6

148 3 3
                                    

Maluwag ang schedule ko kapag Wednesday. Nakita kong online si Arvin kaya nag-message ako sa kanya sa Facebook.

“Colleen, alam mo bang parang sinabugan ng pinturang pink ang kuwarto mo? Ewww!” sabi ni Georgina pagkapasok na pagkapasok sa kuwarto ko. Dahil wala naman daw kaming gaanong assignment, nagpumilit si Georgina na sumama sa bahay ko. Sila Mama at Daddy, wala rin sa bahay. Ewan ko ba sa dalawang iyon. Nag-aayos yata ng mga papeles na hindi ko alam kong ano.

“Ayaw mo ba ng pink?” tanong ko.

“Oo, as in, ayaw! Ewwww!”

Natatawa nalang ako sa kanya.

“Ang bakla kasi ng kulay,” dugtong pa niya. Bakla raw?

Loko ka talaga, Georgy. Tumawa ulit ako.

“Uy, Hello Kitty!” sabi ni Georgy na kinuha ang stuff toy sa paanan ng kama ko.

Tiningnan niya ang paligid at hindi ko inaasahang mapapansin niya ang mga trophy na binigay ng SCA sa akin.

“Wow, ang dami mo namang trophy tsaka ang dami mong medals.” sabi ni Georgina.

“Katas ng Regional at National Quiz bees,” sabi ko.

“Ang galing mo talaga, Colleen!” puri ni Georgy.

“Ikaw din naman ah!”

Humiga siya sa kama ko at niyakap-yakap si Hello Kitty.

“Ito ba ang kama kung sa’n nilalandi ka ni Dan?” tanong ni Georgy habang nakahiga siya. Natawa naman ako sa word na “landi”. Um-oo ako.

“Hay, in love na in love si Dan sa ‘yo, baliw na baliw pa nga,” sabi niya.

Tinabihan ko siya.

“To the point that he wants to destroy my relationship with Arvin,” kuwento ko.

“Colleen, paano si Dan noong boyfriend mo siya?” tanong niya.

“Ano’ng paano?”

“I mean, sweet ba siya, loko-loko, impakto, tipong gan’un,”

Napaisip tuloy ako. Natawa ako sa impakto. Kaya gusto kong kasama si Georgina eh.

“Sweet siya, pero ang corny niya. Inaasar ko siyang bakla noon,” kuwento ko. Bigla namang tumawa si Georgy. Babaeng ito talaga, naloloka na naman yata.

“Bakit ka natawa?”

“Eh kasi, inaasar ko ring bakla si Dan! Masarap kaya siyang asarin, kasi pikon!” kuwento ni Georgy na masayang-masaya ang mukha.

“Tsaka, si Dan? Sweet?” pagdududa ni Georgy.

“Oo, sobrang sweet niya,”

“Weh, naku, luko-loko talaga ‘yun!” sabi ni Georgy.

“Ha?”

“Wala.” sagot niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

“Si Dan, alam ko na! Sweet siya sa mga babaeng talagang mahal niya. Alam mo namang aastig-astig ‘yun sa school eh. Pero may mga oras na parang lalamya-lamya, kaya bakla ang asar ng tropa niya sa kanya.” kuwento ni Georgina.

“Tsaka alam ba, nuknukan ng tamad ‘yang si Dan! Kopya ‘yan nang kopya sa akin noong high school.” dugtong pa ni Georgina.

“Sige, magkuwento ka pa.” sabi ko.

“Tapos, ano! Ang lakas-lakas niyang mang-asar kapag kami lang! Favorite hobby niya ang mangburaot ng tao lalo na ako, kaya kung binubwisit ka, pagpasensiyahan mo nalang ha.” sabi ni Georgina. Hindi ko alam pero parang nagselos ako bigla. Ibig sabihin, bago ako dumating, na kay Georgina na talaga ang attensyon ni Dan.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin