18

85 1 2
                                    

Bumalik kami sa dati ni Arvin. Mas naging hectic naman kami nitong second semester dahil nagsimula kaming gumawa ng baby thesis.

Hindi ako nahihirapan sa ganito dahil may idea naman ako. Nahirapan kami ni Georgina dahil tamad ang mga ka-grupo namin. Kapag ganitong hapon, nasa bahay na ako. Gabi na nakakauwi si Kuya, Mama at Papa dahil sa mga personal business nila. Busy si mama at papa sa coffee shop na pinatayo nila. Kapartner ng parents ko ang mama ni Dan ang coffee shop na iyon. Minsan duda ako na sa nanay pa ni Dan sila nakipag-partnership. Ayos naman daw ang takbo ng negosyo pero kinakabahan padin ako.

Friday night, dapat magkikita kami ni Arvin pero hindi raw siya puwede. Tinawagan naman niya ako. The usual, nagkuwentuhan kami at nagkamustahan. Naging tahimik kami pareho noong wala na kaming masabi sa isa't isa.

"Colleen, alam kong unusual ito pero puwede ba akong humingi ng pabor?" seryosong tanong ni Arvin.

"Sure, anything."

Narinig kong huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Please give Dan a second chance,"

Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon.

"Are you breaking up with me?" Hindi ko intensyong tumaas ang boses ko.

"No, no! I'm not. Pero, kasi ..."

"Arvin, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?"

"Oo naman at alam ko ang sinasabi ko."

Napatigil ako. Ayaw ko. Ayaw ko ngang bigyan si Dan ng second chance.

"Hindi ko inaakalang sa 'yo pa mangagaling iyan." sabi ko.

Patlang.

"Pinamimigay mo na ba ako?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganoon, pero,"

"Vin, paano kung ayaw ko?"

"Hindi rin kasi kita maintindihan minsan. May mga oras na kapag kasama kita, parang hindi ko rin naman kasama ang puso mo. Mahal mo pa ba si Dan?"

Dumating ang tanong na hanggang ngayon ay iniiwasan ko. Alam na rin siguro ni Arvin ang sagot. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Bakit ba ako naiiyak? Hay naku! Ikaw talaga, Colleen!

"Para kang tanga, Arvin. Sinasabihan mo ang girlfriend mo na bigyan ng second chance ang ex niya?"

Sana, hindi rinig sa kabilang linya na naiiyak na ako.

"Dahil pinsan ko ang ex mo,"

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Colleen, umiiyak ka ba?"

Hindi na ako nagsalita.

"Coleen, bakit ka naiyak?"

"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko. Hindi ko alam pero ito ang unang naramdaman ko.

"Hindi naman sa ganoon. Ayaw lang kasi kitang tingnan biilang competition. Gusto kong mahalin mo ako dahil mahal mo ako, hindi dahil naawa ka lang na masaktan ako. Kung si Dan naman talaga ang gusto mo, ano pa ba'ng magagawa ko?"

"Arvin, hindi kita maintindihan. Ikaw ang mahal ko,"

"At mahal mo rin si Dan."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Arvin," tawag ko.

"Colleen,"

"Sorry, Arvin."

Umiiyak ako at hindi ko alam kung bakit. Naguguluhan padin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Binaba ko ang tawag nang walang paalam.



Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now