21

88 2 2
                                    

Pagkagising ko, napansin ko agad kung nasaan ako. Clinic ng school. Napatingin ako sa relos ko, past 2 pm na. Hala! Iyong exam ko!

Tumayo ako at nagulat 'yung nurse dahil sa akin. Sinabi kong hahabol ako para sa exams ko.

"Ms. Mateo, kailangan mong magpahinga," malumanay ang boses ng nurse. Bata pa siyang tingnan, buti nalang hindi masungit.

"Pero, p'ano po 'yung exams ko?"

"May medical certificate ka na. Pinabigay ko sa mga kaklase mo. Ano ba'ng nangyari sayo?" tanong niya bigla. Pinaupo niya ako doon sa upuan na nakaharap sa table niya. Kinuha niya ang temperature ko at blood pressure. Sinabi kong hindi pa rin ako kumakain at nahihilo parin ako.

Ang sakitin ko talaga, hindi lang ako nakakain ng breakfast, nahimatay na agad. Bukod kasi sa late ako nakapasok, ayaw kong bumili dahil nagtitipid ako.

Pinabalik ako ng nurse sa pagpapahinga. Maya-maya'y pinauwi na niya ako.

Pagkalabas ko ng campus, nandoon si Arvin.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Arvin, concerned ang mukha. Ano ba iyan! Kinikilig tuloy ako!

"Nahimatay ako tapos, hindi ako nakapag-exam."

"Ahhh... Bakit ka naman nahimatay? Hindi ka na naman kumain 'no?"

Bakit alam niya? Palibhasa kasi, nahihilo ako agad kapag hindi nakakain sa oras, worst kung mahimatay ako.

"Tara, kain tayo. Namumutla ka parin. Ano'ng gusto mo? Unli rice ba?" tanong ni Arvin, tapos mapang-asar ang ngiti. Kinuha niya ang bag ko at naglakad kami. Napapangiti tuloy ako dahil sa concern niya. Tapos, kinurot ko siya sa tagiliran niya.

Kumain kami ni Arvin sa Mang Inasal kahit alas tres na ng hapon. As usual, saan pa ba kami tatakbo kung 'di sa Mall of Asia? Sabi niya, halatang gutom daw ako. Wala man lang daw akong poise kumain. Tinatawanan ko nalang si Arvin. Kahit kasi napaka-moody niya, kapag tinopak ng pagiging sweet, malulunod naman ako sa kilig.

Sinabi kong gusto ko nang umuwi kasi may exam pa ako bukas, tsaka aayusin ko ang special exam ko dahil nga doon sa subject na hindi ko na-take.

Pumayag naman si Arvin. Bitbit ni Arvin ang bag ko at magka-holding hands kami hanggang sa sakayan ng mga van pa-Cavite. Ang sistema dito, bayad ka muna bago sakay.

"Kuya, dalawang Imus po." sabi ni Arvin kay kuya na naniningil. Napatitig ako sa kanya.

"Akala ko ba, every Friday ka umuuwi ng Cavite?" pagtataka ko.

"Ihahatid na kita, mahirap na. Baka mahimatay ka na naman."

"'Vin, no need!" protesta ko.

"Ano ba talaga?!" inis na tanong ni kuyang tagasingil.

"Dalawa nga po kuya," kinuha ni kuya 'yung bayad ni Arvin. Napatitig nalang ako sa kanya. Gusto kong umiyak kasi ang sweet niya.

Buti nalang, napaupo kami sa harap. Nakasandal ang ulo ko kay Arvin habang akbay-akbay naman niya ako. Ang bango-bango ni Arvin. Iyon padin kasi ang pabango niya since high school kami, hindi siya nagbabago.

"Colleen,"

"Hmmm?" tanong ko. Pinikit ko ang mga mata ko, gusto ko kasing matulog.

"Mainit-init ka Colleen,"

"Tulog lang kailangan ko," sagot ko.

Tahimik ang loob ng van, tanging ang ingay ng aircon ang naririnig ko. Malamig pero ramdam ko ang init ng katawan ni Arvin.

Maya-maya'y bigla siyang kumanta.

"I'll turn off the lights

And let you sleep

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora