13

93 1 3
                                    

After a week, I know I can’t handle it anymore. I asked Dan to talk to me. Kalmado siya noong dumating sa bahay namin. Hindi ko alam kung bakit dito ko pa naisipan na mag-usap kami.

Pinaupo ko siya sa sofa at tinabihan ko. Seryoso ang mukha niya kaya naninibago ako. Sanay kasi ako sa nakangiti niyang mukha. Mag-isa naman ako sa bahay dahil hapon lang, busy ang mga kasama ko sa bahay sa kanya-kanya nilang buhay(as usual).

“Totoo ba ‘yung sinabi ni Georgy sa akin?” tanong ko.

“Ano’ng sinabi niya?”

“Na pinagpustahan n’yo ang panliligaw mo sa akin,”

“Paano’ng? Bakit…”

“Paano ko nalaman? Sinabi ni Georgy.”

Biglang nagbago ang timpla ni Dan. Napakamot ng ulo at napapailing.

“Sorry,” sabi niya.

“Pinagpustahan n’yo ako Dan!?”

“Oo nga! Eh ano naman?!” sagot niya. Bigla akong nainis sa tono niya. Bakit ba galit din siya?

“Tsaka, hindi ako nakaisip n’un, si Georgina at ang tropa ko!” depensa niya.

“Pero, niloko mo ako!”

Nanahimik siya. Napatingin sa baba. Nangangatog ang katawan ko, dahil ba sa galit? Dahil sa kaba? Hindi ko alam. Nanlalamig din ang mga kamay ko.

“Colleen, alam kong alam mo ang dahilan kung bakit nandito ulit ako.” Tumitig siya sa akin. Parang hindi ko kaya ang titig niya. Ang mga singkit na matang iyon, ang mga matang tila sumisigaw sa akin.

“Dan, paano kung may feelings pa ako sayo?”

“Kahit boyfriend mo na si Arvin?” pagdududang tanong niya. Hindi ko makaya ang nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko sa kaba. Parang sasabog ako.

“I still… I…” sabi ko. Nakakainis, wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak.

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Parang punong-puno na siya at sasabog na sa pagkalito.

“Dan, mahal kita pero at the same time mahal ko si Arvin. Hindi ko alam ang gagawin ko,”

Umiyak ako at sinabi itong lahat sa kanya.

“Dan, gusto parin kita pero hindi ko kayang iwan si Arvin.”

Tinitigan ko siya, malungkot ang mga mata niya.

“Ayaw ko ng babaeng katulad mo. Totoo pa bang mahal mo si Arvin?  Sa pagkakaintindi ko, rebound mo lang si Arvin.” sabi niya at tumayo.

Napatahmik ako.

Si Arvin, ginawa kong rebound? Napatanong din ako sa sarili ko.

Oo na, naging rebound si Arvin. Tama si Dan, ginamit ko si Arvin para makalimutan siya pero mahal ko na rin si Arvin.

“Hindi kita maintindihan, Colleen. Pinagtatabuyan mo ako dati, tapos ngayon, sasabihin mong mahal mo parin ako?!” inis na sabi niya.

“’Yun nga eh! May feelings pa ako para sa ‘yo. Pero, hindi ko naman puwedeng basta nalang iwan si Arvin ‘di ba? Pero ‘yun ang gusto mo eh.” sabi ko habang naiyak.

“Hindi,” sabi niya. Kumalma ang pananalita niya.

“Hindi iyon ang gusto ko. Ang gusto ko, bumalik ka sa akin pero hindi kasama na masira pagkakakilala ko sa ‘yo. Masakit padin ‘yung break up natin ‘di ba? Masasabi ko ‘yun kasi sobrang masakit din naman sa akin na kailangan kitang iwan,” sabi niya. May tumulong luha sa mga mata.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now