2

166 3 8
                                    

“’Vin, alam mo bang nasa Pilipinas na si Dan?” tanong ko kay Arvin. Sakto namang vacant niya rin ang lunch break ko.

“Ha? Hindi pa,” sagot niya. I sighed. Kaya pala. Kung alam niya, sasabihin niya sa agad akin.

“’Di ba sa France na siya mag-aaral?”

“Yeah, pero bakit nandito siya sa school ko?”

“Ano?!”

“Nandito siya sa school ko, nakausap ko pa nga kanina eh.”

Saglit na hindi nakapagsalita si Arvin.

“Oh?”

“’Yun lang ang sasabihin mo?” tanong ko.

“Ano pa ba’ng dapat sabihin ko?”

Now, we sound weird.

“Wala.” sagot ko. Ang weird, ang awkward kapag pinag-uusapan namin si Dan.

“Colleen, kakain lang ako. Bye.” pagpapaalam niya.

“Sige.”

“I –“

Hindi ko alam kung bakit nababa ko agad ‘yung phone. I know Arvin’s going to tell “I love you.” Naloloka na yata ako. Maybe, I am in shock that Dan is back. Wednesday nga pala, medyo puno schedule ni Arvin kapag Wednesday kaya hindi ko na siya iistorbohin.

I can’t get Dan out of my mind. Natapos ang araw na nasa isip ko parin siya kahit ano’ng gawin ko. Simula Monday pa ako ganito. Noong sinundo ako ni kuya, napansin niya na natutulala raw ako. Kinuwento ko naman sa kanya ang mga nangyari for the past week.

“Sa tingin mo, kung hindi mo na mahal si Dan, ganoon padin ba ang reaksyon mo?” tanong niya sa akin. Kaya I love Wednesdays, nasusundo ako ni kuya gamit ang sasakyan niya.

Tiningnan ko nalang ang paligid. People are walking out of our school’s gate. Madaming sasakyang nakasunod sa amin. Halos magkakasabay kasi ng uwian ng iba't ibang course sa school namin. 

“Ewan, pero paano kung mahal ko pa nga si Dan? Eh boyfriend ko na si Arvin?” tanong ko kay kuya.

“Ewan ko sa ‘yo, Colleen. The moment that you said yes to Arvin, dapat erased na si Dan sa puso mo, matagal na.”

Nanahimik ako sa sinabi ni kuya. Erased na nga ba?

I thought Dan was leaving, and he will never disturb us again.

I can hear a phone vibrating. Tiningnan ko phone ko pero hindi naman sa akin. Kinuha ko phone ni kuya. Sa kanya nga ang nagvi-vibrate.

“Si Mama?” hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa screen.

“Bakit siya tatawag ng ganitong oras?” tanong ko kay kuya.

“Nami-miss lang niya tayo. Malamang kagigising lang nila,” Kuya continued driving. Okay, twelve hours interval.

“Hello Ma, kamusta? Nagda-drive si Kuya,” bati ko at ni-loud speaker ko.

“’Nak, uwian n’yo na ba? Pakisundo naman kami… dito sa airport.”

“AIRPORT?!” halos sabay naming sigaw ng kuya.

“Mama, lakas mo mag-joke!” dagdag pa ni Kuya. Seryoso ba si mama? Umuulan pa kaya!

“Hindi ako nagbibiro! Hinihintay na namin kayo ng papa mo dito! Hindi mo ba na-receive ang text ko?” tanong ni mama.

“Ma naman eh! Bakit ba nag-surprise visit na naman kayo!” sigaw ni Kuya. Palagi naman silang ganyan eh, mahilig sa surprises.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now