25

99 1 5
                                    

“Alam ko na, Colleen! Magpa-contest tayo sa kanilang dalawa. Kung sino manalo, siya i-boyfriend mo!” umpisa si Carla. Hindi ko alam pero favorite nilang pag-usapan kami.

“Colleen, seryoso bang magpinsan ‘yung dalawa?” tanong ni Keith.

Tumungo ako.

“Grabe!”

“Iba ang alindog ni Colleen!” si Georgina, tapos tumawa.

“Pang teleserye love story nila, sulat mo Tania, post mo sa Wattpad. Baka bumenta,” dadag pa ni Georgina. Simula noong incident sa bahay, palagi na nila akong inaasar.

“Kayo rin naman ni Dan, Georgy. Pang teleserye ang buhay.” ganti ko.

“Hindi na love triangle, square na!” si Carla.

Shocks! Why did I say that?

Tiningnan ako nang masama ni Georgina, sabay tayo at walk out.

 “George! I’m sorry, I didn’t mean to say it!” habol ko sa kanya. Dire-diretso lang siya, hindi ko alam kung saan siya pupunta. We passed on other students and some professors and we/I ignored them.

Sinundan ko siya hanggang sa pumasok siya sa isang cr. Walang ibang tao kaya solo namin. Bigla niya itong ni-lock.

“George?” tanong ko.

“I think it’s time to tell you another thing.”

Huminga siya ng malalim.

“Ano naman ‘yun?” tanong ko.

“Secret ulit?”

“Paano kung halos sabay kayong lumaki ng certain guy and both of you has a complicated life?”

Hindi ako nagsalita, hinintay ko siyang magpatuloy.

“And your lives just get intertwined to one big horrible fabric, and the fabric’s kinda weird,”

“Bakit?” pagtataka ko.

“Si Dan ba ang tinutukoy mo?” tanong ko pa.

“Gusto ko si Dan, Colleen. I think I’m falling in love with him.”

Hindi ako nakapagsalita dahil diniretso ako ni Georgina.

“Nakakainis kasi siya! Kapag kasama ko, ikaw ang bukambibig, Wala nang mas gaganda at tatalino pa sa ‘yo sa mata ni Dan! Samantalang ako, palagi niyang kasama ni hindi niya mapansin iyong effort ko para manatiling kaibigan niya!”

“Georgy, iyon ba ang dahilan kung bakit ka galit sa akin?”

“Hindi, galit ako sa buong pagkatao mo. Ano ba’ng mayroon sa ‘yo para mabaliw sa ‘yo si Dan ng ganyan?! Hindi ako dapat magalit sa sayo kasi best friend kita pero ang sakit kasi eh.” sabi niya.

“Tsaka, nakakainis! Ang unfair! Kasi, bakit sa dinami-dami pa ng gagawing kabit ng papa ni Dan, nanay ko pa? Siguro, hindi mo maintindihan kung gaano ka-complicated pero nakakanis talaga eh!”

“Bakit ka naiinis? Teka, hinay-hinay. Wala na akong maintindihan.” sabi ko.

“Kasi ganito, may affair nga ang mom ko at dad ni Dan. Hinding-hindi ‘to puwede malaman ni old woman. Magalit na lahat ng bulkan sa Pilipinas, wag lang siya!”

Alam ko na ang kuwento, kabit ng tatay ni Dan ang nanay ni Georgina. Narinig ko na ito noon pa pero hindi ko alam na lalaki nang lalaki ang sitwasyon.

“Do you know what makes it worse?” tanong ni George. Umiling ako.

“Looks like my mom is pregnant.”

Hindi ako makapagsalita.

“Ang sakit-sakit talaga. Kainis! My mom’s b*tching around with his dad.”

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora