5

129 2 6
                                    

Sabado ng umaga. Mabuti na lang walang pasok. Maganda ang gising ko kaya sana wala na si kuya sa bahay para hindi ako maistorbo o kulitin.

Pagkababa ko, nakita kong nakaupo sa sofa si Arvin at si Dan. Lagi kong nakakalimutan na magpinsan sila, pero pakiramdam ko, nananadya na si Dan. Lalo na sa bigla-biglaang pagsulpot niya lagi sa school para sundan ako at tanungin kung ano’ng pagkain sa cafeteria.

Sunod siya nang sunod at nangungulit talaga. As usual, ako na naman ang tao dito sa bahay na unang nagising. Alam kong tulog pa ang parents ko. Ang ipinagtataka ko, paano nakapasok sa bahay ang magpinsan? Sabi nila, pinapasok sila ng kuya ko at kaaalis lang niya.

Akala ko aayos na ang Sabado ko at I can get rid of Dan, pero heto na naman siya!

“Hi, Colleen!” bati ni Dan. Iba ang ngiti niya sa akin, at alam kong may laman iyon.

“Good morning, Colleen,” bati ni Arvin sa akin. Lumapit ako sa kanya para tanggapin ang isang yakap na gustong-gusto ko naman.

“Arvin, saglit lang ha.” pagpapaalam ko kay Arvin. Umalis ako sa yakap niya at hinila ko si Dan palabas.

“Ano ba’ng problema mo Dan?!” tanong ko sa kanya.

“Bakit? Ano’ng ginawa ko?”

“Bakit? Bakit kailangan mong pumunta dito na kasama si Arvin? Ex-boyfriend kita, si Arvin, boyfriend ko. Mahirap bang intindihin ‘yun?!” kahit pilitin kong kumalma, hindi ko magawa.

“Baka nakakalimutan mo, pinsan ko si Arvin. Colleen, blood is thicker than water,” at ngumiti siya. Iyong mean smile niya.

“Ano’ng gusto mong palabasin?”

“Wala, pero bakit apektado ka na nandito ako? Alam kong hindi ka pa rin naman nakaka-move on sa nangyari sa atin eh,.”

Wala ako’ng naisagot sa sinabi niya.

Tama siya.

“Oo! Hindi pa ako nakaka-move on at magagawa ko iyon kung lalayo ka sa akin! Please. Para sa amin ni Arvin na pinsan mo?”

Napangiti siya, ‘yung ngiting parang may naalalang nakakatawa.

“Alam mo, gagawin ko ang lahat para sa kapamilya ko, pero gagawin ko rin lahat para sa taong mahal ko. Binigay kita kay Arvin dahil alam kong aalagaan ka niya pero…”

Hinintay ko ang mga sasabihin niya. Tumingin siya sa main door namin.

“Noong hinalikan mo ako noong isang araw, naisip ko na mahal pa rin kita at alam kong mahal mo pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit sinagot mo si Arvin kahit may feelings ka pa rin para sa akin.”

Lumingon ako sa pinto. Nandoon si Arvin, at hindi maipinta ang mukha niya.

“Colleen, nagbibiro lang si Dan, ‘di ba?” tanong ni Arvin sa akin at naglakad palapit sa amin.

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

“Arvin, ano…”

“Totoo ‘yun. Naghalikan kami noong isang araw nang hinatid ko siya,” singit ni Dan. Tinitigan ako ni Arvin.

“Colleen, mas may tiwala ako sa ‘yo kaysa kay Dan. Totoo ba ‘yun?” nakatingin lang ako sa baba. I couldn’t look at Arvin. Nahihiya ako sa sagot ko.

Noong tiningnan ko siya, dahan-dahan akong tumungo.

Tiningnan niya nang masama si Dan at bigla niyang sinikmuraan.

“G*go ka!” sabi ni Arvin bago lumabas. Nakangiti pa rin si Dan, isang panatag na ngiti.

“Mukhang madali lang kitang mababawi.” Ngumiti ulit siya sa harap ko.

Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)Where stories live. Discover now