. Umupo siya sa harap namin.

“Colleen, dalhin mo si Arvin at mga kaibigan mo sa grand launch ng cup cakes ha!”

“Ha?” tanong ko kay mama. Shocks, hindi nga pala niya alam na nag-break na naman kami ni Arvin kanina lang.

“Kumpleto na ang line of cupcakes na ilalabas namin para sa shop. Siguradong bagay sa lasa ng mga kape ‘yung cupcakes. Susubukan nating bawiin ang nilugi natin gamit ang cupcakes.”

“Wow,” sabi ni kuya. “Ma, nag-improve nga ang mga cucpcake. Hindi na sila nakakaumay. Tama nalang ang tamis.” dagdag pa niya.

Nakangiti si Mama, mukhang proud sa achievement niya, nila ni Dan pala.

“Saan ka kumuha ng pera pang-bake ng cupcakes?” tanong ko. Nanahimik bigla si Mama.

“Ma, s’an nga?” tanong ko ulit.

“Bukod sa pagbenta ng kotse ng kuya mo, pinautang ako ni Dan.”

“Ano’ng ginawa mo, Ma?!” gulat kong tanong.

“Inutang mo personal na pera ni Dan? Okay ka lang?” tanong ko ulit.

“Tsaka, binenta n’yo kotse ni kuya?” pahabol ko pa.

“Hindi ba obvious?” tanong ni kuya sa akin.

“I know, ‘nak. I did a desperate move pero tingnan mo, ayos naman na ang takbo ulit ng business natin ah!” depensa ni mama.

Business mo, hindi natin. Naisip ko.

Tinitigan ko lang si mama. Alam kong may gusto pa siyang sabihin.

“Sinabi rin niya na ilakad kita sa kanya.”

“Ha?!”

“Kasama sa utang na loob ko ang paggawa ng paraan para maging close kayo ni Dan.” sabi ni mama na parang wala lang ang lahat kanina.

“Ma, alam mo bang ex ko na si Dan?” tanong ko. Nanlaki ang mga mata ni Mama dahil sa sinabi ko.

“’Di nga?”

“Oo Ma, and worst, magpinsan sila ni Arvin. Si Dan, Ma. Si Dan po ang first boyfriend ko!” napatakip sa bibig si mama pagkatapos kong magsalita.

“Oh my God! Tell me this is a joke.”

“Ma, why would I joke about something like this? Hindi mo ba na-feel ‘yung awkwardness everytime na nandito si Dan at Arvin sa bahay? Hindi mo ba mapansing ang awkward ko kapag nandito siya sa bahay? Hindi mo ba napapansin kung paano sila magsagutan?”

“At halos magpatayan.” dugtong ni kuya.

Hindi nakasagot si Mama.

“I’m sorry, Colleen.”

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now